Vanessa,
Gabi ng makauwi kami ni Ikai sa bahay. Tulog na nga sila Kuya si Papa na lang ang ang gising. Dumiretso agad si Ikai sa kwarto dahil pagod na pagod, naiwan akong nakaupo sa mesa, malayo ang inisip. Hindi ako mapakali, gusto syang makita, gusto kung malaman kung ano ang kalagayan nya ngayon. Tumayo ako at nagpalakad lakad sa maliit namin na sala. Maya maya uupo naman ako, hindi ko talaga alam ang gagawin. Dinampot ko ang bag at hinanap ang calling card na binigay ni Jaydon sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at dali daling sinaved ang number ni Ms. Jane at Jaydon. Pero may nakita pa akong isang pang numero naisip baka numero ng opisina nila. Pagkatapos kung nasaved ang numero nila,tinitigan ko ulit ang calling card. Iniisip kung tawagan si Ms. Jane o etext sya para makipagkita sa kanya. Pero iwan ko ba naintriga ako sa isa pang number na nakasulat sa calling card. Dial ko ang number yun pero voice recorder ang sumagot sa akin, kaya naman nag iwan ako ng message."Hi! Ms. Jane, please call me or text me, if you have time. Thanks...its me Vanessa"
After ko mag iwan ng voice message pinatay ko ang phone at inilapag sa mesa pero wala pang ilang segundo nagreturn call ang numero na tinawagan ko. Mabilis kung dinampot at sinagot.
"Hello! Ms Jane..sagot ko kaagad.
Pero walang sumagot parang pinakinggan lang ang boses ko. At maya maya din bigla na lang etong pinatay, nabigla ako. Napatitig ako sa cellphone, "galit ba si Ms. Jane sa akin?" tanong ng isip ko habang hawak hawak ang phone ko. Napaupo ako ulit , mas lalo lang akong nalungkot dahil pati si Ms. Jane galit sa akin. Kaya naluha naman ako, galit silang lahat sa akin, ano na ang gagawin ko ngayon? Sumandal ako sa sopa at tumitig sa kisame habang pinupunasan ang mga luha ko. Tama namang lumabas si Kuya,
"O bakit gising ka pa?..sita nya sa akin.
"May iniisip lang Kuya.."malungkot kung sagot.
"Ano ba kasi yang iniisi mo? Baka makatulong ako.."sabi nya at naupo sa tabi ko.
Hindi ko alam kung sabihin ko sa kanila ang totoo pero siguro kailangan nilang malaman kung ano talagang nangyari kay Jacob nung umalis sya dito sa bahay. Naupo ako ng maayos at bumuntong hininga at sa may hagdan tumingin. Tinitigan ako ni kuya, alam ko naghihintay sya sa sasabihin ko.
"Kuya alam ko na kung anong nangyari kay Jacob.."pag uumpisa ko.
"Ano, nag asawa na ba sya. O bumalik na sa dati nyang kinakasama?
"Kuya naalala mo ba ung madaling araw na umalis si Jacob dito sa bahay. Naaksidenti sya, nabundol ng delivery truck ang sasakayan nya. Akala ng lahat hindi na sya makaligtas ng aksidenting yun pero salamat sa dios buhay sya. Kaso Kuya hindi na sya makalakad pagkatapos syang nakarecover. Dahil naipit ang mga paa at malala ang pagkaipit nito kaya yun daw ang dahilan kaya hindi na sya makalakad ngayon.."mangiyak ngiyak kung kwento kay Kuya ko.
Natulala si Kuya sa mga ikinuwento ko sa kanya. Alam kung di rin sya makapawala nangyari kay Jacob. Kahit sino magugulat, tinitigan nya ako at maya pa nagsalita.
" Kaya pala bigla di na sya nagpakita. Alam mo bang nakiusap sya sa akin na payagan ko syang makita ka. Vanessa anong plano mo?..diretsong tanong nya.
"Kuya gusto ko syang makita, alamin kung totoo ba talaga ang nangyari sa kanya. Kasalanan ko to kuya, kung sana nakinig ako sa kanya at hinayaan syang magpliwanag. Hindi sana mangyari yun kay Jacob, sana nakakapag lakad pa sya ngayon..."at tuluyan na akong humagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.