Vanessa,
Dumating na nga ang araw ng renewal of vows ng mag asawang Sebastian. Excited na ang lahat, ang saya saya sa buong resthouse at dahan dahan na ring nagsidatingan ang mga malapit na kaibigan ng mag asawa. At pato mga kamag anak nila dumarating na rin. Nasa kwarto kami nila Sam, Rebecca at Thea nagbibihis. Habang inaayusan sila ng make artist naisip ko si Jacob kung nakapaghanda at nakapagbihis na ba sya. Magpapaalam sana ako para silipin sya pero natapos na rinsi Rebecca at ako ang susunod na ayusan kaya di ko na lang ituloy naiisip ko.
"Vanessa its your turn..."ngiting tumayo si Rebecca sa kina uupuan nya.
Naupo na rin ako at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Nakangiti naman yung make up artist sa akin habang nakatingin sya sa reflection ko sa salamin.
"You're beautiful. Hindi mo na kailangan ng makapal na make up.
"Thank you po.."nahiya kung sagot.
"Are you ready?...tanong nya ulit na mukha syang excited.
Naexcited na rin ako, kaya inumpisahan na nila ako akong ayusan. Masaya silang inayusan ako pati mga assistant nya panay puri sa akin hanggang sa natapos na nga nila ako ayusan. Pumasok naman si Thea at bitbit ang damit ko dahil kailangan ko daw magpalit ng ibang dress.
"Wow! you look perfect po ate.."masayang sabi sa akin.
"At ikaw din you look perfect with that dress..."masaya kong yakap sa kanya.
"Heres your new dress, magbihis kana kasi mag family picture pa tayo.
"Huh! kasali pa ba ako doon?.. sabay
"Yes of course kasali ka doon.."masayang sabi ni Mr. Sebastian sa akin na kakapasok lang sa kwarto.
Napatingin kaming lahat sa kanya, ang gwapo nya kahit may kaidaran na sya. Kinilig ang lahat ng tao sa loob ng kwarto. Napapangiti ako sa nakita ko, "siguro pag tumanda si Jacob kasi gwapo ng papa nya" sabi ng isip ko. Lumapit sya sa amin ni Thea at niyakap nya kami.
"Im glad your part of this. And im hoping soon that you and Jacob planning your wedding.."pasimply nyang sabi sa akin at ngumit.
Ngumiti na lang din ako at si Thea naman humawak sa kamay ko. Napaisip tuloy ako bigla" okay na naman si Jacob nitong mga nagkaraan linggo. Minsan nag susungit pero madalas na syang ngumingiti. Honestly hindi ko alam kung ano mayroon kami ngayon ni Jacob. Ayaw ko ring magtanong nanatakot ako sa magiging sagot nya. Bumuntong hininga na lang ako at maya pa lumabas na kami ni Thea dahil si Mr. Sebastian naman ang aayusan nila. Excited kaming pumasok sa kabilang kwarto ng mga girls kung nasaan na roon si Rebecca, Jess, Sam at ang Mama nila. Pagkapasok namin nakapagbihis na silang lahat. Namangha ako sa mga napagandang mga babae sa harapan ko. Nakangiti silang lahat sa akin at si Sam tinitigan ako simula ulo hanggang paa.
"Mama you're so pretty..."kinikilig nyang sabi.
"Thank you baby.."lumapit ako at niyakap sya.Mabilis na akong nagpaalam sa kanilang lahat para makapagbihis na. Pumasok ako sa banyo at nag madaling nagbihis. Pero biglang may kumatok kaya mabilis kung pinagbuksan. Si Jess at ang sabi mauna na sila sa ibaba at doon na sila maghintay sa akin dahil dumating ang mga kapatid ng parents nila. At mag uumpisa na ron ang pictorial. Pagkalabas nila mabilis na ako nagbihis, nagbango at inayos kunti ang buhok kung nagulo. Ng maayos na ang lahat mabilis na akong lumabas at bumaba. Sa totoo lang abot abot langit ang kabang nararamdaman ko kasi hindi naman dapat ako nandito. Isang lang akong yaya ni Sam, nahihiya ako dahil baka ano pa ang isipin ng ibang kamag anak ng mga Sebastian. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ko ang sarili ko. Maya pa napansin ako lahat ng tao na nasa may living room nagkwentuhan. Lahat ng mata sa akin nakatingin kaya bigla tuloy akong naconcious, natense at lumagpas langit ang nararamdaman ko. Simpli lang akong ngumiti sa kanila at kay Sam lumapit na patakbong yumakap sa akin. Sinalubong din ako ni Mrs. Sebastian, hinawakan nya ako sa kamay at pinakilala sa lahat. Iba't iba ang nakikita kung reaksyon may na parang curious sa akin tumingin at yung ang sarap ng ngiti nila sa akin. Tuluyan na akong nakipag halubilo sa kanila sa mga kaibigan at kamag anak ng mga Sebastian. Pero sa kabila ng masayang pakikipagkwentuhan hinanap ng mga mata ko si Jacob. Hindi ko pa sya nakikita kaya na naman pasimpli akong nagtanong kay Nina.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.