Vanessa,Nagmadali akong lumabas ng kwarto dahil sobra akong nahiya sa ginawa nya. Pinagmumukha nya akong katawa tawa. Nakakainis sya tinakot pa ako dahil sa umiiwas ako sa kanya. Sa totoo kaya ako umiwas after ng ginawa nya kanina pag kurot na pisngi ko lalo lang tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya. Ang maalala pa ayan nasabi kung cute ng ngiti nya, "hay!! Vanessa, Vanessa, wala na buking na buking kana" sabi ko sarili ko. Nagmadali akong gumawa ng gatas ni Sam. Naririnig kung namang naghaharutan ang mag ama, sa loob loob ko, sana pumasok na si Ms. Jane para may kasama naman ako. Hindi na kasi tama ang nangyayari nararamdaman ko na rin iba na ang trato ni Jacob sa akin. Maya pa natapos ko na rin ang ginagawa ko at papasok na sana sa kwarto ng lumabas naman sila, nagkunwari akong di sila napansin. Nang makalapit na sila sa akin nagkunwari akong medyo galit at sumimangot. Nakatitig si sir Jacob sa akin ng diretso at si Sam gusto na lumapit sa akin.
" Vanessa kailangan ko ng maghanda parating na sina John. Ikaw na muna bahala ka Sam.."simpling sabi nya.
Kinuha ko naman agad si Sam at tinalukuran sya. Naglakad patungo sa may sopa karga karga si Sam. Akala ko babalik na sya sa kwarto pero sumunod pala sya sa amin ni Sam.
"Vanessa are you mad?..tanong na nakasunod sa akin.
Soimai!!bakit para ang lambing boses nya. Napapangiti tuloy ako, salamat na lang nakatalikod ako dahil kung hindi kitang kita na nya na umaabot na ng tainga ang ngiti ko. Di ako nagsalita at tuloy lang ako sa may sopa, napahinto ako ng bigla syang humarang sa harapan namin ni Sam.
"Please, sorry na kung pinagtawanan kita..."sabi nya na ang lawak ng ngiti.
Dyusko dai! kahit sinong babae matutunaw ang puso sa ginagawa ni Jacob. Nagmamakaawa yung mga titig nya sa akin at yung mga ngiti nyang nakakapanlambot ng tuhod. Pinigilan ko ang sarili ko na wag ngumiti kaso lalo lang nyang nilaparan ang ngiti nya. Napatingin ako kay Sam, kahit sya napapangiti sa Dada nya. Kaya di ko na napigilan ang sarili ko, napangiti na rin ako. Nakita kung biglang lumiwanag ang mga mata ni Jacob at parang aaktong yayakapin kami ni Sam. Kaya lang sunod sunod na tumunog ang door bell. Sabay pa kaming tumingin sa pintuan then bumalik ang tingin nya sa akin.
"Here comes the nuisance..simpling sabi nya sa akin na nakangiti pa rin.
Natawa ako sinabi nyang mga panggulo, naupo kami ni Sam sa sopa at pinadede sya. Si Jacob naman pinagbukasan kung sino yung nagdoorbell. Nakita kung pumasok si Jane, John at may isa pa silang kasama isang foreigner. Shit! ang gwapo nya, dumiretso ang tingin sa akin and he simply smile. Napansin yun ni Jacob kaya napatingin sya akin, may halong pagkairita yung mga tingin nya kaya napailing ako at kay Sam tumingin.
"Jacob, your not yet ready?..sita agad ni John sa kanya.
"Sorry, maghahanda na sana kaso si Vanessa.."sabay sabay silang tatlo tumingin sa akin. I mean to say is may ginagawa si Vanessa kaya walang humahawak kay Sam.."paliwanag nya.
Nagsalubong ang kilay ni sir John na tumingin kay Jacob then tumingin sa akin. Pasimpli nya akong nginitian kaya sumimpli din akong ngumiti.
"Jacob i didnt know your wife is here?...ngiting sabi ng foreigner kay Jacob.
"Oh no, she's not the wife. That's Vanessa nanny of Samantha.."biglang sagot ni John na natawa pa. At kahit Ms. Jane napangiti sa sinabi ng kasama nila.
"Sorry..."simpling sabi nya at tumingin ulit sa akin at ngumiti naman.
Tinitigan ako ni Jacob na parang nag sasabi sya "stop smiling or i will kick this ass out in my room" kaya may naisip ako ang gumanti. Gaganti ako sa kanya dahil kanina pinagtatawanan nya ako pwes eto ang ganti ko sayo. Kaya lalo ko ding nilaparan ang ngiti ko, napansin kung lalong naiinis si Jacob. Deep inside of me, gusto kung magtatalon sa tuwa dahil sa wakas nakaganti rin ako.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.