Twenty Eight / Single Father

1.7K 48 0
                                    


Vanessa,

     Nasa bahay na ako masaya akong sinalubong ng Nanay. Pati na rin si Kuya at Papa, masaya ko silang niyakap. Subrang namiss ko ang magulang ko at kapatid. Naupo kami nila Nanay sopa at nag upisang nagkwentuhan.

     "Vanessa kumusta ang Germany. Wow! para kakaiba tayo ngayon parang ang blooming mo anak.."masaya sabi ni Nanay sa akin.

    "Dala lang po siguro ng bakasyon Nay. Kumusta na hu kayo, kinukumpleto nyo hu ba yung pag inom nyo gamot ha Nay?..sunod sunod kung tanong.

     "Ay naku anak, wag kang mag aalala. Hindi nakakaligtaan paalalahanan ako ng Kuya mo.

     "Nay si Ikai hu, di pa nakakuwi gabi na..."nag aalala kung sabi
 
    "Nasa computer shop si bunso. Maya maya nandito na yun may ginawang reseach. Nga pala Vanessa yang Kuya mo aalis na sa makalawa papuntang Dubai..."singgit ni Papa sa amin ni Nanay.

     "Wow! kuya sa wakas makakaalis ka na rin. Hoy, baka naman kalimutan mo na ako.."biro kung sabi.

     "Ano! sira ka ba. Alam mong papaaralin pa nga kita kakalimutan na. Vanessa kapag nabarayan ko na ang placement fee sa agency ko. Pwede kana mag inroll ulit at umalis kana dyan sa pagiging yaya mo. Di bagay sayo..."sabi naman ni kuya.

     Napapaisip tuloy ako, paano si Sam kung iwan ko sya. Isa pa hindi ako basta basta makaalis may kontrata akong pinirmahan. Eto ba yung dahilan kaya pinauwi ako ni Papa? Napatitig si Mama sa akin siguro nakaramdam sya ng kakaiba sa akin. Hinawakan nya ako sa kamay at ngumiti.

    "Anak tama naman ang kuya mo. Di bagay sayo ang pagiging yaya mo. Alam ko marangal na trabaho yun at hindi ko naman minamaliit ang ganung trabaho. Dahil maraming yaya dyan na subrang ang babait at ang sisipag. Isa pa anak may good news sayo pa kami sayo. Saglit lang ha kukunin ko lang.."excited na sabi nya.

     "Oo mag aral kana lang tapusin mo ang kurso mo. O di kaya magbago ka ng ibang kurso na yung gusto mo.."sabi naman ni papa.

     Maya bumalik si Nanay at may dala dala isang puting sobre. Napatitig ako sa sobre may nakasulat sa labas nito. Binasa ko, galing sya sa isang exclusive school sa ibang bansa kaya naman naexcite ako. Inabot ni Nanay sa akin ang sobre  at mabilis kung kinuha sa kanya. Sobrang excited ko parang di ako makahinga, sa isip ko, Lord sana eto na yun" isang taon ko din tong hinintay eto.  Mabilis kung binuksan ang sobre, kahit sila naexcited din at nakatitig sa akin habanng binuksan ko ang sobre. Pagbukas ko binasa ko agad ahad, napatili ako sa sobrang saya dahil sa wakas naaprobahan din ang full scholarship na inaplayan ko last year. Oo nag apply ako ng scholarship sa isang exclusive school sa France para maging isang fashion designer. Short course lang sya at anim na buwan ko syang pag aralan. Eto talaga ang gusto ko at eto pangarap ko hindi ang pagiging nurse. Ang saya ko subrang saya ko dahil sa wakas matutupad ko na pangarap ko. Binasa ko pa ulit ang papel at nakasulat pa free boar and lodging at may allowance pa.

     "Sabi ko naman sayo anak eh, matutupad mo rin ang pangarap mo. Kaya ngayon pa lang pag isipan mo ng mabuti yan at magpaalam..."masayang yakap ni Mama sa akin.

    "Salamat sa dios Nay dahil eto na, tinupad nya ang dasal ko.."maluha luha kung sabi kay Nanay.

     "Congrats kapatid, kaya ngayon pa lang magpaalam kana sa boss mo.."sabi ni Kuya sa akin.

    Natahimik ako bigla, inisip ko, oo pala paano na sila. Paano ang trabaho ko at paano si Sam. Nakalimutan ko na may mga tao palang nangangailangan sa akin. Paano ko sasabihin kay Jacob to, papayag kaya sya na umalis ako para mag aral? bigla ako natulala.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon