Five/Single Father

3.1K 76 3
                                    


Vanessa,

   Sa totoo lang di ko alam kung saan ako tutungo ngayon. Di ko alam saan ako hahanap ng perang pambayad ko ng hospital, wala na akong malapitan, wala ding perang ang mga kaibigan ko. "Ang tanga tanga mo naman kasi Vanessa, ayun na oh si Mr. Jacob Sebastian nag offer na sayo di kapa nagsalita" sisi ko sa sarili ko. Maya pa nakarating ako ng bahay namin na nalilito kung saan ako mangungutang pero walang pumasok sa isip ko. May naisip naman ako pero ayaw kung lumapit sa kanya baka pagdating panahon iba ang magiging kabayaran ng paglapit ko sa kanya. Si Matt ang naiisip ko, masugid ko syang maliligaw simula high school pa ako at kaibigan na rin. Mabait naman sya at may pera ang angkan nila pero kahit anong pilit kung gustuhin sya wala talagang puwang ang puso ko para sa kanya. Tingin ko lang sa kanya isang kaibigan at hanggang doon lang yun. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang bag ko, nagligpit ako ng mga gamit para bukas. Papasok na ako sa bago kung trabaho ang pagiging Yaya. Naupo ako sa kama namin ni Ikai at nag iisip ng biglang nag ring ang cellphone ko. Dali dali ko namang dinampot, tiningnan kung sinong tumatawag, si Nanay ang tumatawag kaya mabilis kung sinagot.

"Anak, wag kanang bumalik dito sa hospital maya maya pauwi na kami dyan. May nagbayad ng bill ng hospital, salamat sa panginoon...sabi agad ni Nanay sa akin.

"Hu! sino po daw ang nagbayad.."gulat na tanong ko kay Nanay at napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Mr. Jacob Sebastian daw ang pangalan nya, kilala mo ba yun?. Alam mo kahit di nya pinapasabi ang totoo sa amin pero nalaman ko din sa isang nurse na madaldal at ikunuwento nya sa amin ang totoo. Isa daw sya sa mga mayamang tumutulong sa mga cancer patient sa hospital na yun, lalo na sa mga bata. Kung sino man ang taong yun ipapagdadasal kung marami pang dumating na blessing sa kanya para makatulong din sya sa ibang tao na katulad natin na mahirap.."mahaba habang sabi ni Nanay na mukhang ang saya saya nya.

Ako naman natulala sa sinabi ni Nanay, gulat na gulat ako sa nalaman ko. Paano nyang alam na nangangailangan ako ng pera? pinatayan ko si Nanay ng cellphone at dali daling hinanap ang numero ni Jacob pero di ko makita kita di ko din maalala. Kaya sa opisina na lang nila ako tumawag. Si Ms. Jean ang nakausp ko at ang sabi maagang umuwi si Mr. Sebastian. Nagpasalamat na lang ako kay Jean at pinatayan ko na ang cellphone. Napaupo ulit ako sa kama "thank you lord" sa isip isip ko. Napangiti ako ng lihim sa mga nangyayari ngayon, bumalik na ako sa pagliligpit ng gamit ko at isa isang pinasok sa bag. Ng matapos ako dali dali naman akong naglinis ng bahay at nagluto ng makakain namin dahil baka darating na sila Nanay at Papa atleast makain na sila at makapagpahinga na rin. Masaya akong naglilinis at pagkatapos nagluto na ng paborito ni Papa. Kailangan ko na rin magpaalam sa kanila ng maayos at ipaalam sa kanila na si Mr. Jacob Sebastian ang taong nagbayad ng hospital bills ay ang magiging amo ko. Mga isa't kalahating oras dumating na sila Nanay at Papa kasama si Kuya, masaya ko silang sinalubong. Si Papa naman natutuwa dahil sa pinagluto ko sya ng paborito nyang daing na may maraming kamatis.
Nasa hapag kainan na kami ng kinausap ko si Nanay at Papa tungkol sa magiging bago kung trabaho at pinagtapat sa kanila ang totoo.

"Naku anak siguraduhin mong bantayan mo ng maayos ang bata. Dahil pag may nangyari sa batang yun baka buhay mo kulang pa yan.."paalala ni Nanay sa akin.

"Pakisabi sa magiging amo mo, na pagnakaluwang luwang tayo babayaran din natin yung tulong na ginawa nya.."sabi naman ni Papa habang kumakain.

"At kapag sinungitan ka ng lalaking yun iwanan mo kaagad. Ano ba histura nun?."singit naman ni kuya na nakangiti.

"Si Kuya talaga,mukha po syang  mabait at saka ang cute kaya ng anak nya mukhang anghel..."masaya kung sabi.

    Hanggang sa natapos na nga kami, si bunso na lang ang di kumakain dahil hindi pa sya nakakauwi galing sa school. Nagpapahinga na muna si Nanay at Papa, si Kuya naman sinundo si Ikai sa school nya. Ako naman masayang nagligpit ng kalat namin at naglilinis na rin. Maya pa natapos na rin ako, nakuupo sa sopa at nag lalaro sa cellphone ko. Ng may kumatok sa pinto kaya dali dali akong tumayo at pinagbuksan yung kumakatok. Ng mabuksan ko ang pinto nagulat naman ako dahil si Matt nakatayo may hawak hawak ng basket of fruits at bouquet ng red rose.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon