Twenty six / Single Father

1.9K 56 2
                                    

Vanessa,

    Tama tama namang lumabas na kami ni Jacob sa walk in closet ng may kumatok sa pinto ng kwarto nya. Mabilis namang pinagbukasan ng pinto ni Jacob ang kumatok. Nakita ko si Rebeca at karga karga nya si Sam. Kaya lumapit ako sa kanila at para na rin kunin si Sam.

     "Sorry to disturb you two but i think your little one need you attention.."ngiting sabi ni Rebeca.

    "Come here baby.."sabi ko sabay kuha kay Sam. "Sorry Rebeca.."sabi ko ulit sa kanya.

   "Don't say sorry, anyway i have to go dahil maghahanda pa kami ng mesa.

      Napatingin ako kay Jacob, sa isip baka kailangan nila ng tulong ko.

     " Okay dear sis, susunod na kami ni Vanessa..."sabi naman ni Jacob.

     "Actually no need, may mga maid naman tayo sa baba sila na tutulong sa amin. And Nathan is there kaya bahala na sila ni Papa sa pagluluto ng barbeque.."ngiting sabi nya sa amin.

     "Okay then, call us if you need extra hand.."nakangiting sabi ni Jacob.

    Maya pa nagpaalam na sa amin si Rebeca at pumasok kami pabalik sa kwarto ni Jacob. Nakaupo kami ni Sam sa edge ng kama at mukhang inaantok na sya. Napagod yata sa kakalaro ng lola't lolo nya kaya  inaantok na sya. Lumapit si Jacob sa amin at kinuha si Sam, nahiga sya sa kama at pinadapa nya sa dibdib nya si Sam para makatulog. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa, nakakatuwa silang tingnan ang sweet nilang mag ama. Habang nakadapa si Sam sa dibdib ni Jacob maya't maya naman sya tumitingin sa akin.

     "Love come here lay with us. I think Sam want you too here beside her..tawag ni Jacob sa akin.

     Napangiti ako, umakyat ako sa kama at tumabi sa kanila. Ng maayos na ako nakatabi sa kanila, tumagilid ako ng higa paharap sa kanilang dalawa. Dahan dahan kung hinamplos ang ulo ni Sam at kinantahan hanggang sa tuluyan na sya nakatulog. Pinasandal naman ni Jacob ang ulo sa braso nya at humalik sa noo ko,

    "Keep singing.."mahinang sabi nya.

     Tinuloy ko ang mahinang pag kanta ko, hanggang sa napansin kung pati si Jacob tulog na rin. Kaya bumangon ako at tinitigan silang dalawa. Hindi ko lubos maisip ganito ang kahinatnan ng pagiging yaya ko. Matagal ko silang pinagmasdan, lalo na si Jacob na ang sarap ng tulog nya. "Love masaya ako, sobrang saya pero natatakot din ako na baka isang araw mawala kayo o mawala ako sa buhay nyo" sabi ng isip ko habang tinititigan silang mag ama. Napabuntong hininga na lang ako at dahan dahang bumaba sa kama. Ng makababa na ako, naghanap ako ng kumot para kumutan ang dalawa dahil malamig na ang kwarto dahil sa aircon. Naghanap ako, binuksan ko ulit ang walk in closet ni Jacob at naghanap ng comporter o kumot man lang. Isa isa kung binuksan ang kabinet hanggang sa may isang kabinet na nabuksan ako at may nakita akong isang box at nakasulat doon treasure box. Nacurious ako kung anong laman ng box kaya binuksan ko. Tumambad sa akin ang mga picture nila Jacob at Vivian at pati na picture ni Vivian na nanganak saya kay Sam. Sa totoo lang  nasaktan ako sa lahat ng nakita ko, ang sweet nila Vivian at Jacob sa mga picture nila. Mas lalo naman yung picture nilang tatlo nasa loob sila ng delivery room at mukhang kakapanganak pa lang ni Vivian. Maya hinalungkat ko pa tuloy ang box  hanggang sa may nakita ako video cam. Titinitigan ko ang video, sa isip ko, "ano kaya laman nito? curious kung tanong. Sabi ko sarili ko, "Vanessa wag mo buksan yan, hindi mo gamit. Alam mo bang masama mangilam ng gamit na walang paalam" sabi ng utak pero matigas ang ulo gusto ko kung alamin ang nilalaman nito kaya binuksan ko video cam at salamat naman naka full battery pa eto. Naupo pa ako at dali dali kung binuksan ang video cam at pinindot ang play button. Maya maya pa nag play ang video cam at ang nilalaman ay mag video ng araw na pinanganak si Sam. Nakita ko mga mata nilang lahat na masaya at excited na makita ang nababy nila. Nakita ko pang humalik si Jacob kay Vivian kaya lalo lang din akong nasakatan. Dali dali ko ng pinatay video cam at ibinalik ng maayos. Sa totoo lang habang binabalik ko sa  treasure box ang lahat  bigla na lang tumulo ang luha ko.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon