Vanessa,
Nasa byahe pa rin kami nag uumpisa na ring dumilim ang paligid namin. Kwento naman ng kwento si Devon about sa family nya. Siguro dahil gusto nyang malaman ko kung anong klasing buhay mayron sya. Galing si Devon sa isang mayamang pamilya. Maagang naulila sa ina si Devon kaya lumaki sya sa Lolo at lola nya. Nagkapag asawa ng pinay ang tatay ni Devon at may dalawa syang kapatid at isang stepbrother na anak naman ng stepmother nya. Habang tahimik lang ako na nakikinig sa kwento ni Devon ng maramdaman kung simpling humawak si Jacob sa kanang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at ganun din naman sya sa akin. Hinila ko pa ang kamay ko baka mapansin ni Ms. Jane. Pero hindi nya binitawan kaya titinitigan ko sya at sinasabi ko ng isip ko" Jacob please bitawan mo kamay ko" pero he just simply smile at me. Kaya hinayaan ko lang sya, sa totoo lang masaya din ako na magkahawak ang kamay namin ni Jacob. Pakiramdam ko i felt secure, safe, happy and contented. Hindi ko talaga alam kung anong mayron kami pero bahala na si Batman kung anong kakahinatnan nito.
Sa wakas dumating na kami, huminto kami sa isang napalaking bahay at di lang basta bahay mukha syang villa. Tahimik ang lahat ng bumukas ang gate pati si Sam napatingin sa paligid nya. Pumasok na kami sa loob, nakatingin lang kami sa paligid namin. Maya maya huminto kami sa harap mismo ng bahay at may dalawang hagdan eto magkabilaan. Dali dali namang bumaba si Ms. Jane, sir John at Devon naiwan kami ni Jacob. Kumilos na rin ako para makababa na pero si Jacob biglang humalik sa kamay ko,"Love, dont break my heart.."sabi nya na seryusong nakatitig sa akin.
Patitig ako sa kanya, sa isip isip ko, bakit piling ba nya ipagpalit ko sya dahil lang may malaking bahay si Devon at mayaman sya. Napapailing na lang ako at aaktong magsalita na sana pero biglang bumukas ang pinto. Mabilis kung hinila ang kamay ko bago pa makita ni John na magkahawak kamay kaming dalawa.
"O baba na kayo.."sabi ni John sa amin.
Naunang bumaba si Jacob then kinuha nya si Sam na nasa lap ko. At dali dali na rin akong bumaba. Pagkababa ko, wow! napatingin ako sa buong paligid ko. Ang ganda ng paligid para kang nasa isang fairy tale story sa laki at ganda ng paligid nito.
"Guy's welcome to my Villa..."nakangiting sabi ni Devon at tumingin sa akin na ang ganda ng ngiti.
Iniwasan ko sya ng tingin dahil alam ko si Jacob pasimpling tumingin sa akin.
"Wow! Devon your place is magical..."masayang sabi ni Ms. Jane.
"Perfect.."sabi naman ni John.
Tahimik lang si Jacob kaya di na rin ako nagsalita pa. Kinuha ko ang bag na may gamit ni Sam sa sasakyan. Maya maya niyaya na kami ni Devon sa loob, magkasabay kami ni Ms. Jane na pumasok sa loob ng bahay. Ng makapasok na kami, mas lalo nanlaki ang mga mata namin sa dami ng antique na gamit at ang mga painting ang gaganda. Pati ceiling ng villa sobrang ganda.
"Bahay ba to ni The Beast..."simpling sabi ni Ms. Jane sa akin.
Napangiti ako sa sinabi ni Ms. Jane. Inikot ng mga mata ko ang buong paligid ng living room ng villa. Subrang kaganda, kakaiba, first time ko makakita ng bahay na parang malapalasyo ang dating. Hanggang may nakita kaming lalaki na lumabas galing sa isang pinto at binati nya si Devon,
"Good evening sir, ladies, gentlemen and of course the lovely baby ."bati nya na nakangiti.
"Shit! ang pormal nya.."bulong ni Ms. Jane sa akin.
"Guy's this is Mr. Peter Weber our butler but not just a butler a good friend of our family.."pakilala ni Devon sa kanya.
Bumati naman kaming lahat sa kanya. At maya maya pa niyaya na nya kami patungo sa garden. Sumunod lang kami sa kanila, si Ms. Jane panay daldal at kung ano anong tinuturo sa amin.
BINABASA MO ANG
Single Father
قصص عامةStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.