Jacob,
Nasa loob ako ng kwarto at nagpalakad lakad nag iisip kung anong dapat kung gawin. Iniisip ko din si Vanessa kung okay lang ba sya o kung iniisip din ba nya ako. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at tumitig sa sa anak ko na mahimbing na natutulog sa crib nya. Hindi ko alam kung anong kahinatnan ng lahat kung sakaling ngang nagsampa ng kaso si Vivian para mabawi nya si Samantha sa akin. Natatakot ako, paano ko kakayanin lahat ng to, paano kung pareho silang mawala sa akin. Bala ikamatay ko pagdumating ang araw na yun. Paano na kami ni Vanessa, ano ng mangyayari sa amin dalawa, sana lang yung mga sinabi nya kanina dala lang ng galit nya sa akin. Nasa malalim akong pag iisip ng biglang ng vibrate ang cellphone ko, mabilis kung dinampot baka si Vanessa ang tumatawag pero si Nina lang pala."Yes.."sagot ko.
"Sir Jacob may dumating pong delivery isang box. Tatanggapin ko po ba?..sabi naman nya agad sa akin.
"Kanino daw galing?
"From the clothing company of Michelle de Vera po.
Oh shit! naalala ko bigla ang charity ball mamayang gabi. "Yes, tanggapin mo na.."utos ko kay Nina at pinatay ko na agad ang cellphone.
Oo nga pala mamaya na magaganap ang Charity Ball kaso ano pang dahilan para umattend ako wala si Vanessa. Isasama ko sana sya sa charity ball na yun bilang date sa event na yun. Surpresa ko sana sa kanya, yung delivery na dumating, evening gown yun para kay Vanessa na lihim na pinabili ko ni Rebecca at Sabrina para sa kanya. Sinadya pa ng kapatid ko at Sab na lumipad ng Hongkong para sa gown na yun. Pero ano pa, hindi na nya magagamit yun at hindi mangyayari ang surpresang nakahanda para kay Vanessa. And thats because of Vivian, she ruin it, she ruin everything. Napabuntong hininga na lang ako at dali daling tinawagan si Ms. Jane.
"Jane ikaw ng bahalang mapagliwanag kung bakit di ako makakaattend sa charity ball.."pakiusap ko kay Jane.
"Sir sayang naman, ano naman kasi, panira talaga to si Vivian eh. Paano na yung surprise mo kay Vanessa after the ball? ..nanghihinayang na sabi ni Jane.
"I need to cancel it or gusto mo kayo na lang mag tuloy ng kadate mo. Sayang din naman kasi yun bayad na sya..."alok ko kay Jane.
"Naku sir wala akong date kaya wag na at saka hindi ako nababagay sa ganun surprise ang bungga kaya yun. At saka sir diba surprise proposal yun para maging official ang relasyon nyong dalawa. Sir Jacob siyuin nyo po ng suyuin si Van, ligawan mo ng bongga bongga. Pustahan tayo babalik yun si Vanessa sa inyo ni Sam nagpapalipas lang yun ng sama ng loob. At saka alam ko di nya matitiis si Samantha.." sabi ni Jane.
Sa isip ko naman, "sana nga Jane, masuyo ko sya. Kahit ba araw arawin ang panunuyo at panliligaw, gagawin ko maibalik ko lang sya sa buhay ko". Simpli akong napangiti sa mga sinabi ni Jane, alam ko naman pinapagaan lang nya ang loob kung nahihirapan ngayon. After namin nag usap ni Jane, tinawagan ko agad yung event organizer para icancel ang nasabing surpresa para kay Vanessa. Kahit sila nanghihinayang nangako naman sila na ibalik sa akin ang kalahati ng binayad ko pero di kailangan. Pagkatapos ng lahat si John naman ang tinawagan ko, sinabi ko kanya lahat ng nangyari.
"Anong plano mo ngayon?.."seryusong tanong at napabuntong hininga pa.
"I don't know, litong lito ang isip ko sa mga nangyayari Bro. Ano bang nagawa kung mali, ipinaliwanag ko na lahat sa kanya na yung nakita set up lang ni Vivian yun. Bro ang sakit sakit, bakit ba ganun sila ang bilis tumalikod na man lang nila iniisip ang nararamdaman mo..."pag amin ko kay John ng totoo kung naramdaman.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.