Forty Seven/ Single Father

1.7K 69 7
                                    


    Vanessa,

      Nasa isang sikat na coffee shop ako ngayon naghihintay kay Ms. Jane. Sobra akong kinakabahan at the same time excited na makita sya muli. Naupo ako malapit sa may counter para madali nya akong makita. Kakatext lang din nya na palabas pa lang sya ng opisina at papunta na  sa coffee shop. Hindi na muna ako umorder ng drinks hihintayin ko na muna si Ms. Jane. Habang nag hihintay ako kay Ms. Jane di ako mapapakali, natetense ako at nanlalamig sa kaba. Wala pa akong five minutes na nakaupo pero piling ko ang tagal gatal ko ng naghihintay. Bawat pumapasok sa coffee shop tinitingnan ko baka si Ms. Jane na ang pumasok. Hanggang may pumasok na isang babaing, short hair, ang ganda  at nakasalamin. Napatitig ako sa kanya, ng tinanggal nya ang salamin nya, nanlaki mata ko sa nakita ko. "Ohgod! si Jess, mabilis akong tumayo at lumapit ng kinauupuan, yung hindi ako makikita nya. Hindi pa ako handang humarap ni isa sa pamilya ni Jacob sa mga oras na to. Kailangan ko pa mag ipon ng lakas na loob, sobra akong kinakabahan, dasal ko na sana di mapang abot si Jessica at si Ms. Jane dahil kapag nangyari yun malalaman nya na nandito ako. Tenext ko si Ms. Jane kung nasaan na sya at ang sabi nasa taxi pa sya medyo matraffic, laking pasalamat ko naman. Nakahinga ako ng maluwang, pasimpli kung tingnan si Jess, mas lalo syang gumanda sa short hair nya, bumagay sa kanya. Lalo lang syang nagmukhang very sophisticated and independent woman sa hitsura nya ngayon. Maya pa nakita kung kinuha nya ang cellphone nya at may tinawagan. Narinig kung binanggit nya ang pangalan ni Jacob, mas lalo lang tuloy ako ninirbyos at kinabahan. Maya pa narinig ko naman ang sabi nya, "baby Sam do you want cake? so si Samantha ang kausap nya ngayon. Gusto ko na syang lapitan para makumusta si Sam pero natatakot ako, hanggang pinatay na nya ang phone at nag order ng isang buong cake. At mabilis naman sya umalis ng makapagbayad na sya at bitbit na nya ang cake pero bago pa sya tuluyang makalabas ng pinto bigla sya lumingon at tumingin sa direksyon ko kaya mabilis akong tumalikod. Abot abot ang kaba ko at lihim nagdasal na sana wag akong mapasin, hanggang sa tuluyan na syang lumabas saka lang ako nakahinga ng maluwang at tumingin sa may pinto ulit. "Hay...salamat, akala ko makikita na nya ako" sabi ng isip ko. Naupo ako ng maayos at humingi ng tubig sa crew, mabilis naman nya akong binigyan. Agad agad ko ding ininom ang tubig, piling ko sumikip ang dibdib ko sa nangyari ngayon ngayon lang. Mga ilang minuto ang lumipas napaitlag ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko, si Ms. Jane tumatawag. Mabilis kung dinampot dahil inilapag ko lang eto sa ibaba ng mesa at sinagot.

     "Hello Ms. Jane!..

     "Babae asan kana papasok na ako.."sabi nya.

      Kaya naman napatingin ako sa pinto at nakita ko sya agad nakasuot ng salamin. Napalingon lingon pa sya at hinanap ako, kumaway agad ako sa kanya at pinatay ang phone. Mabilis syang lumapit sa akin at ako naman agad na tumayo at sinalubong sya. Masaya kaming nagyakapan ni Ms. Jane, sobra ko syang namiss, mahigpit kaming nagyakapan. Maya bumitaw sya at hinawakan ang dalawang pisngi ko at kinurot kurot na para akong bata.

     "Wow! iba kana ngayon ha. Ay lalo kang gumanda, grabi halos di na kita nakilala..."excited na sabi ni Ms. Jane.

    "Ikaw din naman, para bumabata ka.

     "Ay naku wag mo na akong bulahin.Apekto lang yan ng pag ibig...masaya nya balita sa akin.

    "Nakakabata talaga ang pag ibig no!..ngiti kung sabi.

    Niyaya ko na syang maupo at tinanong ng order nyang at food.

    "Wow! may datong kana ha. Iba na talaga ang nagtatrabaho sa abroad no. Look at you, mas lalo kang gumanda at may pera na.."biro namang sabi ni Ms. Jane.

      "Ikaw talaga Ms. Jane di pa rin nagbabago.."sabi ko.

     "What for? ...ngiti nyang tanong sa akin.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon