Jacob,
Berlin Germany, pagkatapos ng mahaba habang byahe nasa hotel na rin kami at nagpapahinga na. Tulog na si Sam, si Jean at Vanessa naman di ko alam kung gising pa ba sila.
Madaling araw na kaming nakarating sa hotel kaya pagod kaming lahat. Kaya lang di rin ako makatulog dahil may jetlog ako, inayos ko na lang ang gamit namin ni Sam at inilagay sa closet ng hotel. May dalawang araw pa kami ni Jean para maghanda sa darting tech pair at mga meeting ko ng mga investor. At pagkatapos ng Tech fair may dalawang araw din kaming makapag ikot ikot ng Berlin. First time ko din dito sa Berlin, nakarating na ako sa Frankfurt, wala nga duda maganda nga Berlin. Medyo malamig ang weather dahil spring time na at kasunod naman nito ay pagbagsak ng yelo. Sana lang di manibago si Sam sa weather at si Vanessa. Nakakatuwa si Vanessa kahit pagod na sya wala man lang akong narinig sa kanya na nagrereklamo. Alam ko masayang masaya syang nakarating dito and im glad na nakasama namin sya. Natapos ko ng inayos ang magamit namin, naupo ako sa may kama at tinitigan ang anak kung masarap ang tulog."Your so lucky.."sabi ko at hinaplos ng mga buhok nya.
Nahiga ako katabi si Sam at pinilit kung ng matulog, hanggang sa,
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Love, gising na, handa ang banyo at bilisan mo ng maligo ihahanda ko ang almusal nyo ni Sam.."sabi nya at sabay halik sa labi.
Hinawakan ko sya at hinila sa kama kaya napahiga sya sa gilid ko. Tumagilid ako para harapin si Vanessa at pinagmamasdaman ang napakaamong mukha nya.
"Love im glad you came into our life. Wala na akong maiihiling pa sa dios kundi mapasalamat dahil pinunan mo ang malaking puwang sa buhay namin ni Sam..."sabi ko kay Vanessa habang hinaplos ang buhok nya.
"Ako din love, tandaan nyo mahal na mahal ko kayo ni Sam"..sagot ni Vanessa na hinamplos ang mukha ko.
Dahan dahan ko ibinaba ang mukha ko para halikan sya. Sa isip ko, ang ganda ganda ng asawa ko, hanggang sa naglapat ang mga labi namin ni Venessa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Pero laking gulat ko ng may humampas sa pisngi ko. At naglaho lahat pati si Vanessa bigla din naglaho na parang bula. Mabilis kung idinilat ang mga mata at hinanap si Vanessa,
"Vanessa...sabi ko pa at mabilis ng bumangon.
Pero nagulat ako ng may nagsalita "dah dah" kaya napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko ang anak ko na nakangiti sa akin, Heaven sake! doon ko lang napagtanto na nanaginip pala ako. Nahiga ako ulit at niyakap ang anak ko at tumitig sa ceiling. Sa isip isip ko, tama ba tong nangyayari sa akin napapanaginipan ko na sya at malala pa asawa ko na sya sa panaginip ko.
"Naku baby malala na si Dada mo.."sabi ko sa anak ko habang pinaglalaruan nya ilong ko.
Maya pa napabalikwas ng bangon ng biglang may nag doorbell, naexcite ako baka si Vanessa ang nasa kabilang pinto. Mabilis akong bumangon at dinampot si Sam at nagtungo sa pinto, bumuntong hininga pa ako pagkatapos ngumiti then masayang binukasn ang pinto.
"Good morning..."bati ko pa.
Pero i feel disappointed ng makita ko kung sino ang nasa kabilang pintuan. Si Jane lang pala akala ko si Vanessa na,
"Good morning sir..."bati ni Jane.
"What time is it? and where is Vanessa?.."tanong ko na lang.
"Sir 8:35 ng maaga, nasa kwarto pa si Vanessa naghahanda ng gatas ni Sam...diretsong sagot ni Jane.
"What 8:35 na.."sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.