Thirty seven/ Single Father

1.6K 51 1
                                    


Vanessa,

     Nasa kwarto ako ni Sam, nag iisip kung ano ang dapat kung gawin. Ayaw ng ganito sitawasyon, nasasaktan ako.Oo alam ko walang alam si Sab at John kung ano talaga ang totoong nangyayari sa amin ni Jacob kaya ganun siguro sila walang pakialam na may tao silang nasasaktan. Nagpalakad lakad ako sa loob ng kwarto ni Sam at eto naman naiiyak sa mga nakita ko letrato at nangyayari ngayon sa paligid ko. Blangko ang isip ko, di ako makapag isip ng maayos kaya dali dali kung kinarga si Sam at nagpaalam kay Nina na pupunta kami ng playground ni Sam. Agad kung kinuha ang stroller at inilagay si Sam, habang inaayos kung si Sam may lumabas guestroom kaya napatingin ako. Nakita ko si Vivian na nakasandal sa pinto, hindi ko sya pinansin kaya lang sumigaw sya hinanap ni Nina.

    "Nina...kaya lang walang Ninang lumapit.

      Napatingin sya sa akin kaya tinitigan ko din sya.

  " Hey you! can you get me some water.."utos nya sa akin.

     Nagpanting ang tainga ko, gusto kung sabihin sa kanya na hindi nya ako utusan at mas lalo namang hindi ko sya boss. Pero sa kabila ng isip ko, oo nga pala yaya ako ng anak nya.

      "Okay Maam.."sagot ko na lang kahit nanggigil ako sa galit sa kanya.

    Iniwan ko saglit si Sam sa may stroller nya at dali daling nagtungo sa kusina para sabihin kaya Nina na kailangan ni Madam Vivian ng tubig pero wala sya. Kaya wala na akong magawa kundi gawin ang ipinag uutos nya. Kumuha ako ng baso at pinuno ng tubig at dali daling bumalik sa kanya. Nasa sopa na sya at nakasandal, hawak hawak ang noo nya. Inabot ko sa kanya ang baso na may lamang tubig kaya lang pag abot nya hindi nya nahawakan ng maayos dahil nga nakainom sya. Nabuhos ang tubig sa damit at ang sumunod na nangyari ay ikinugulat ko, nagsisigaw sya sa galit.

    "Your so stupid...look what did you done to me.."sigaw nya sa akin at hinawi ang baso.

     Nabitawan ko ang baso kaya tumilapon eto sa center table at nabasag. Nabigla ako, di ko alam ang gagawin dahil nagsisigaw na sya at dunuro na nya ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tinitigan lang syang nagsisgaw sa galit. Patakbong lumapit si Nina sa amin pati si John nagising sa malakas na sigaw ni Vivian. At kahit si Sam natakot kaya  umiyak na rin ang bata.

     "Vanessa anong nangyari?..tanong agad ni Nina sa akin.

     "Hindi ko alam, bigla na lang sya nagalit dahil nabuhusan ang damit nya ng tubig. Hindi ko kasalan, hindi nya nahawakan ng maayos ang baso kaya tumilapon ang tubig sa damit nya..."naiiyak kung paliwanag kay Nina.

    "No..you purposely spelt the water on me. You stupid bitch.."sigaw nya ulit sa akin at duro naman nya.

   Hinarangan sya ni Nina pero lalo lang syang nagsisigaw.

    "Vanessa sige na umalis na kayo ni Sam. Ganyan talaga yan si Vivian kapagnanalasing..."sabi naman ni Nina sa akin.

     Gusto ko na sana syang patulan, dahi sa sinabi, " hindi ako stupid bitch na katulad nya" sa isip isip ko. Pero tumalikod na lang ako at patakbong inilabas si Sam sa unit ni Jacob. Habang naghihintay ako ng elevator, hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko. Nag uunahan na etong nagbagsakan, pilit kung pinapakalma ang sarili ko para di ako makita ng mga tao na umiiyak at para di matakot si Sam. Pero di ko mapigilan, naawa ako sa sarili ko, sa buong buhay ko ngayon lang ako nasabihan ng stupid bitch at duru duruin. Kahit ang mga magulang ko di nila nagawa sa akin na duruin ako kahit gaano kalaki ang kasalanan kung nagawa. Maya pa bumukas ang elevator, dali dali kung pinunasan ang luha then mabilis na pumasok sa elevator pero napalingon ako ng may sumigaw "Van wait". Kaya lang huli na rin nagsara na ang elevator at tuloy tuloy na etong bumaba. Si Jacob ang humabol sa akin, sa totoo lang wala akong balak kausapin sya dahil galit na galit ako sa ginawa sa ex nya. Pagkahinto ng elevator nagmadali akong itinulak ang stroller at mabilis patungo sa likod ng building kung saan naroon ang play ground at pool area ng condo. Pagkarating namin maraming mga bata ang naglalaro dahil weekend at madami ding naliligo. Naghanap ako ng maupuan yung malayo sa mga tao dahil gusto kung umiyak pero laking gulat ko ng may humwak sa braso ko. Mabilis kung tiningnan kung sino ang humawak sa braso ko, si Jacob,  nakatitig sa akin and look confused. Nakapajama, white tshirt at nakapaa lang sya.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon