Forty three/Single Father

1.6K 46 3
                                    


Jacob,

     Sa wakas nakarating din kami sa bahay nila and I smell vomit but it doesn't matter. Mabilis kaming tinulungan ng Papa ni Vanessa at ni Ikai na ipasok sya sa kwarto nila. Their room is tiny but maayos naman sya, napapatingin si Ikai sa akin habang inaayos nya ang ate nya ng higa. Hanggang sa nakahiga na nga si Vanessa ng maayos at umakyat ang Nanay nila para punasan sya.

    "Mr. Sebastian pwede kang magbihis sa ibaba may inihandang damit si Macky sayo.."sabi nya agad sa akin.

     "Jacob na lang hu!.."sabi ko naman.

   "Ah, sya sige magbihis kana. Ikai samahan mo si Kuya Jacob mo, dali na..."utos nya kay Ikai at pinunasan na si Vanessa.

     Napapangiti ako dahil kuya Jacob at hindi Mr. Sebastian ang sabi nya kay Ikai. Kahit si Ikai napangiti din sa akin.

    "Halika kana sir, ah eh kuya Jacob pala.."nakangiting sabi nya.

     Mabilis na kaming bumaba, nakita ko naman si Macky at ang tatay nila nasa mesa nakaupo. Tumayo si Macky at may inabot na damit at towel sa akin. Nagpasalamat naman ako at si Ikai itinuro nya sa akin ang banyo. Maya nasa loob na ako at naglinis ng sarili then pagkatapos nagbihis ng damit na pinahiram ni Macky. I don't know who owned this clothes but its feel comfe. Ng lumabas ako nasa mesa silang tatlo mukhang inihintay ako. Lumapit ako sa kanila, pinaupo naman ako agad ni  Mang Teodoro.

     "Macky, Ikai, sige na ihanda ang pagkain at tayo'y maghahapunan na.."utos ni Mang Teodoro sa mga anak nya.

     Mukhang maayos ang pagpapalaki nila sa mga anak nila dahil mga masunurin eto. Si Macky ang naghanda ng pagkain at si Ikai ang handa ng mesa. I volunteer to help pero tumanggi silang dalawa kahit si Mang Teodoro hindi ako pinayagan dahil sa bisita nila ako. Hanggang sa naihanda na nga nila ang mesa at si Nanay Miriam na lang hinihintay namin. Mga ilang segundo bumaba na rin sya dumiretso sa kusina, bumalik din naman kaagad  at naupo katabi ni Ikai.

    "Ikai sige magdasal kana.."utos ng Nanay nila.

     Hindi ko alam pero i feel im included in this family already. And it was a big relief for knowing na hindi na sila galit sa akin except kay Macky. But i guess his okay now, kahit sino magagalit kung makita nilang nasasaktan ang mahal nila sa buhay. After nagdasal pinasilbihan ako ni Nanay Miriam, i eat with them and god knows what im eating but i found it very tasty and good. Tuloy napadami ang nakain ko, ang sarap nga kasi.  Si Ikai ang taya sa kwentuhan habang kumakain kami pero it end up to me. Lahat ikinukwento ko sa kanila ang buhay ko pati narin ang pagkakaroon ko ng anak. Kahit si Vivian naikwento ko kanila, nasabi ko rin sa kanila ang totoong sitwasyon ko ngayon. And Im very thankful dahil they didn't even judge me, yes i have money pero syempre im a single father may mga masasabi pa din sila tungkol sa akin. Masaya akong tinapos ang pagkain ko at ang gaan ng pakiramdam ko sa ngayon dahil sa pagkukwento ko. At pati si Macky nakikipagtawanan na rin sa amin nila Ikai at Tatay nya. Honestly, im started to loving this family, simple, nice and they seem good people. Masaya silang kausap lalo ng ang tatay ni Vanessa, his quite funny person. Maya pa iniwan kami ni Ikai at Nanay para ligpitin ang pinagkainan namin, niyaya naman ako ng tatay ni Van sa maliit nilang living room. Nag uusap kami tungkol sa campany ko at kung ano ano pati pamilya ko naikwento ko na sa kanya. Sabi ko kanila isang araw I'll bring them in the house para mameet nila ang parents ko at mga kapatid ko. Hanggang sa si Ikai and Nanay join us at nakipagkwentuhan at tawanan. Hanggang sa may naitanong sila sa aking about kay Vanessa, kung ano talaga ang balak kung gawin ngayon sa kanya.

    "Sir, Maam kung hindi nyo mamasamain please payagan nyo po akong suyuin ang ang anak nyo.."pakiusap ko sa kanila.

    "Jacob wala namang problema sa amin yun pero nasaktan si Vanessa sa lahat na nakita nya. Kaya hindi namin pwede diktahan si Vanessa kung anong magiging disisyon nya sa inyong dalawa.."agad naman sabi ng Tatay ni Vanessa.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon