Fifty three/Single Father

1.7K 61 2
                                    


   Vanessa,

       Ng makapasok si Sam sa guestroom, mabilis kung inutusan ang isang maid para kunan ako ng tray. Mabilis naman sya nakakuha at dali dali kung inigay ko ang pasta na niluto ko sa tray at dalawang pinggan iba pang kakailanganin namin. Nakiusap na naman ako sa dalawang nurse nya hayaan na muna akong pagsilbihin sya. At wag silang pumasok sa guestroom,

     "Pero Ms. Vanessa baka tanggalin kami sa trabaho namin kapag di namin sinunod ang gusto nya.."nag aalalang sabi ni Ivan.

     "Oo nga naman Ms. Vanessa paano na kami nito..singit naman ni Rico yung isa pang nurse.

    "Hindi nya magagawa yun, kaya wag kayong mag alala. Kung magalit sya, akuin ko lahat ng galit nya. Please, kahit ngayon lang pagbigyan nyo lang ako.."pakiusap ko sa kanila.

    Tumango na lang sila sa akin kaya naman nagmadali akong pumasok sa guestroom. Nakita ko si Sam at Jacob nagtatawanan kaya napangiti ako. Mabilis akong lumapit at inilapag ang tray sa may mesa at masayang humarap ulit sa dalawa.

    "Lunch is ready..."masaya kung sabi.

     "Ms. Torres anong ginagawa mo. Hindi ba sinabi sayo ni Ivan na hindi ako kakain?.."sabi nya agad sa akin na di man lang ako tinitingnan.

     "Sir Jacob, naalala mo ba yung sinabi mo sa akin nung nasa Germany tayo na bawal magpapakagutom. Ganitong ganito pa nga ang pagkasabi mo sa akin, Love, wag kang mapapagutom nakakasama yan sayo.."diretso kung sabi na titigan sya ng masama.

    Kunwaring naiinis ako, umikot ako sa left side ng bed at inayos ang comporter na cover sa paanan ni Jacob. Lumapit ako sa kanya para ayusin sya upang makasandal ng maayos sa headboard ng bed at ng maayos syang makakain. Hahawakan ko sana sya ng pinanlakihan nya ako ng mga mata sabay tingin kay Samantha.  Alam ko sisigawan nya ako kaso di nya magawa dahil andyan ang anak nya kaya walang syang magawa kundi pandilatan na lang ako ng mga mata. Kaya naman natawa ako sa kanya at napapailing,

     "Tumigil ka, walang nakakatawa.."sabi nya pa.

     "Then umayos ka ng sandal sa headboard ng bed para makakain na tayo. Look gutom na ang baby natin. I mean baby mo pala..."kunwaring bawi ko sa sinasabi ko.

     "Sam can you please call Ivan or Rico.."utos nya sa anak nya.

     "Baby Sam stay. Dada dont need them.."pigil ko kay Samantha. Then binalingan si Jacob"  Jacob hindi mo kailangan ng dalawa nurse mo.."sabi ko at pumwesto ako sa may ligid nya at isiniksik ang sarili ko sa likuran nya para tulungan syang makasandal kaya naman mas lalo sya naiirita sa akin.

      "Okay, okay. "naiinis na sabi nya at simpli akong hinawi pero yung pagkahawi nya sa akin medyo maingat na.

     Umayos sya pagkakasandal sa headboard ng bed at nairitang tumingin sa akin " Whats next, mayroon pa ba?..pasimpli nya akong inirapan.

    Masaya akong  pinagmamasdan sya habang inayos nya ang sarili nya. Sa isip ko naman, "wag ka nga mag iinarte di bagay sayo" Napangiti ako dahil kahit papaano sumunod sya at si Sam din nakangiting nakatitig sa aming dalawa ni Jacob. Ng makaayos na sya mabilis akong kumilos kinuha ko ang isang unan at inilagay sa likuran nya. Napapatitig na lang sya sa ginagawa ko sa kanya. Ng matapos ko ng lagyan ng unan sa likuran nya, i simply touch his jaw line at tinitigan sya.

     "Thank you sir..."malambing kung sabi.

   Pero ang susunod na nangyari ay ikinabigla ko, akala ko itutulak naman nya ako. But then he gently hold my hand then pasimpling inilayo nya pero iba yung pagkahawak nya. Hawak ng may kasamang paglalambing.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon