Vanessa,
Nakalabas na ako ng opisina nya at inusisa naman agad ako ni Ms. Jane. Nalaman ko pa na nagpustahan sila kung matatanggap ako o hindi. Natalo si Jaydon kaya sya ang taya sa pizza nila mamaya after ng trabaho. Nagpaalam na ako sa kay Ms. Jane na tuwang tuwa dahil hindi na sya ang magbabantay kay Samantha kaso nalulungkot sila na baka di nila makikita at cute na cute na anak ni Mr. Jacob Sebastian. Habang pababa na ako ng building di ko naman naiintindihan ang sarili ko, "Vanessa tama ba tong ginagawa mo, paano kung may mangyari sa bata?
"Kayayanin ko para sa kay Nanay at para makatapos na kami magbayad ng mga utang.."sabi ko sa sarili.
Infairs malaki ang sahod ko at free bahay, food at kung ano ano pa. Kaya naman sobra akong natuwa pero sa loob loob ko natatakot talaga ako baka di ko kakayanin ang bagong trabaho ko. Maya pa nakalabas na ako ng building at nag abang ng bus, naiisipan ko mag bus para makapag isip isip na muna ako. Until sa nakasakay na nga ako, mabagal ang takbo dahil medyo nag uumpisa na naman ang traffic. Habang nasa byahe ako inisip ko paano ako magpapaalam sa trabho ko. Kailangan kung mag isip ng rason para payagan nila ako. Siguradong malulungkot sila pag alis ko, lalo na ang mga kasamahan ko wala ng madaldal na Vanessa. Nalungkot tuloy ako bigla sa mga inisip ko. Mga ilang minuto maalapit na ako kaya pumara na ako at mabilis na bumababa. Dahil medyo may araw pa naisipan kung dumaan sa talipapa para bumili nag pang ulam namin. Naisipan kung magluto kasi isang linggo bago ulit ako makikita ng pamilya ko. Kaya sigurado ako mamimiss ko na sila ngayon pa lang. At ngayon pa lang naluluha na ako, first time kung di makasama ang magulang kung ganung katagal di ako sanay kaya medyo naluluha ako ngayon.
"Vanessa OA mo di ka naman magngibang bansa para magdrama ka ng ganyan.."sabi ko sa sarili ko.
Tama nga naman ang OA ko talaga. Hanggang sa nakarating na nga ako sa talipapa at namimili ng pang ulam namin. Natutuwa akong mag ikot ikot, nagtitingin ng mga preskong gulay ng bigla naman akong may kakaiba iniisip. Si Mr. Sebastian kaya nakarating na kaya sa ganitong lugar at matutuwa kaya sya pag dinala ko sila dito?
"Vanessa baliw ka ba? ay bakit ko ba inisip yun?..sabi ko.
Napailing iling na lang ako at tuloy na sa pamimili. At maya pa sumakay na lang ako ng padyak pauwi sa bahay dahil piling ko napagod ako. Pagdating sa bahay nakalock ang pinto ng bahay namin kaya nagtataka naman ako. Hindi naman naglolock si Nanay ng pinto, lagi ko yun habilin sa kanya.
"Nay...nay...tawag ko pa pero walng sumagot.
"Oi Vanessa andyan kana pala, dalian mo si Tatay mo nasa hospital isinugod sya bigla na lang nahilo kanina habang naglakad pauwi..."sabi agad ng kapitbahay namin.
"Hu!..laking gulat ko naibagsak ko ang mga pinamili ko.
"Oo buti na lang dumating ang kuya mo at naisugod agad sya sa hospital.
"Saang hospital hu?..takot kung tanong.
"Ay yun ang di ko alam...
Patakbo akong iniwan ang kapit bahay namin at dali dali naghanap ng masakyan na padyak. Ng makasakay na ako nanginginig pa akong kinuha ang cellphone sa bag ko. Nakita ko na lang nakasampong tawag si Nanay at si kuya pati na rin bunso kung kapatid. Dali dali ko naman tinawag ang nanay ko. At salamat naman agad namang syang sumagot.
"Nay kumusta si Papa?..mangingiyak ngiyak ko tanong.
"Anak, medyo stable na sya eto pinapapahinga na ng doctor. Pero di pa sya makakalabas dahil kailangan obserbahan pa sya anak. Asan ka ba ha?
"Nay kakagaling ko lang sa inaaplayan ko. Asang hospital po kayo?
Sinabi naman ni Nanay kung saang hospital sila. Tinapos ko ang pakikipag usap sa kanya at nagmadaling bumaba ng padyak at sumakay ng jeep papunta sa hospital. Takot na takot ako na baka kung may mangyari sa Papa ko. Kakatapos lang ni Nanay at eto naman si Papa, di na kami nilubayan ng problema. Mga ilang minuto nasa tapat na ako ng hospital at nagmadaling bumababa. Pumasok ako agad sa hospital at nagtanong kung saang ward si papa. Sinabi naman nila agad sa akin kaya patakbo akong hinanap ang ward na kinaruruunan nila. Nakita ko naman agad ang kapatid kung si Ikai at si kuya na nakupo sa labas ng ward. Patakbo akong lumapit sa kanila,
![](https://img.wattpad.com/cover/116795068-288-k648627.jpg)
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.