Jacob,
Nakaalis na si Cynthia at nasa kwarto na rin ako, di na tuloy ako makatulog dahil ang totoo nag aalala ako kay Vanessa. Hinimatay sya, ibig sabihin mahina ang puso nya. Baka maya kung anong pang mangyari sa kanya sagutin ko pa sya. Pero di naman yun ang issue dito, nag aalala din ako para kay Samantha. Dahil baka pag wala ako di nya mabantayan ng maigi si Sam at incase may emergency baka mauna pa syang himatayin. "Jacob, Jacob, tama ba talaga yung ginagawa mo? "tanong ko sarili ko. Naupo ako sa gilid ng kama habang inisip kung ang nangyayari ngayon, hanggang sumagi sa isip ko ang tanong ni Cynthia kay Vanessa kanina about sa kung may boyfriend sya. Napangiti ako sa sagot nyang NBSB sya, dahil ang totoo kaya tinanong ni Cynthia yun baka kasi buntis sya. Pero ang inosenti nyang sumagot, nakakatuwa. Di ako makapanila na NBSB sya dahil maganda sya kahit kanina napapangiwi sya sa sakit na nararamdaman nya pero ang ganda pa rin nya tingnan. Yung bang kahit ano gawin nya histura nya pero lalo lang syang gumaganda. Napapailing na lang ako at the same time napapangiti sa mga iniisip ko. Mas lalo ko tuloy di naiintindihan ang sarili ngayon dahil sa tuwing nagtatama ang mga mata namin may kakaibang sumasabog sa buong pagkatao ko na di ko naramdaman sa ex ko. Kakaiba yung tibok ng puso ko at sa tuwing naririnig ko ang boses nya lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Pabagsak kung inihiga ang sarili ko sa kama habang iniisip si Vanessa.
Kinabukasan maaga akong nagising at dumiretso sa kwarto ng anak ko para tingnan sya, kunin at ilipat sa kwarto ko. Nakaugalian ko na yun na tuwing paggising ko ang una una kung titingnan ay si Samantha. Dahan dahan kung binuksan ang sliding door pero nanlaki mata ko ng makita ko si Vanessa katabi nya si Samantha at ang sarap ng tulog nilang dalawa. "Bakit sya dito natulog? umiyak ba si Samantha at di ko namalayan? impossible naman yun. Tinitigan ko silang dalawa, pinaglilipat lipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa tumigil ang tingin ko kay Vanessa, "damn! kahit nakabuka ang bibig nya habang natutulog pero ang ganda pa rin nyang tingnan. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko, kung gigisingin ko ba sya o hayaan ko na lang syang matulog kayap si Samantha. Matagal pa akong nagkatayo habang tinititigan silang dalawa. Nakakatuwa, they look perfectly beautiful habang ang sarap ng tulog nila. Tiningnan ko na ang relo ko, 4:30 pa lang ng umaga kaya naisip ko na lang hayaan na muna silang matulog. Pero bago ako bumalik sa kwarto ko kumuha muna ako ng comforter para kumutan si Vanessa dahil malamig ang buong kwarto ni Sam dahil sa aircon. Habang inilalagay ko ang comforter kay Vanessa, "Christ sake! ano ba tong ginagawa ko. Jacob remember yaya sya ng anak mo, hindi ka pweding magkagusto sa kanya, tandaan mo yan" paalala ko sa sarili ko. Mabilis na akung kumilos at lumabas ng kwarto ng anak ko. Dumiretso ako ng kusina para kumuha ng tubig, habang nilalagyan ko ng tubig ang baso ko wala naman akong ibang iniisip kundi kung ano tong nararamdaman ko ngayon sa kay Vanessa. "No, awa lang to" sabi ko pa pero bakit tumututol ang puso ko. Hinila ko ang upuan para maupo at mag isip kung anong bang dapat gawin sa naramdaman ko ngayon. Pero wala naman lang akong naiisip, "bahala na" tumayo na ako at pumasok sa study room ko at para maihanda ko na ang kakailanganin ko sa opisina. Hanggang sa natapos ko na nga ang lahat ng kakailanganin ko ng may narinig akong bumukas ng pinto na nanggagaling sa kwarto ni Sam kaya mabilis akong tumayo at pasimpling sumilip galing sa may pintuan ng study room ko. Gising na si Vanessa at naghihikab pa at sabay itinaas nya ang dalawang kamay nya at sabay sabi "good morning world" na ang sarap ng ngiti nya. Kaya naman pasimpli din akong napangiti habang nakatitig sa kanya. Nagtuloy tuloy na sya ng lakad patungong sa kusina kaya naman mabilis akong lumabas at pumasok sa kwarto ni Sam. Naabutan ko pang tulog pa si Sam, dahan dahan akong lumapit at hinalikan ang anak ko."Sarap ba katabi si Yaya Vanessa ha? kasi look at you ang sarap ng tulog mo..."sabi ko sa baby ko habang hinihimas ang pisngi nya ng likod ng kamay ko.
Tulog pa rin si Sam di man lang nya nararamdaman ang paghimas ko sa pisngi nya. Hinayaan ko na lang matulog si Sam, mabilis akong lumabas ng kwarto ng anak ko at nagtungo sa kunsina para matimpla ng sana nga kape. Pero na pahinto ako sa may pinto ng kusina ng may naririnig akong mahinang boses na kumakanta kaya pasimpling kung sinilip, "Ohgod! Si Vanessa nakatalikod gumagwa ng gatas ni Sam tapos kumakanta kanta at pasimpling sumasayaw. Gusto na sana tumawa kaso hindi ko nagawa dahil natutuwa na ako sa kanya at naaliw sa kanyang ginagawa. Pinagmamasdaman ko pa sya habang nakangiti pero nabigla ako ng bigla naman syang lumingon, nagkagulatan tuloy kaming dalawa. Di ko tuloy alam kung ano sasabihin ko at kahit sya di nya alam ang gagawin nya. Kitang kita ko sa dalawang mga mata nya ang pagkabigla at parang matutunaw na sya sa
hiya,
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.