Forty five/ Single Father

1.7K 58 3
                                        


   
   Vanessa,

     Nasa isang restaurant kami celebrating the graduation of Ikai. Masaya kaming pamilya na kumakain at eto din ang unang pagkakataon na nadala ko ang pamilya ko sa mamahaling restaurant. Kaya naman tuwang tuwa si Ikai at Nanay dahil nakapasok daw sila ng ganitong kamahal na restaurant pero si Papa nanghihinayang sa pera sabi nya pwede na daw pang umpisa ng negosyo ang ipambabayad ko sa kinain namin dito.

    "Pa hayaan mo po pag iipunan ko yang pang negosyo na sinasabi mo. Sa ngayon enjoy na muna natin ang pagtatapos ni bunso.."nakangiti kung sabi sa Papa ko.

    "O nga naman Pa. Hayaan mo tutulungan ko din si Vanessa para pandagdag  puhunan.."singit naman ni Kuya sa amin.

     "Kayo naman oh, nanghinayang lang ako. Macky ipunin mo na lang yang itutulong mo para sa pag aaral ng apo kung si Nicole. At ikaw naman Vanessa ipuninñ mo din yang sahod mo at mapagpatayo ka ng sarili mo negosyo. Di kana bumabata tumatandan kana, kung ayaw mo pang mag asawa atleast may pagkaabalahan ka..."masaya sabi nya sa amin.

    "Naku Pa malayo pa yun at saka wala pa sa isip ko mag asawa.."nakangiti ko din sabi sa Papa ko.

    "Paano mag asawa si Ate eh wala namang boyfriend yan. At isa pa nagdisappeared naman si Kuya Jacob kaya tatandan dalaga yan.."singit ni Ikai at pasimpli pa akong pinagtawanan.

    "Angelica, tumigil ka sa pangaasar sa ate mo.."saway ni Nanay kay bunso.

    Pasimpli ko lang ngitian si Ikai at sabay tinaasan ng kilay. Sa loob loob ko, tama nga naman si Ikai baka magpakatandang dalaga na lang ako. Bigla akong nalungkot pero hindi ko pinahahalata sa pamilya ko. Nagtuloy tuloy na kaming kumain at pagkatapos namasyal sa buong mall. Masaya naming inikot ang buong mall at namili kunti para sa pamangkin ko.Hanggang sa napagod na si Nanay at gusto rin nyang umuwi. Nagpaiwan kami ni Ikai dahil may naiisip pa akong puntahan namin mamaya. Kaya naunang umuwi sila Nanay, Papa at Kuya kasama ang asawa at baby nya. Excited si Ikai kung saan ko sya dadalhin, isa pa promised ko to sa kanya eh. Na kapag nakagraduate sya ng senior high dadalhin ko sya sa sikat na amusement park. Sumakay na kami ng bus papapunta sa amusement park na yun. Kahit medyo late na pero humabol parin kami dahil may fireworks display sila ngayon gabi magaganap. Kaya naman sobrang naexcite si Ikai pati na rin ako. Masaya kami ni Ikai sa bus at panay kuha nya ng picture sa bagong smartphone nya na regalo ko sa kanya. Siguro mga isang oras nakarating din kami sa wakas at tuwang tuwa si Ikai ng makapasok na kami. Kahit ako naexcite dahil ni minsan di pa rin ako nakapasok dito kahit nung mga kabataan ko dahil nga wala kaming pera. Pero ngayon kahit papaano makakapasyal na rin kami dahil nga medyo may kunti na akong pera, isa pa gusto ko ring sulitin ang panahon habang nandito pa ako sa pinas dahil pagkatapos ng isang buwan babalik naman ako ng France. Doon nga nakabased ang trabaho ko kaya kailangan kung bumalik. Masaya kaming pumasok ni Ikai at naghanap ng mga rides na kaya naming sakyan. Sinulit namin dalawa ang ilang oras bago mag gabi, hanggang sa napagod na kami at nagpahinga. Kinukulit ako ni Ikai about sa ikwento sa kanya si Sean na kaibigan ko. Akala kasi nya nanliligaw sa akin yun pero isang bisexual si Sean at wala akong balak makipagrelasyon sa ganung klasing pagkatao. Maya pa iniwan ako ni Ikai dahil magcr sya, mag isa akong nakaupo at kinakalikot ang cellphone baka may email ang boss ko pero wala namang bagong email. Hanggang sa laking gulat ng may tumili, muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko pagkabigla at sa nerbyos ko.

    "OMG!!! Vanessa is that you?

    Natulala ako sa nakita ko, si Jaydon, pero di ako makapaniwala dahil long hair na sya at cross dresser na rin. Masaya syang lumapit sya sa akin at nagtitiling niyakap ako. Ako naman bigla ring natuwa dahil sa nakita ko sya, nagyakapan kaming dalawa. Tuwa tuwa kami habang magkayakap,

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon