Eighteen/ Single Father

2K 64 3
                                    

Vanessa,

    Tulak tulak ko na ang stroller, tulog pa din si Sam. Masaya akong naglakad palabas ng park, nakikinig pa ako ng music sa cellphone ko at sinasabayan ko pa eto. Lahat din ng nakakasalubong ang sarap ng mga ngiti nila, "mukhang masayahin ang mga tao dito" sabi pa ng isip ko. Hanggang sa nakalabas na ako nga kami ng park, tuloy tuloy akong naglakad hanggang umabot ako ng main road. Sa isip ko, "hum! para wala akong naalalang may dinaanan akong main road" nagtuloy pa rin ako ng lakad pero parang napapalayo na ako.
    "Baby Sam parang hindi na eto ang dinaanan natin kanina.."sabi ko sa bata na tulog.

    Dali dali akong bumalik sa dinaan ko pero di ko na alam saan ako papunta. Lingon ako ng lingon pero wala akong matatandaan. Nag uumpisa na akong kabahan, tumabi muna ako para tingnan ang paligid ko. Hindi nga eto ang dinaan ko, "Soimai! naliligaw na yata kami ni Sam". Ang malala pa di ko alam kung anong pangalan ng pinagdarausan ng techfair. Kaya di ko alam kung anong hahanapin kung event center.

    "Paano na to Sam?..tanong ko sa bata na natutulog pa rin.

    Naglakad ako pabalik ng park, halos lakad takbo na ang ginagawa ko para makabalik. Naisip ko doon na lang ako magtanong tanong baka sakaling may nakakaalam kung saan yung even center na yun. Bakit ba kasi nawala sa isip ko kung saan kami dumaaan kanina ni Sam at bakit di ko rin inalam anong pangalan ng event center na yun. Nag uumpisa na ako nagpapapanic dahil baka tuluyan akong mawala sa lugar na to at kasama ko pa si Sam. Alam ko nag aalala na si Jacob ngayon sa amin. Sa wakas malapit na ako sa park kaya nabuhayan ako ng loob. Dali dali kung pinatay ang music sa phone ko para tawagan si Jacob pero pagtingin ko 10% na lang ang battery nito. "Shit! shit! wag kang malowbat " inis kung sabi. Dali dali akong nag text kay Jacob na nasa park ako di ko na alam ang daan pabalik sa  techfair function hall. Dali dali kung sinend pero biglang namatay ang phone ko at di ko na alam kung nasend pa ba ang message.

     "Pucha!! ngayon ka pa talaga nagmatay kung kailan kailangan kita. Alam mo bang naliligaw kami ni Sam..."gusto ko ng itapon ang cellphone sa inis ko.

    "Baby Sam paano na to?.

    

Jacob,

     I keep watching my watch, magdalwang oras na wala pa rin akong nakitang Vanessa. "Shit! Vanessa where the hell are you, bakit di pa kayo bumabalik ni Sam". Hindi ako mapakali piling ko may nangyari sa kanila, kinakabahan ako. Tingin ako ng tingin kung saan hinahanap sila Vanessa ng mga mata pero wala akong nakikita.

     "Jacob are you okay? parang di ka mapakali.."pasimpling tanong ni John sa akin.

    "Im not sure, kinakabahan ako.

   "Don't worry im sure maiintindihan ng mga investor natin. Calm down magiging okay din ang lahat.

     "Bro hindi yun ang inaalala ko. Si Vanessa at Sam hindi pa nakabalik.  Sabi nya pabalik na sya pero magdadalawang oras na wala pa rin sila dito ng anak ko.."nag aalala kung sabi kay John.

    "Hum! i thought nasa restaurant lang sila.

    "No, lumabas sila at naglakad lakad daw. Bro can you please stay here at ikaw na muna bahala, hahanapin ko lang sila.."sabi ko John at tumayo agad.

    "Jacob, why dont you ask Jane to look for them. Hindi ka pweding umalis, importante to at hindi pweding wala ka dito.

    "Mas importante ang anak ko John. I dont care kung mawala sa akin ang lahat wag lang ang anak ko.."mabilis na akong lumakad.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon