Vanessa,
Habang nasa loob kami ng techfair pinagmamasdan ko ang buong paligid. Ganito pala ang mundo nya grabi kakaiba bising busy sila sa pakikipag entertain sa mga investor galing sa iba't ibang sulok ng mundo. Hindi ko yata kayang ganitong buhay, paano kaya nakakayanin ni Jacob ang lahat ng to. Maya maya nag umpisa na kunting programa magaganap at isa isang umakyat ang mga iba't ibang CEO ng iba't ibang company kasali na doon si Jacob. Halos may mga kaidaran na lahat ng mga nagmamay ari ng mga comapany. Mangilan ngilan lang sila medyo mga bata pa, napatitig ako kay Jacob habang karga karga ko si Sam. Sa isip isip ko, "ang taas mo parang ang hirap mong abutin at gwapo mo talaga lalo na pag nakasuit ang pormal mong tingnan at mukhang napakagentleman" pasimpli akong napangiti. Habang nagsasalita na ang ibang CEO lumapit naman si Ms. Jane sa akin.
"Vanessa halika doon muna tayo sa restaurant. May pinareserve si Boss na breakfast para sa inyo ni Sam.."ngiting sabi nya.
"Hum! bakit?...nagtataka kung tanong.
"Anong bakit, of course para makapag almusal kayo. Gusto mo bang gutumin ha? isa matagal tagal pa tayo dito.
"Hindi..simpling sagot ko at ngumiti.
"Halika ka na matagal pa yan sila para matapos magsalita. Chika muna tayo girl, may sasabihin ako sayo.
"Boys na naman ba yan..."napapailing kung sabi at tumayo na sumunod sa kanya.
"Will, of course, hehehe joke lang.." tawang sabi nya.
Tumayo na ako, inilagay ko si Sam sa stroller nya at lumabas na kami ng function hall at masayang nagkwentuhan habang naglakad patungo sa restaurant na malapit lang sa area ng techfair function hall. Habang papasok kami sa restaurant daldal ng daldal si Ms. Jane, kung ano anong kinukwento nya sa mga nakikikita nya sa palagid and of course ang mga lalaking ang gwagwapo. Ang daming gwapo sa paligid namin at halos nakaexecutive suit lahat. Pero mas gwapo pa rin si Jacob sa kanila, wala ng tatalo doon. Nasa loob na kami ng restaurant lumapit naman agad ang waitress sa amin, sinabi ni Ms. Jane ang tungkol sa reservation. Masaya naman kaming inasikaso ng waiter at laking pasalamat namin dahil ang galing nya mag english hindi kami nahihirapan ni Ms. Jane. Nagkwentuhan ulit kamin ni Ms. Jane then naluka kami sa biglang pagserve nag pagkain sa amin. Ang daming pagkain nanlaki ang mga mata namin ni Ms. Jane pero tuwang tuwa naman kami.
"Is this for us?..tanong ko pa sa waitress.
"Yes Maam.."nakangiting sabi nya.
"Ms. Jane may extra pera ka dyan wala ako pambayad nito..."tanong ko naman agad sa kanya.
"Naku wala, hindi yan problema girl. Eh di maghugas na lang tayo ng pinggan.."tawang sabi ni ms. Jane.
Napapailing na lang ako at sa pagkain tumingin. Mukha syang masarap, tumungin ako kay sa Sam, "baby piling ng Dada mo kaya nating ubusin to ano kala nya sa atin baboy" sabi ng isip ko at sabay ginulo ang buhok nya. Inupisahan ko ng subuan si Sam at Ms. Jane wala tigil sa kakasalita,
"Alam mo iba din si Boss, ayaw nya kayong magutom. O baka naman gusto ka nyang tumaba para walang ibang magkagusto sayo kundi sya lang.."biglang sabi ni Ms. Jane.
Napahinto ako sa pagsubo kay Sam at tumitig kay Ms. Jane.
"O bakit, hindi ba obvious girl, may gusto si sir Jacob sayo. Alam mo simula ng dumating ka sa buhay nya one month ago ibang iba na yung aura ng ngiti nya. At kung mag alala sya sa inyo kanina wagas, take note, nung nalaman nya na di kayo mapuntahan ni Maam Sabrina ayun kumaripas na alis.."sabi pa nya ulit.
BINABASA MO ANG
Single Father
Fiksi UmumStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.