Vanessa,Unang gabi, unang gabi ko na matulog sa bahay ng ibang tao. Nasa kwarto na ako, si sir Jacob na ang nagpatulog kay Samantha, habang nakahiga ako sa kama iniisip ko ang bunso kung kapatid. Naninibago akong walang katabi at ang lawak ng kwarto ko ngayon, tumayo ako at nagpapaikot ikot sa loob ng kwarto. Sa totoo lang natatakot akong mag isa matulog, di ako sanay na matulog na nakapatay ang ilaw. Pinatay ko kasi baka magalit si sir Jacob mabuti na yung makaiwas ayaw kung mapagalitan nya. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang kapatid pero naubos na pala ang load ko. "Kainis, paano na ako makatulog nito? pabagsak ulit akong humiga sa kama at nagpagulong gulong para antukin ako pero walang epekto. Ng bigla akong may naisip kaya dali dali akong lumabas ng kawarto, nakapatay na ang buong ilaw sa buong unit.
"Hay..salamat tulog na sya" ..sabi ko pa.
Dali dali akong naglakad patungong kusina, binuksan ko ang ilaw pero laking gulat ko ng makita ko si sir Jacob na walang suot pang itaas at bigla na lang lumabas galing kung saan kaya naman napasigaw sa ako sobrang takot at gulat ko.
"Vanessa its just me..."hawak nya sa dalawang braso habang sumisigaw pa ako at nakapikit.
Pero mas lalo akong nagpanic ng pagdilat ng mga mata ko diretso ang tingin ko sa magandang abs nya. Napasigaw lang ako lalo at tinakpan ang mga mata ko, yung sigaw ko naman hindi sigaw ng takot kundi sigaw ng may halong pagkakilig. "Gosh! panaginip ba to o totoo? sabi ng isip ko. Nahimasmasan ako ng bigla nya ako binitawan at hinawakan ang mga kamay ko at tinanggal sa pagkatakip ng mga mata ko.
"Vanessa relax, wala akong masamang gagawin sa sayo.."natatawang sabi nya.
"Ah, eh, sir pacensia na po, nabigla lang ako.."nataran kung sabi at hinila ang kamay ko dahil hawak hawak pa nya.
"Sorry, nagulat pa kita.."sabi nya at sabay talikod sa akin nagtungo sa may fridge.
Tatalikod na sana ako at bumalik na lang sa kwarto ko pero bigla syang nagsalita at diretso naman ang tingin ko sa katawan nya, "Vanessa tumigil ka" saway ko sa sarili ko.
"May kailangan kaba?..tanong nya.
"Ah sir kukuha sana ng tubig.."mabilis kung sagot na kunwaring nakangiti.
"Di ka makatulog?
"Namamahay lang hu.."nahiya ko pang sagot.
Napansin kung kumuha sya ng dalawang baso at binuksan ang fridge, kumuha ng fresh milk. Pinagmamasdan ko lang sya sa pinaggagawa nya hanggang sa nalagyan nya ang dalawang baso ng gatas at ibinalik nya ang fresh milk sa sa fridge at bumalik sa mesa. Dinampot nya ang dalawang baso at naglakad papalapit sa akin, nakatingin parin ako sa kanya ng nakalapit na sya umurong ako para makadaan sya pero tumingin sa akin at biglang inabot ang isang baso na may lamang fresh milk. Napakurap kurap ako na nakatitig sa kanya,
"Here, inumin mo yan. Makakatulong yan sayo.."sabi nya.
Nataranta akong inabot ang baso. Tinalikuran na nya ako ng makuha ko na ang baso. Nakatulala ako at hindi ko alam anong dapat kung gawin, mas lalo naman bumilis ang tibok ng puso ng lumingon sya.
"Please pakipatay ng ilaw.."sabi pa nya at tuloy tuloy na umalis.
"Yes sir..mabilis kung sagot.
Nakahinga naman ako ng maluwang ng tuloy tuloy na sya lumakad papasok sa kwarto nila. "Hay, jusmeyo! ano bang nangyayari sa akin" nagmadali kung pinatay ang ilaw at halos patakbo akong bumalik sa loob ng kwarto ko. Pagkapasok ko naupo ako sa may kama at nag isip kung ano ang nangyayari sa akin. Bakit sa tuwing nagtatama ang paningin namin dalawa bakit parang may kakaibang nangyayari sa akin. Inom ko ang gatas na nasa baso, piling ko uhaw na uhaw ako. Maya maya nahiga na ako at pinilit ang sarili kung makatulog pero naiisip ko ang nangyayari kanina sa kusina at yung paghawak nya ng mga kamay ko. "Vanessa hindi na tama to" bumangon ako ulit at nagpapaikot ikot nag lakad sa loob ng kwarto. Maya pa sa kakaiisip at kakaikot di nakita ang kanto ng kama dahil madilim tumama ang tuhod ko at ang malala pa pumasok ang paa ko sa ilalim ng kama at tumama ang kuko ko sa kahoy kaya umaangat ang kuko. Napasigaw ako sobrang sakit, dali dali kung binukasan ang ilaw. Pagtingin ko sa daliri ng paa ko puno ng dugo kaya lalo akong napasigaw at nanghina. Takot ako sabdugo kaya nung makita ko ang dugo piling ko di na ako makahinga para sumikip ang dibdib ko at bigla na lang nagdilim ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
Single Father
Художественная прозаStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.