Six/Single Father

2.9K 81 4
                                    

Jacob,

     Nasa kwarto na kami ni Samantha, alam ko natutuwa sya sa mga nakikita nya sa loob ng kwarto ng anak ko. Tinuro ko sa kanya ang lahat ng gamit ni Sam pati ang banyo nya at ang playroom nya. Bumalik ulit kami sa main room ni Sam ng may nakita syang picture. Pasimply nyang tinitigan eto, alam ko naman na may mga tanong sya tungkol sa Mommy ni Sam.

    "Sya si Vivian ang mommy ni Samantha. Hiwalay na kami at iniwan nya sa akin si Sam.."sabi ko agad.

     Tumingin pa sya sa akin at kumurap then nagsalita,

    "Maganda po sya, nakuha po ni Sam ang ilong nya at mata nya. Pero kamukha nyo po si Sam.

     "Thank you, malalaman mo din pagdating ng panahon anong reason nya bakit nya iniwan sa akin ang anak na namin sa akin.

     "Okay lang po kahit hindi ko na malalaman, labas na po ako sa personal nyong buhay. Nandito ako para mag alaga sa baby nyo at gawin ng maayos ang trabaho ko.

    Direstso nyang sabi sa akin. Nagbigla naman ako sa pagiging pranka nya, will, atleast wala syang balak alamin kung ano klasing girlfriend si Vivian at ano klasing pagkatao mayroon ang ex ko. Habang iniisa isa ko sa kanya ang  dapat nyang gawin ng bigla lang namin narinig na umiyak si Samantha, mabilis kaming kumilos, palabas sana sya pero pinigila ko sya.

    "Vanessa here, my connecting door dito papunta sa room ko..."turo ko sa kanya.

     Tumingin naman sya kung saan ko itinuro ang daliri ko, dali dali na ako lumakad at itinulak ang pinto papasok sa kwarto ko. Sumunod naman sya sa akin, pagkapasok namin sa loob napansin kung umikot ang mga mata ni Vanessa sa buong kwarto ko. Makalat ang kama ko at nasa ibabaw pa ang laptop at ang pajama ko na pinahbihisan ko kanina.

     "Sorry makalat ang room ko..."alam lihim sya napangiti pero ng tumingin ako sa kanya dali dali binawi ang ngiti nya.

     Dinampot ko si Sam sa crib nya para tumigil sa kakaiyak.

     "Baby what's wrong? Daddy is here na...sabi ko sa anak ko habang karga karga sya.

    Nakatitig naman si Vanessa sa aming dalawa. Tumingin naman si Sam sa kanya kaya napa ngiti ako reaction ng bata dahil nagsisipa sipa ang mga paa nya parang gusto nya lumapit kay Vanessa.

     "Say hello to your yaya.."sabi ko sa anak ko na kay Vanessa nakatingin.

    "Ah sir, ako na po bahala sa kanya baka may gagawin po kayo.."sabi nya at umiwas nag tingin sa akin.

     "Are you sure na kaya mo na sya?..paninigurado kung tanong.

    "Kayang kaya po.."masigla nyang sabi.

       Inabot ko si Sam sa kanya, pero bakit piling ko ayaw kung bitawan ang anak ko. Piling ko baka mabaling ang atensyon ni Sam sa kanya at di na sya lalapit sa akin "Jacob wag kang OA" saway ko sa sarili ko. Binatawan ko si Samantha ng mahawak na sya ni Vanessa.

    "Sir pwede pong dalhin ko na si Sam sa kwarto nya?

     "Sure, i'll be in my study room. Kung may kailangan kang itanong tawagin mo lang sa intercom.

     "Okay sir..."sagot nya at dali dali na syang lumabas ng kwarto kasama si Sam na bigla na lang tumahimik sa kakaiyak.

     Sinundan ko na lang sila ng tingin, kumilos na rin ako at lumabas ng kwarto para makapagtarabaho na. Habang nasa study room ako, di ako mapakali. Iniisip ko kung anong ginagawa ni Vanessa at Sam parang ang tahimik nila. Nacurious ako bigla, kaya binukasan ko ang tv monitor ng cctv. Oo pinaglayan ko ng cctv ang kwarto ni Samantha para paninigurado akong mabantayin ko sila. Nakita ko naman na naglalaro silang dalawa kaya nakampanti ako. Bumalik ako sa computer ko at nag focus ulit sa trabaho ko. Hanggang sa isang oras na ang lumipas napagod ako sa kakaupo kaya tumayo ako at balak na puntahan si Sam at Vanessa. Mabilis akong tumayo at lumabas ng study room pero nakita ko sila ni Sam at Vanessa na nasa may living area. Naglalaro silang dalawa, tawa ng tawa si Sam sa ginagawa ni Vanessa sa kanya. Natutuwa ako ng makita si Samantha na tumawa ng ganun, sa isip ko, "sana lord di pakitang gilas lang ang ginagawa ni Vanessa to empress me". Napansin naman ako ni Rose at nagsalita sya, nagtanong,

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon