Jacob,
Ng napansin nila ako dali dali sila nagsisiayos kasama na si Ms. Torres. Napansin kung mukha syang kinabahan ng makita nya ako. Lumapit sa kanila at kinuha si Samantha kay Jaydon."Jaydon akin si Sam go back to your and you ms. Torres sumunod ka sa opisina ko..."tingin ko sa kanya.
"Sorry sir, papasukin ko na sana sya naunahan mo lang kami.."paumanhin naman ni Jane.
"Its okay Jane, tapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo?
"Yes sir naprint ko na po yung kontrata, isusunod ko na po.
"Okay, lets go..yaya ko kay Ms. Torres.
Tumalikod na ako at pumasok sa opisina ko, tahimik lang syang nakasunod sa akin si Ms.Torres. Alam ko kanina pa sya kinakabahan pati rin naman ako. Hindi hindi basta basta tong gagawin buhay ng anak ko nakataya dito. Pagkapasok namin inutusan ko syang maupo habang pinasok si Samantha sa kabilang kwarto. Pagkalabas ko naman naabutan kung nagkwentuhan sila ni Jane pero ng makita nila ako tumigil sila at sa akin nakatingin."Sir dyan na po ang copy ng kontrata sa ibabaw ng misa nyo. May pag uutos pa po ba kayo?..mabilis na tanong ni Jane.
"Wala na Jane, salamat. Makakalabas and back to your work.
"Salamat sir.
"Ah Jane, please, if you don't mind can bring some water for Ms. Torres..."sabi ko kay Jane bago pa sya makalabas.
"No, no Ms. Jane okay lang ako..."agap naman ni Ms. Torres at mukhang nahiya pa.
"Jane please.."sabi naman.
Sabay pa na tumingin silang dalawa sa akin, kaya naman tinitigan konsi Jane. Lumabas naman sya agad at iniwan nya na kami, naupo ako sa office sir ko na nakatingin kay Ms. Torres. Dinampot ko ang kontrata at inabot naman sa kanya, mabilis nyang kinuha sa akin. Agad agad naman nya binasa, subrang seryuso sya at halos di kumirap. Pasimpli ko lang syang pinagmamasdan, gusto kung malaman kung ano ang nilalaman ng isip nya ngayon. Seryusong seryuso at minsan napapailing at simpling nyang pinaglalaruan ang buhok nya habang nakatutuk ang mga mata nya sa kontrata. Sa isip ko naman, "ohgod! i think hindi nya nagustuhan ang mga condition ko at kung anong ayaw ko". Di na ako mapakali gusto ko ng malaman kung anong iniisip nya,
"Ms. Torres pwede mong sabihin sa akin kung ano ang di mo nagustuhan.
Pero simpli lang akong tinitigan at mabilis naman nyag binawi ang tiningin nya at tinuon liit ang sarili nya sa pagbabasa. Subrang tahimik ng paligid namin, kinabahan ako at the same time natatakot baka ayaw na nyang tumuloy at baka isipin nya na sobrang over protective ko sa anak. "Yes i am, hindi ko kakayanin kapag may masamang mangyari sa anak baka ikamatay ko. Kaya naninigurado lang ako. Maya maya bigla na lang sya bumuntong hininga, tumayo at nagpalakad lakad sa harapan ng mesa ko. Kaya napaayos ako ng upo at simpling niluwangan ang nick tie ko at pinaglalaruan ng ang ballpen ko dahil sa tensyong nararamdaman ko. Pasimpli nya akong tinitingnan then bigla humungot ng hinga pati tuloy ako napapasunod sa ginagawa nya.
"Ms. Torres, pwede nating pag usapan kung ang iniisip sa kontratang yan..."sabi konpara madistract sya.
"Sir actually okay naman sya, kaso piling ko ang laki ng responsibilidad ko. At piling ko kapalit ng kontrata na yan ang buong buhay ko.
Tama naman na pumasok ulit si Jane na may dalang bottled water. Mabilis naman nya kinuha at tuloy tukoy na ininom halos di na huminga. Napatitig si Jane sa kanya at pati na rin ako,
"Vanessa isa pa? tanong ni Jane na nakatitig sa kanya na parang nagtataka.
"Okay na ako, thank you.."sagot nya.
"Sure? ..sabi ulit ni Jane.
Ako naman di ko alam pero bigla akong natuwa sa kanya. Pasimpli akong ngumiti pero di ko pinahalata kay Jane.
"Thank you Ms. Jane sa tubig..."ngiting na nya at naupo ulit.
"Welcome.."nagpaalam na si Jane ulit at mabilis na lumabas.
Umayos sya ng upo at humara psa akin at tinitigan ako. Nakipagtitigan ako sa kanya,
"Sir, okay pipirmahan ko po. Kahit kapalit nito buong buhay ko. Promise and i swear to god aalagaan ko ang anak nyo at hinding hindi ako gagawa ng kung ano man ikakapahamak nya.
"Pwede ko bang malaman anong rason mo bakit ka pumasok sa ganitong trabaho?..tanong ko.
"Sir, honestly may trabaho talaga ako sa mall. Biglang promodizer kaso hindi kaya ang sahod dahil sa kailangan ko tulungan ang tatay ko sa paghanap buhay. Hindi naman kakasya yung kita nya sa mamasada ng jeep..
Tuloy tuloy na nagkwento si Ms. Torres sa buhay nya. At ako naman di na namalayan na natutuwa na ako sa pagkwento nya. Nakalimutan ko na may iba pa akong mahalagang trabaho na asikasuhin. Masyado akong naging interesado sa mga kwento nya. Nakakalungkot lang na kailangan nyang huminto ng pag aaral at magtarabaho para makatulong sa mga gastusin nila sa bahay at sa nanay nya.
"Okay, i think thats enough for now. Pwede mo ng pirmahan ang yung kontrata.
"Ah sir, tanong ko lang pag umalis ba kayo like if you abroad sino makakasama ko sa bahay nyo?
"Sa bahay ka ng parents ko mag stay to make sure na may makakasama kayo ni Samantha.
"Thank god..pasimpling sabi nya.
"Why?..tanong ko sa kanya.
"Kasi sir incase kung may mangyari atleast may mahingian ako ng tulong or may matakbuhan ako. Mahirap mag isa sir tapos bata lang yung kasama ko.
"Alam ko naman yun kaya tapusin mo na yang pagpirma mo at may mahalaga pa akong sasabihin.
Nagmadali syang pumirma at inabot nya sa akin. Napangiti naman ako ginawa nya, inabot ko ang kontrata at pinirmahan ang copy nya at inabot pabalik sa kanya.
"Keep it.."sabi ko.
"Okay sir.
Tumayo ako sa kinauupuan at inilagay ang kontrata at mga dukyumentong ipinasa nya sa isang invalope at ipinasok sa drawer kasama sa mga importanting papers ng opisina.
"So Ms. Torres, pwede kanang makakauwi, para makapagpaalam ka ng maayos sa magulang mo at sa dati mong trabaho.
"Sir Vanessa na lang po tawag nyo sa akin. Total boss ko na rin kayo, masyadong pormal yun ms. Torres. Eh yaya lang ang magiging trabaho ko.
"Okay Vanessa...pasimpli kung tinitigan sya. "Yaya Vanessa" sabi ng isip ko.
"Salamat sir, sige mauna na po ako. Para makuha na po ng mga gamit ko.
"Sige dito ka nalng dumiretso bukas. Para after ng work didiretso na tayo sa condo.
Tumayo na sya at nagpaalam, lumabas na sya ng opisina ko at ako naiwang nag iisip ko. Maya pa pumasok si Jane at may mga dala dalang papers na kailangan kung pirmahan. Itinuod ko ulit ang sarili sa trabaho at kinalimutan na muna kung ano ang nangyayari kanina lang.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.