Twenty four/ Single Father

2K 54 0
                                    

Vanessa,

Habang nag uusap sila si Jacob at ang magulang nya. Lumapit naman yung magandang dalaga sa amin ni Nina na busy sa kusina naghahanda ng meryenda nila.

"Hi! you need extra hand? I can help. Nabobored ako doon masyadong seryuso ang pinag uusapan nila.."sabi nya sa amin ni Nina.

Napatitig naman ako sa kanya, ang ganda nya para syang doll. At mukhang kasi idad lang sila ni Ikai, bigla ko tuloy namiss si bunso. Napangiti ako sa kanya at umurong kunti sa kinakakatayuan ko.

"Im Thea younger sister of Jacob and you must be Vanessa right?..nakangiting tanong nya sa akin.

"Yes Maam.."nakangiti ko na ring sagot.

"Oh no, dont call me Maam. Ako dapat tatawag sayo ng ate at alam mo bang may dalawa pa akong elder sisters. And now i got three ang saya diba, sana mameet mo sila soon. Anyway, alam mo bang maraming kinukwento si Kuya Jacob sa amin sa pagpunta nyo ng Germany at sabi nya...naputol ang sasabihin nya ng bigla syang tinawag ni Jacob.

Sobra akong kinabahan, ano kayang inukwento ni Jacob sa kanila. Dali dali umalis si Thea at lumapit sa kuya nya. Ako naman hindi mapakali dahil sa mga sinabi ni Thea. Napansin naman ni Nina na bigla na akong naging aligaga, magsasalita pa sa sana sya kaso papalapit na si Thea sa amin. Ng makalapit na eto hinawakan nya kamay ko at hinila na nya ako.

"Come here, tawag ka ni Mama..."excited nyang sabi.

Piling ko lumipad ang kaluluwa ko sa takot at kaba. Bakit ako pinatawag ni Maam, sana lang hindi eto tungkol sa aming dalawa ni Jacob. Sana tungkol eto kay Sam at kay Ms. Vivian. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kay Thea, bigla akong nanlamig sa nervous. Ng makalapit na kami sa kanila, pinaupo ako ng Mama ni Jacob sa tabi nya.

"How are you?..ngiting tanong nya sa akin.

"Okay naman po Maam.."nakangiti ko ding sagot sa kanya na pilit kung tinatago ang kaba ko sa mga ngiti ko.

"Thats good, anyway, this my husband Anthony..."pakilala nya sa akin.

"Good afternoon sir..bati ko naman.

"Call me Anton please, im glad to meet you Vanessa.."sabi nya at abot ng kamay para makipagshake hand.

"Vanessa wag kang mahiya sa amin. Isipin mong kapamilya mo na kami. Kaya kita pinatawag kasi about eto kay Vivian. If ever na guluhin ka nya please wag kang mahiya o matakot magsabi sa amin. Okay anak?..masayang sabi nya.

Honestly nagulat ako sa sinabi nyang anak, pero pilit kung binaliwa yun baka ganun lang sya, sila, lahat itinuturing nilang pamilya.

"Sige po .."simpli kung sagot, binitawan ang kamay ni Mr. Anthony at pasimpli akong tumingin kay Jacob.

Nakangiti ang mga mata nya, hindi ko alam kung dahil sa sinabi ng Papa nya o sa isip ko lang. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil sa mga oras na to wala pa silang alam tungkol sa amin ni Jacob. Sa totoo lang hindi pa ako handa malaman ng lahat kung anong mayron kami ni Jacob ngayon. Lalo na't hindi na ako sigurado dahil biglang pagpakita ni Ms. Vivian. Maya pa nag tuloy tuloy ang kwentuhan namin, nakakatuwa ang Papa ni Jacob. Palabiro sya at si Thea naman panay din kwento sa kung ano ano tungkol sa bansang napupuntahan kasama ang mga ate nya.

"OMG! if Ate Jessica is here. Naku matutuwa yun kapag nakilala ka nya. At maraming ding ikukuwento sayo yun. Isa pa mahilig yun kumain kaya medyo chubby sya. At si Ate Rebeca naman concious sa katawan kaya lagi sa gym.."ngiting kwento ni Thea sa akin.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon