Thirty eight/ Single father

1.5K 54 1
                                    


   

Vanessa,

        Kinagabihan mag isa ako naiwan sa unit, umalis si Jacob at Samantha kasamang nagdinner kina Sabrina at John. Mag isa akong nakatunganga sa bahay, gusto akong isama ni Jacob pero tumanggi ako. Piling ko kasi hindi  gusto ni  Sabrina ang presensia ko kaya ako na lang mismo ang umiwas. Hindi na nga sya umakyat sa unit ni Jacob, ayaw na sana ni Jacob umalis dahil hindi ako sumama. Pero pinakiusapan ko sya na sumama sa mga kaibigan nya. Naglipit na lang ako ng mga kalat sa kwarto ni Sam para naman di ako mabaliw sa kakaisip. Ng may doorbell, sa isip ko, ang aga namang bumalik nila Jacob. Patakbo akong lumabas ng kwarto ni Sam at nagtungo main door para buksan sila. Pero pagbukas ko, si Ms Vivian at tuloy tuloy na pumasok sa loob.

        "Jacob, Jacob.."tawag nya.

Dahil walang sumagot at wala di akong balak kausapin sya. Tumingin sya sa akin, tinitigan nya ako simula ulo hanggang paa. Tumitig din ako sa kanya, nasa may pinto pa rin ako nakatayo,

    "Asan ang boss mo at si Sam?..diretsong tanong nya.

     "Nagdinner sila kasama ang mga kaibigan nya.."diretsong kung sagot.

     "What! bakit di nila sinabi sa akin. Call your boss..."utos nya sa akin.

     "Ms. Vivian bakit di na lang kayo ang tumawag. Total ex mo naman yun at kaibigan mo rin naman sila Sabrina and sir John. Yaya lang ako ng anak mo wala akong karapatan para tawagan si sir Jacob habang nasa labas sya kasama ang mga kaibigan nya..."pabalang kung sagot, isinra ang pinto at nagtungo sa kusina.

      "Yeah, i try calling them pero ni isa sa kanila walang sumasagot.."sagot nya sa akin at sinundan ako sa kusina.

     Sa isip ko, "problema mo na yun". Pabagsak syang naupo sa upuan,  pasimpli ko syang tiningnan. Parang ang laki ng problema nya, malungkot mga mata nya. Nagkunwari akong  inaayos ang mga kalat sa kusina, narinig ko pa syang nabuntong hininga. Ng bigla syang nagsalita at nagtanong.

      "Gaano kana katagal dito?..tanong nya.

    "Almost three months.."simpli kung sagot.

     "Siguro alam mo na ang tungkol sa akin. I'm pretty sure naikwento nila sayo ang tungkol sa pag alis ko at pag iwan sa mag ama ko.

     "Oo naikwento nila pero hindi lahat. Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan mo bakit mo iniwan na lang ang anak mo..."sagot ko sa kanyan.

       "I was so scared that time, hindi ko alam paano ko alagaan si Samantha. Isa pa ang dami ko gustong maangyari sa buhay ko. Gusto ko pang patunayan kay Jacob na hindi  ang pagiging housewife at pag aalaga ng bata ang gusto ko. Gusto kung patunayan na kaya kung tumayo sa sarili kung paa pero di nila ako hinahayaan at kahit si Jacob hindi nya ako hinayaan na gawin ang gusto ko. Worst is binuntis nya ako dahil yun ang gusto nya, he want me to stay in this condo and play plain housewife. Hindi yun ang gusto..."mahabang sabi nya.

    Napatingin ako sa kanya, bumuntong hininga sya at nagsalita ulit.

     "Now everyone hated me because of my reckless decision. Sabrina, John, ang pamilya ni Jacob, they all hated me. Im asking for second chance  pero di nila ako pinagbibigyan. Lalo na si Jacob, i want him back, i want my daughter's back. Gusto ko mabuo ulit ang pamilyang to. Mahal na mahal ko sila, sila lang ang mayroon ako. At hindi ko hayaang mawala pa sila sa akin ulit. Gagawin ko lahat maibalik lang si Jacob at si Samantha sa buhay ko.."diretsong sabi nya sa akin.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon