Vanessa,Mga kalahating oras nakarating na kami sa bahay ng magulang ni Jacob. Sobra akong kinakabahan, pagkabukas pa lang ng gate halos di na ako makahinga sa lakas ng tibok ng dibdib ko. Napatingin ako sa buong paligid ng bahay nila Jacob, medyo lumang bahay na pero infairness maganda pa rin sya. Pumasok kami diretso sa grarahe at dali dali pumarada si Jacob, napansin ko agad ang sasakyan ng magulang ni Jacob at may dalawa pang sasakyan na nakaparada. Kaya mas lalo tumindi ang kaba ko at takot. Mabilis na kumilos si Jacob at bumaba kinuha si Sam sa child carseat. Ako naman naiwan sa loob ng sasakyan, pinilit kung tanggalin ang kaba ko pero ganun at ganun parin piling ko nga mas lalo lang akong kinabahan at nanlamig sa nerbyos na raramdaman ko ngayon. Inayos ko na muna ang sarili ko at saka kumilos. Binuksan ko ang pinto, nakita ko naman si Thea napatakbong lumapit kay Jacob at kinuha si Sam at iniwan na nya kami. Mabilis akong bumaba ng sasakyan, naghihintay naman si Jacob sa akin.
"Van, are you okay? Relax, di kakatayin ng magulang at mga kapatid ko.."ngiting sabi nya at akto sana hahalikan ako.
Umiwas ako, "Sir Jacob please, baka may makakita sa atin.."sabi ko at inunahan sya ng lakad.
"Alam na nilang lahat kaya wala kana dapat ipag alala.."diretsong sabi nya at dinaanan ako.
Napahinto ako, natulala at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko ng maglaho sa oras na to, hindi pa ako handa na malaman ng lahat kung anong mayron kami ni Jacob. Ano na lang ang iisipin nila sa akin at kay Jacob, isa pa isang yaya lang ako. Sa totoo lang gusto ko ng tumakbo palabas ng bahay nila Jacob.
"Let's go, hinihintay na nila tayo.
"Jacob, pwede munang huminga.."pakiusap ko dahil natatakot talaga ako.
"Yeah sure, yakap gusto mo?..nakangiting sabi nya.
Tumango ako, kailangan ko ng pampalakas loob ngayong alam na pala nilang lahat . Kaya naman mabilis na lumapit si Jacob sa akin at yumakap ng maghigpit then humalik sa noo ko.
"Love, don't worry hindi ka nila huhusgahan. Hindi ganun ang pamilya ko at kung huhusgahan ka man nila. Trust me, ipagtatanggol kita sa kanila.
Napatitig ako kay Jacob, sa isip ko. "talaga! gagawin mo yun?" Buntong hininga lang ang isinagot ko at yumakap na rin ng mahigpit sa kanya. Maya pa bumitaw na ako at inayos ko ulit ang sarili ko.
"Are you ready?..malabing na tanong ni Jacob.
Umiling iling ako sa kanya, lalo lang tumitindi ang kabang nararamdaman. Inabot nya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
"Vanessa everything will be fine. Wag kang bumitaw.."mahinang sabi nya at sabay humalik sa kamay.
Huminga akong malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Lumakad na kami ni Jacob na magkahawak ang kamay papasok sa loob ng bahay nila. Dahan dahang itinulak ni Jacob ang malaking pinto, pagbukas pa lang nabungaran namin ang dalawang napakagagandang babae kasama si Thea na tuwang tuwa sila pinalalaruan si Sam sa may sopa. Sabay sabay silang tumingin sa amin ng pumasok kami at sabay sabay ding nagsitayuan at lumapit na nakangiti sa amin. Yumakap ang dalawang babae kay Jacob at si Thea at Sam nasa gilid ko naman.
"We missed you so much.."sabi ng isang dalaga na nakayakap kay Jacob.
"And I missed too both. Himala nandito kayong dalawa anong mayroon?..sabi ni Jacob.
"Si Mama kasi tumawag sabi nya darating ang girlfriend mo kaya eto napasugod kami.."ngiting sabi din nung isa at sabay silang tumingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/116795068-288-k648627.jpg)
BINABASA MO ANG
Single Father
Fiksi UmumStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.