Forty one/ Single Father

1.7K 47 1
                                    


Jacob,

      Kaharap ko ang mga magulang ni Vanessa, kinakabahan ako pero kailangan kung sabihin sa kanila ang totoo. At magpaliwanag sa nangyari bakit umalis ng bahay si Van. Pinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyayari sa amin Vanessa na may relasyon kami. Nakikita ko sa mga mata ng ama ni Vanessa na may galit pero mahinahon pa rin sya. Wala silang alam tungkol sa amin ni Vanessa kaya nagulat sila ng malaman nila ang totoo na may namamagitan sa aming dalawa. At eto ako ngayon sa harapan nila nagmamakaawang makita si Vanessa para maipaliwanag lahat sa kanya. Ang nanay naman ni Vanessa hindi mapakali, alam ko at ramdam ko na hindi nya gusto ang nangyayari ngayon sa amin ng anak nya.

     "Sir, Maam, I'm very sorry, hindi ko gustong saktan si Vanessa. Mahal na mahal ko ang anak nyo, alam ko may responsiblidad akong tao. Pero kaya kung panindigan ang anak nyo.."sabi ko kanila.

    "Mr. Sebastian kung mahal mo ang anak namin patunayan mo. Pero sa ngayon hayaan mo na muna makapag isip si Vanessa ng maayos. Hindi biro ang pinapasok nyong dalawa at mas lalo namang hindi kayo nag bahay bahayan lang.."sabi naman ng nanay Van.

    Palihim akong napangiti sa sinabi nyang nagbahay bahayan lang kami. Ako alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin na hindi laro tong pinapasok namin ni Vanessa. Kaya nga ako humarap sa kanila para makapagliwang sa kanila at kay Vanessa. Hindi ko hahayaang hintayin makapag isip pa si Vanessa baka tuluyan nya kaming talikuran ni Samantha. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari sa akin na basta na lang kami tinalikuran ni Vivian. Habang pinagsasabihan naman ako ng mga magulang ni Vanessa bigla ng lang may pumasok na dalaga na halos kaidaran lang ni Thea at parang nagmadali.

     "Nay si Ate...sabi nya pero ng makita ako nanigas sya sa kinatatayuan nya at tumitig sa akin.

     Pero ang kinagulat ko ay ang Nanay ni Vanessa bigla na lang sya namutla at napahawak sa dibdib nya. Buti na lang mabilis ako at nasalo ko pa sya dahil bigla na lang syang natumba at hinimatay. Nagulo kami sa loob ng bahay, nagpanic ang lahat sa nangyari. Kahit ako nabigla at natakot sa nangyari, binuhat ko ang nanay ni Vanessa. Mabilis kaming lumabas ng bahay at sinakay sya agad sa sasakyan ko. Nag iiyak ang dalaga dahil sa takot at ang tatay ni Vanessa hindi alam kung anong unang hawakan dahil sa pagkabigla.

    "Please stop crying dahil natataranta ang lahat sa ginagawa mo..."saway ko sa kanya.

     Nakita kung patakbong lumapit si Macky sa amin at mukhang natakot din at tarantang tumulong sa pag sakay ng nanay. Pati mga kapit bahay nila nag uumpukan na,

    "Pa anong nangyari.."takot nyang sabi sa tatay nila pero nakasagot ang tatay nya.

     "Get in..utos ko sa kanya.

    Nakatitig pa sya sa akin, "Please.."sabi ko ulit.

      Dali dali syang sumakay sa harapan ng sasakyan ko. Ng makasakay na ang lahat mabilis akong nagpatakbo sa malapit na hospital. Nag iiyak pa rin pa rin ang dalaga, si Macky may tinawagan at narinig ko ang sabi nya, "asan ka? tingnan nyo ang pinagagawa nyo, kapag may nangyari kay Nanay kayo ang sisihin ko" sabay tingin ni Macky sa akin. Pinatay na nya agad ang cellphone nya at tumingin ulit sa nanay nya. Nakita ko yung takot at pag aalala nya sa nanay nya pati na rin si Mr. Torres. Sa isip ko naman, baka si Vanessa ang kausap nya, so ibig sabihin walang nangyari kay Vanessa. "Thank god" medyo nakahinga ako ng maluwang pero nag alala ako sa nanay nila. Mga ilang minuto nasa isang private hospital kami, mabilis kaming bumaba at binuhat ang Nanay ni Vanessa and thank god mabilis naman kaming inasikaso. Naiwan kaming tatlo sa labas ng emergency room, si Macky di ba mapakali nagpalakad lakad at ang kapatid naman iyak pa rin ng iyak, sinisi nya sarili nya.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon