Vanessa,
Lumaabas ako sa kwarto ni Samantha na kinakabahan, "may nagawa ba akong mali? dios ko naman bakit nya ako kakausapin". Mukha syang seryuso,pumasok muna ako sa banyo bago pumunta sa study room ni Mr. Sebastian. Subra akong kinabahan, piling ko di nya nagustuhan ang ginagawa ko. Bumuntong hininga muna ako at pinalakas ang sarili ko, bahala na si batman kung papalayasin na nya ako. Wala na akong magagawa kung di nya nagustuhan ang ginawa ko. Lumabas ako ng banyo ng makasalubong ako ni Rose. Tinitigan nya pa ako,
"Uhm..Vanessa okay ka lang, namumutla ka?..tanong nya agad sa akin.
"Okay lang po ako, si Sir Jacob po nasa study room na ba?
"Hindi ko napansin, bakit?...curious nyang tanong at kumunot pa ang noo.
" Kakausapin daw ako.
"Kaya ka pala namumutla ka. Alam mo wag kang matakot doon mabait yun baka may gusto lang syang ipaalala sayo kaya ka nya kakausapin.."ngumiti pa sya sa akin at tinapik ang braso ko.
Sa isip isip ko naman, sana nga ganun lang may ipaalala lang sya sa akin. Iniwan na ako ni Rose at bumalik sya sa kusina. Ako naman lumakad patungo sa study room ni sir Jacob na kinakabahan. Kumatok pa ako kaso walang bumukas kaya itinulak ko na lang ang pinto. Pagkabukas ko wala pang tao kaya nakahinga ako ng maluwang, pumasok na ako at diretsong naupo. Habang naghihintay ako sa kanya, tinitingnan ko naman ang malaking larawan nya naka nakasabit sa wall ng study room. Tinitigan ko ang mga mata nya, piling ko din kasi para din nya akong tinititigan. "Masyadong kang gwapo" sabi ng isip ko, "haist..Vanessa tumigil ka" saway ko sa sarili ko. Maya pa may bumukas ng pinto kaya yung tibok ng dibdib ko para ng karera sa bilis ng kabog nito. Pinilit kung huminahon para di nya ako mahalatang sobra ako natetensyon kung ano man ang sasabihin. Lumingon ako at nakita ko syang papalapit sa mesa, mahigpit akong nakahawak sa baby monitor. Nakamakalapit na sya, tumingin ako sa kanya at ganun naman sya sa akin. Ni halos di man lang sya kumurap kaya mas lalo lang tuloy akong nenerbyos. Naupo sya sa mesa na nakatitig pa din sa akin. Nagbaba ako ng tingin at napalunok ng hangin, piling ko ang sikip ng dibdib ko at para akong sinasakal.
"Uhum.."he clear his throat at nagsalita ulit. "Vanessa gusto ko ibigay mo sa akin ang mga importanting dukyumento mo. Like, passport, birthcerficate, school record, NBI at ano pang mga supporting documents mo.."diretso nyang sabi na di man lang kumurap.
"Hu! bakit po?.. pagtataka ko at lalo lang tumindi ang nararamdaman kung nerbyos.
Hindi pa ba sapat yung mga ipinasa ko mga police cleanrance, NBI at barangay clearance. I swear matino akong tao, wala akong bad records "Kailangan talaga yung importante dukyumento" sabi ng isip ko.
"Sir di pa ba sapat yung ibinigay kung mga documents nung nag apply ako?...diretso ko ding tanong.
"No, kailangan ko ng supporting documents mo" nag isip pa sya bago nagpatuloy sa pagsasalita at tinitigan ako"to get you a tourist visa.
"Po!.. nagulat ako sa sinabi nya.
"Yes, kukuhaan kita ng tourist visa para makasama ka sa amin ni Samantha sa Germany.."diri diretsong nyang sabi.
Napanganga ako sa sinabi nya, di ko alam ang magiging reaction ko. Sa totoo lang gusto ko tumalon sa tuwa at masisigaw. Hindi ko inaasahan to, ang buong akala ko naman nagkamali ako at sisitantihin na nya ako. Pero eto isasama nila ako sa Germany, nagbibiro ba to? tanong ng isip ko.
"Sir nagbibiro po ba kayo?..sabi ko na naman at naeexcite na.
"Mukha ba akong nagbibiro?...ngumiti na sya.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.