Fifty five/ Single Father

2.3K 85 25
                                    

Vanessa,

    

     Mag isa ako sa dating kwarto ni Jacob, kakatapos ko lang din nagshower at suot suot ang pajama ni Jacob at white shirt nya dahil wala naman damit. Nagpalakad lakad ako sa harap ng kama nya, ang tahimik ng buong paligid ang maririnig mo lang ay ang pagbuhos ng malakas na ulan at ang maya mayang pagkidlat at pagkulog. Tiningnan ko ang relo mag ala unsi na ng gabi. Naupo ako kama, inisip ko si Sam kung di ba sya natatakot sa lakas ng kulog at kung tulog na rin ba si Jacob. Naiisip kung bumababa pero sa kabila ng isip ko nakakahiya naman baka ano pa ang isipin nila sa akin. Ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa malambot na kama ni Jacob. Habang nakahiga ako, inaalala ko ang unang gabing natulog ako dito, naalala ko yung nauod kami ng movie sa loob ng walk in closet nya. Napapangiti ako sa tuwing na alala ko yung pasimpling mga tingin ni Jacob na puno puno ng pagmamahal katulad nung nakita ko kanina. Ramdam ko na mahal na mahal nya ako pero pilit nyang tinago dahil siguro sa takot na iwan at masaktan ko ulit sya. Maya pa habang nag muni muni ako at nagbabalik tanaw nahagip ng mga mata ko na nakabukas ang drawer ng study table ni Jacob kaya naman mabilis akong bumangon at lumapit sa study table nya para  isara sana ang drawer. Kaya lang may napasin akong isang brosure na nasa ibabaw ng mesa, dali dali ko pinailaw ang lamp shade at dinampot ang brosure kaya lang pagdampot ko may nalaglag na mga papel na nakaipit sa loob ng brosure. Mabilis ko kung pinagdadampot ang mga papel sa sahig pero nanlaki ang mga mata ko at napanganga ng mapasin kung plane ticket pala ang mga yun. Dali dali kung tiningnan nakapangalan sa akin at kay Jacob ang mga ticket. Back and fort ticket sya papuntang Maldives at pabalik na pinas. Binasa ko ang date, two years ago, napahawak ako sa dibdib at naupo sa upuan. Tinitigan ang mga ticket na hawak hawak ko. Ibig sabihin nakaplanong umalis kami ni Jacob bago nangyari ang lahat. Napapailing na lang ako at lalo nanghihinayang pero tapos na ang lahat ano pa ba ang magagawa ko. Hindi ko na maibalik pa.ang nakaraan. Napabuntong hininga na lang ako at inayos na lang ang mga ticket at isiniksik ulit sa brosure, binalik sa saan eto nakalapag. Isasara ko na sana ang drawer ng may napansin akong maliit na red box sa loob. Nacurious ako, napaisip ko kung tingnan ko kung anong nilalaman ng box na yun. "Vanessa wag ka ngang makilaam hindi mo gamit yan tandaan mo" saway ng konsensya ko. Itutulok ko na sana para maisara na ang drawer pero bakit parang may bumubulong sa akin na kunin ko ang red box at tingnan eto. "Vanessa go tingnan mo wala namang masama" pero sabi naman ng kabilang isip ko "Vanessa wag kang makialam sa gamit ng iba" tinakpan ko ang dalawang tainga ko pumikit at umiling iling. Nalito tuloy ako kaya tumayo ako at bumalik sa kama pero di pa nga ako nakalapit sa kama bigla akong bumalik sa study table at dinampot ang red box sa drawer. "Bahala na, titingnan ko lang naman hindi ko naman kukunin to" sabi ng isip ko. Mabilis kung binuksan ang box, napanganga ako sa nakita kung anong laman ng red box na yun, isang napagandang singsing. Kinabog ng kaba ang dibdib ko habang tinititigan ang singsing na yun, mukhang mamahalin sya at pink diamon ang bato nito. "Jesus! para kanino kaya to? tanong pa ng isip ko. Hanggang sa may napansin ako maliit na papel na nakasiksik sa ilalim ng takip ng box kaya naman mabilis kung kinuha. Hindi na ako nagdalawang isip pa at dali dali etong binuklat pero ng makita ko pa lang ang pangalan ko na nakasulat sa papel mabilis ko ding tinupi at ibinalik sa pagkaipit sa box. Isinara ang box at mabilis kung ibinalik ang box sa loob ng drawer at isinara eto. Bumalik ako sa kama at nahiga, wala na akong iinisip ko din ang singsing na nakita ko. Ayaw kung isipin na para sa akin yub pero bakit pangalan ko nakasulat doon, bigla ako naluha at the same time kinilig. Nagpagulong gulong ako sa kama na naiiyak at nagsisipa sipa sa tuwa, para akong baliw dahil tumatawa din ako. "Vanessa tigilan mo yan pagiging asyumera mo" saway ko sa sarili ko.

     "Bawal ba, minsan lang naman" nakangiti kung sabi ko sa sarili ko habang lumuha ang mga mata ko.

      Pinunasan ko ang luha ko, mabilis na bumangon at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko medyo madilim ang buong paligid, babalik na sana ako sa kwarto dahil bigla akong nakaramdam ng takot. Kahit pa ganito na ang idad ko natatakot pa rin ako sa madilim. Pero gusto kung bumaba at sa kwarto ni Sam para doon matulog katulad nung ginagawa ko dati. Honestly, di pa rin ako sanay matutulog na walang katabi kahit nung nasa France ako bumili pa ako malaking teddy bear para lang may  makatabi ako matulog. Mabilis akong naglakad pababa, ng nasa may hagdan ako bigla na lang kumidlat ng malakas kaya halos takbuhin ko pababa ang hagdan.  Ng nasa tapat na ako ng kawarto ni Sam at bubuksan ko na sana ang pintuan. Bigla na lang bumakas ang pintuan ng  guestroom kaya naman nag madali akong nagtago. Sinilip ko kung sinong lumabas nakita ko si Jacob, mabilis na nagpatakbo ng wheel chair nya patungo sa kitchen kahit medyo madilim ang hallway papuntang kusina nila. Kaya naman pasimpli ko syang sinundan, saa isip ko, anong ginagawa ng taong to, gising pa sa ganito oras. Nag alala ako na baka  bumangga sya dahil medyo madilim ang paligid at isang ilaw lang ang nakabukas sa hallway sa kusina. Maingat akong naglakad para di nya ako mahalata ng makarating ako sa kusina at nakita ko si Jacob na nagbukas ng fridge. Dahan dahan ako lumapit biglang sumagi ang isang paa ko sa dulo ng table at ang malala pa bakal ang stand ng table. Kaya muntik na akong napasigaw sa sakit, buti natakpan ko agad ang bibig ko. Pucha maihi ihi ako at mangiyak ngiyak sa sobrang sakit. Kaya napaupo ako pero siguro naramdam ni Jacob na may tao bigla nyang inikot ang wheel chair at tumingin sa paligid nya. Nagtago naman ako sa ilim ng mesa dahil kapag nakita nya ako sigurado akong magagalit sya sa akin. Ininda ko na ang sobrang sakit na ramdaman ko sa mga daliri sa paa ko. Maya pa ng masigurado ni Jacob na wala namang tao binuksan nya ulit ang fridge at pilit na may inaabot pero di nya makukuha dahil medyo nakalagay ito sa itaas. Pinagmasdan ko lang sya, naawa ko na kanya kaya lumapit na ako at inabot ang gusto nyang kunin pero napasigaw sya sa gulat dahil sa biglang pag sulpot ko.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon