Thirty six/ Single Father

1.7K 51 2
                                    


Vanessa,

     Lumipas ang ilang araw naging maayos naman ang lahat sa amin ni Jacob. Masaya kaming tatlo nila Jacob at Samanta, piling ko para kaming isang buong pamilya. Si Jacob naman lagi nyang pinaalam sa akin kung ginagawa nya parang ang OA na minsan. Di ko naman sya tinatanong pero lagi nyang sinabi sa akin ang bawat kilos nya. Katulad ngayon kasama nya si Sabrina at John na kakarating lang galing sa Germany. Gusto nila akong isama pero tumanggi ako dahil baka maawkward lang ako. At dahil di ako sumama sa kanila pinayagan ako ni Jacob ng sumaglit na muna sa bahay kasama si Sam. Pero sila Nanay at Ikai ang nagpunta sa unit ni Jacob dahil gusto nilang makita ang pinagtrabahuan ko.  Pero lumabas din kami para mamasyal sa mall at pagkatapos nagpark kami dahil dala namin si Sam. Nakaupo kami sa malawak ng lawn ng park kasama pa ang mga ibang tao na na nagpapalipas din ng oras. Habang nag kwentuhan kami ni Nanay si Ikai at Sam naman naglalaro, tuwang tuwa si Sam.

     "Anak nasan ba kasi ang Nanay ni Sam at wala na ba syang balak alagaan ang anak nya. O balikan man lang ang mag ama nya?..tanong ni Nanay sa akin.

    Napatingin ako kay Nanay, gusto sabihin sa kanya na sana nga wag na syang bumalik at tuluyan na syang maglaho sa buhay ni Jacob. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa malayo at nagsalita.

    "Nay hindi ko alam pero minsan minsan binibisita nya ang anak nya.."malungkot kung sabi.

      "Ano ba kasi ang dahilan bakit naghiwalay ang dalawa. May ibang babae ba si Jacob?..sunod sunod pa nyang tanong.

     "Nay hindi po ganung tao si sir Jacob. Di daw nila kasi talaga plano magkaanak pero aksidenting nabuntis si Ms. Vivian kaya yun. Gusto ni Ms. Vivian na ipatanggal si Sam sa dahilang ayaw nya pa magkaanak at hindi pa sya handa isuko ang buhay nya para sa isang bata. Pero di pumayag si Jacob kaya nagkasundo sila pagkapanganak ni Vivian iwan nya ang bata kay Jacob at magpakalayo layo sya at ituloy nya ang nakasanayang buhay na wala respnsiblidad..."mahaba kung kwento kay Nanay.

    "Naku naku ang pagkakaroon ng anak ay hindi aksidenti. Ginusto nila yun kaya dapat panindigan nilang dalawa. Lalo na sya, sya ang nanay dapat alagaan nya anak nya. Anong klasing nanay sya, di na sya naawa sa inosenting bata wala namang kinalaman. Mas lalo naman di kasalanan ni Sam ang mabuhay sya. Hay, anak mayayaman talaga, buti pa pala si sir Jacob sa kanya. Nakakatuwa naman sya kahit lalaki nakuha nya gawin ang responsiblidad nya. Dapat ganyang lalaki ang maging boyfriend mo anak o mapapangasawa mo Vanessa, responsable..."nakangiting sabi ni Nanay sa akin.

     "Nay gusto mo katulad nya maging boyfriend ko?..tanong ko ulit.

     "Naku anak kahit sino babae maiinlove sa kanya kung ganyan sya ka responsible at mukhang mabait. Kaso mayaman sya syempre di pipili ng katulad mo yan. Kaya dapat mag aral ka anak para may maipagmalaki ka rin.."sabi nya sa akin.

     Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi ni Nanay, tama sya dapat mag aral ako para may ipagmalaki ako sa mga taong makakasalamuha ko. Mga ilang oras pa kami nanatili sa park at gabi na ng ihatid ako nila Nanay at Ikai sa condo. Umuwi na rin sila agad agad dahil nga gabi na at hinahanp na sila ni Papa. Nakatulog na rin si Sam sa pagod nya sa pakikipalaro sa kapatid ko. At ako naman nasa sopa nanunuod ng tv habang hinihitay si Jacob. Pero w mag iisang oras na wala paring Jacob na dumating, isang oras na rin akong nakaupo sa sopa. Tiningnan ko ang cellphone ko ni isa walang text galing sa kanya. Sa isip ko baka nagpunta ng bar ang mga yun, bigla tuloy akong naiiniss sa kay Jacob. Iwan ko ba kinukutuban ako sa pagdating ni Sabrina at John. Tumingin ako sa relo mag alas dyes na ng gabi, medyo inaantok na rin ako. Naghintay pa ako ulit, sa totoo lang nag alala ako dahil di man lang sya nagtext sa akin. Maya't maya tinitingnan ko ang cellphone ko nagbabakasaling maalala nyang mag message man lang pero wala parin. Naisip kung tawagan sya pero sa kabilang banda sino ako para magtanong kung naasan sya at kung ano ano ginagwa nila. May naisip ako etext si Ms. Jane at sa kanya na lang magtanong. Kaya naman mabilis akong nagtext pero bigla kung naisip na wag na lang nakakahiya naman. Kaya binura ko na lang at tumayo tuluyang pumasok sa kwarto ni Sam. Nahiga ako kama ni Sam habang naghihintay at nag aalala kay Jacob. Hanggang sa tuluyan akong nakatulog, nagising na lang ako dahil umiyak si Sam. Dali dali akong bumangon at kinuha si Sam, naisip ko si Jacob nakauwi na kaya sya? Binuhat ko si Sam at mabilis na nagtungo sa kwarto ni Jacob pero pagkapasok ko walang tao. Kaya nag alala ako lalo sa kanya asan na kaya sya. Tumingin ako sa wall clock ala sais na ng umaga, tiningnan ko naman ang cellphone ko. May isang text pero galing sa isang di ko kilalang numero at ang sabi.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon