Vanessa,
After namin naubos ang icecream,masayang nagpaalam si Ms. Jane na babalik na ng opisina at kukuha na lang sya ng taxi. Nagpaalam na rin sya kay baby Sam pero bago sya umalis kinausap muna nya ako mag isa. Lumayo kami kunti sa dalawa para siguro di marinig ni Thea kung anong sasabihin ni Ms. Jane sa akin.
"Girl ano, sasamahan mo ba sila pauwi ng bahay nila?..mahinang tanong nya sa akin.
"Hindi ko alam, pero bahala na.."yun lang naisagot ko.
Ang totoo hindi ko alam gagawin ko, kung sasama ba ako sa kanila. At hindi naman, hindi rin al ko paano magpaalam sa dalawa. Tiningnan ko si Thea at Sam na masayang naglalaro sa upuan habang hihintay kami.
"O sya, goodluck girl..."ngiting sabi sa akin ni Jane sabay hawak sa mga kamay ko.
Bumalik na kami ni Ms. Jane sa kanila at nagpaalam na rin sya. Tumayo naman si Thea at ibinaba si Sam, ng makababa sya agad syang lumapit sa akin at humawak sa kamay ko. At hila hila na nya ako, wala na akong magawa kundi ang sundan sya, masayang nakasunod si Thea sa amin ni Sam. Masayang hawak hawak ni Sam ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa naghihintay na si Mang George. Hanggan sa maya pa nakita na namin ang sasakyan at mabilis kaming pinagbuksan ni Mang George. Bumitaw si Sam sa akin dahil binuhat sya ni Mang George para ipaupo sa car child seat nya, tahamik lang na nakatingin si Sam sa akin habang inakabit sya ni Mang George ng seatbelt nya. Hanggang sa natapos na nga eto at sumakay naman si Thea then sabay silang tatlo tumitig sa akin dahil di ako kumilos,
" Ms. Vanessa sakay na po baka abutan tayo ng traffic."sabi ni Mang George.
Napatingin ako kay Sam, nakangiti naman sya sa akin. Nagtatalo ang isip ko at puso ko kung sasama ba ako o hindi sa kanila. Ngumiti si Thea sa akin at nagsalita,
"Ate its okay, dont worry di kayo magkikita ni Kuya. Mamaya pa ang balik nya, he just texted me may dadaan pa daw sila ni Rebecca..."nakangiting sabi ni Thea.
Kaya naman nakahinga ako ng maluwang sa sinabi ni Thea sa akin. Kaya mabilis na akong sumakay para ihatid sila sa bahay at para rin makausap ang magulang ni Jacob. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong kahinatnan ng gagawin ko ngayon pero bahala na si Batman. Mabilis kaming umalis sa lugar na yun at on the way na sa bahay nila Jacob. Habang papalapit ng papalapit kami sa bahay ng mga Sebastian di ko naman mapigilang kabahan at matakot. Alam ko magugulat silang lahat sa pagpapakita ko ngayon. Hanggang dumating na nga kami sa place nila Thea, pinagpapawisan na ako sa takot at kaba. Bumusina si Mang George at mga ilang segundo lang bumukas ang malaking gate. Sa totoo lang, deep in side masaya ako dahil nakabalik ako ulit dito pero halos di ako makahinga sa sobrang kabang kanbang narardaman ko. Maya pa nakapasok na nga kami at nasa may garahe na kami ng bahay. Naalala ko nung una akong tumungtong sa pamamahay na to, nakakaba pero mas nakakaba at nakakatakot ngayon. Mabilis kaming pinagbuksan ni Mang George ng pinto ng sasakyan. Bumaba agad si Thea, tinanggal naman ni Mang George ang seatbelt ni Sam at binuhat pababa then kikilos na sana ako para bumaba ng may mapansin ko, si Mrs. Sebastian na masayang lumabas ng pinto. Sinalubong sya agad ni Thea at may ibinulong sa kanya. I assumed ako ang ibinulong nya sa Nanay nya, mabilis na lumapit si Mrs. Sebastian sa amin. Nakabuntot naman si Thea sa kanya, di na ako nakakilos sa kinauupuan ko ng makita kung mukhang di nya nagustuhan ang pasulpot. Yung tibok ng puso kasing bilis na ng mga nagkakarerang sasakyan. Piling ko babalatan ako ng buhay ni Mrs. Sebastian, ng makalapit na sya agad namang lumapit si Sam sa kanya at niyakap sya. Kaya masaya din syang niyakap ang apo nya at.pinanggigilan.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.