Vanessa,
Bumalik ako kina Ms. Jane at nakipagkwentuhan sa kanila pero sa loob ko, ano ba problema nya? Pasimpli ko sya tingnan mukha pa ring seryuso. Mga ilang minuto naman nagpaalam si sir John sa amin ni Ms. Jane na uuwi na muna para makapag bihis dahil may dinner nga kaming pupuntha. Speaking of dinner, akala ko magdidiner kami sa labas nila Sam, eh ano yung nabanggit ni Ms. Jane at sir John? tanong na lang ng isip ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagtanong kay Ms. Jane.
"Ms. Jane, saan ba kasi ang punta natin, isa pa anong nangyari kay Boss parang mukhang badtrip?..sunod sunod kung tanong.
"Ininvite tayo ni Devon sa place nya for dinner at sabi pa nya ipagluluto daw tayo. Excited ako matikman ang luto nya girl...nakangiti sagot ni Ms. Jane sabay inom ng kape.
"Eh sya anong nangyari?..."tanong ko ulit at sabay turo sa kay Jacob.
"Baka kasi nabadtrip, di matutuloy ang dinner date nyo. Di sya pweding tumanggi sa invitation ni Devon. Kasi yung Dad ni Devon, isa sa mga shareholders ng company dito sa Germany. Kaya ayon nakapag oo sya sa kay Devon. At piling ko nagseselos yan kay Devon. Wala kasi ibang bukang bibig nung isang yun kundi ikaw dai.."nakangiting sagot ulit ni Ms. Jane.
"Bakit naman daw sya magseselos?
"Syempre, ikaw ba naman. Malalaman nya harap harap na may gusto si Devon sayo. Kaya ayan nagbeast mood sya.
"Sinabi ni Devon yun..medyo napalakas ang boses ko.
"Yup, naku alam mo ba ang ginawa ni sir Jacob. Ayun pinaniwala nya si Devon na may boyfriend ka at hindi kana pweding ligawan.
"Really!...kunwaring naiinis ako. Pero sa loob loob ko, masaya ako dahil yun ang sinabi nya kay Devon.
"Hay girl kung makita mo lang ang reaksyon ni Boss kanina nung sabihin ni Devon na gusto ka nya. Para syang gustong pumatay ng tao.
Napapailing na lang ako kay Ms. Jane parang ang OA nya magkwento. Tumingin ako ulit kay Jacob, seryuso parin sya. Maya pa niyaya na ako ni Ms. Jane para magbihis na daw kami.
"Sir may kailangan ka pa ba? pwede na kaming magbihis ni Vanessa?..tanong ni Ms. Jane sa kanya.
"Jane you go a head. Vanessa please magpaiwan ka muna..."diretsong sabi nya.
Nagprotesta ang sarili ko, ayaw ko maiwan mag isa kasama sya baka anong mangyari at di ko na mapigilan sarili ko. Napatingin ako kay Ms. Jane, sinasabi ng utak ko na "please Ms. Jane isama mo na ako, humanap ka ng dahilan". Pero simpli lang akong tiningnan ni Ms. Jane.
"Okay sir. O girl sunod ka agad ha..."ngiting sabi nya.
Naglakad na palabas si Ms. Jane at dali dali ko naman sya sinundan. Ng nasa may pinto na sya tumingin sya sa akin ulit at bumulong,
"Good luck, amuhin mo muna ang bossing mo para matanggal ang pagiging beast mood nya...panunukso ni Ms. Jane.
"Ms. Jane..."sabi ko pa.
"Bahala ka na dyan.."ngiting sabi nya at dali daling lumabas.
Naiwan akong nakatayo sa may pinto. Laking gulat ko ng mabilis namang isinara ni Jacob ang pinto . Kaya napapikit ako at dali daling tinakpan ng dalawang kamay ko ang mukha ko. Dahil alam ko nasa harapan ko si Jacob nakatitig sa akin. Nahihiya akong tingnan sya dahil sa nangyari kanina. Mas lalo naman ako nagulat at halos di makahinga ng bigla nya akong niyakap kaya pasubsub ako sa dibdib nya. Natili kaming ganun ni isa walang gustong magsalita. Dahan dahan kung tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko at tumingin sa kanya. "Shit! nakatitig si Jacob sa akin at ang sarap ng mga ngiti nya. Mabilis akong kumawala pero hinila nya ako pabalik kaya sumubsub naman ako ulit sa dibdib nya pabalik.
BINABASA MO ANG
Single Father
قصص عامةStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.