Vanessa,
#Salted caramel /choco chilli flavored icecream😋
Habang naglalakad kami nagtitingin ng kung ano anong shop. Kakaiba dito sa Germany yung mga boutique wala sa mall kundi nasa gilid ng street. At kailanganin mong maglakad, nakakatuwa ang mga tao dito parang ang yayaman. Kahit coffee shop dito mukhang mga sosyalin. Magkasabay kaming naglalakad ni sir Jacob habang tulak tulak nya ang stroller ni Sam at si Sam naman nakatulog na hanggang sa tumapat kami sa isang ice cream shop. Sabay pa kaming tumingin ni Ms. Jane,
"Wow! mukhang masarap ang mag icecream..."masayang sabi ni Jane.
"Ms. Jane ang lamig lamig makakain ka pa kaya ng icecream.."ngiti kung sabi.
"Bakit sila kumakain kahit malamig..."turo nya sa couple na lumabas sa icecream shop.
"Eh couple yun e, sweet kaya mag icecream kasama ang kasintahan mo.."innocente kung sabi.
"Ah okay, bawal tayo dyan mga single tayo. Halika kana nga..."yaya ni Ms. Jane sa akin.
Pero pareho kaming natigilan ni Ms. Jane ng biglang magsalita si Jacob.
"Bakit porke ba single bawal na mag icecream.."diretsong tingin sa akin.
"Hindi naman po...simpling sabi ko at umiwas ng tingin.
"Yan ang gusto ko sayo boss. O ano lebre mo kami?...singit naman ni Ms. Jane na umabot ang ngiti sa tainga.
"Sure! kung gusto ni Vanessa.."sabi nya at tinitigan naman ako.
Sa isip isip, "Jacob please, tigil tigilan mo ang pagtitig mo sa akin. Kunti na lang oh! bibigay na ako, isang push na lang". Pasimpli akong tumitig din sa kanya, pucha! bakit parang nakikiusap ang mga titig nya.
"Hoy, Vanessa ano gusto mo ba daw ng ice cream?.."distract ni Ms. Jade sa akin.
"Ah, eh..bakit ako..."sabi ko na lang.
"Ano, gusto mo ba o hindi? naghihintay si sir Jacob ng sagot mo.."sabi ulit ni Ms. Jane.
"Okay..pasimpli ko na lang sagot sabay tumingin kay Jacob na kanina pa pala nakatitig sa akin.
"Okay, let's go.."ngiting sabi nya.
Naunang pumasok si Ms. Jade sa amin then sumunod at binuksan ng maluwang ang pinto dahil ipapasok ni si Jacob ang stroller.
"Thank you..simpling sabi nya.
Bakit parang kinilig ako sa simpling pagpapasalamat nya. Tapos sinamahan pa nya ng napakagandang ngiti, "Soimai ka talaga" sabi ng isip ko. Nakapasok na kami busy na si Ms. Jane sa kakatingin ng flavor nakatayo lang ako habang ipinagmamasdan si Ms. Jane natuwang tuwa na parang nalilito sa dami ng flavor ng icecream.
"Vanessa mamili kana, dali ang sasarap oh. At pwede mo syang tikman.."tuwang tuwa na tawag ni Ms. Jane sa akin.
Tumingin pa ako kay sir Jacob, gusto ko sana sabihin ayaw ko ng icecream dahil kanina pa ako giniginaw sa lamig ng hangin. Tumango lang sya sa akin na para bang sinabihan nya ako na "go ahead mamili ka na ng icecream mo". Hinila ako ni Ms. Jane kaya wala na akong choice kundi ang tumingin at mamili. Nakita ko ang matagal ko ng hinahanap na flavor ang salted caramel kaya bigla akong natuwa at napangiti na parang bata. Lumayo kunti si Ms. Jane para tumikim pa ng ibang flavor kaya di ko namalayang lumapit si sir Jacob sa akin.
"May nahanap kana?..biglang tanong nya napaitlag ako sa pagkabigla.
"Ay poke ng..nanlaki mata ni Jacob ng muntik ko na sanang sabihin poke ng kalabaw. Dali dali nyang tinakpan ang bibig ko, kaya napapikit ako sa kahihiyan. Lihim kung pinagalitan ang sarili ko dahil sa di ko napigilan ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.