C- 2
"Ellaine alam namin masakit ito para sayo pero uto lang naisip naming paraan. Masakit din ito sa amin dahil anak ka namin. Pero Ellaine ito lang ang paraan dahil kung tayo makabayad. Dalawa lang papuntahan natin. Mamatay o wala na tayong tirahan" hinawakan ni mama ang kamay ko.
Tiningnan ko si Papa nasa labas nasa malayo ang tingin. "Pero ma natatakot ako sa kanya baka mamatay tao siya" kasi yan talaga pagkakilala sa kanya dito sa amin.
"Hindi ka patayin nun Ellaine dahil pag si Sir Rusty magsalita may isang salita yan" napalingun ako kay Kuya sa sinabi niya.
"Kung ayaw mo talaga hindi ka namin mapilit pero mawawala ang bahay at lupa natin. Alalahanin mo din sitwasyon ni Papa" dagdag ni Kuya saka lumabas sa kusina.
Tiningnan ko si mama naghanap ng mga papeles sa drawer. Tama si Kuya pero malagay sa sakriprisyo ang gagawin ko nito. Buhay ko kapalit nito. Kung para sa pamilya ko papayag ako.siguro maghiwalay din kami at pagtrabahuan ko nalang ang kulang.
Kinaumagahan hindi ako pumasok sa school kinabahan talaga ako sa mangyayari mamaya.
After ng ilang minutes dumating na siya. Lumapit sa akin si mama hinawakan ang kamay ko. Pinasok na din siya ni Papa.
Nagbihis muna ako ng damit pagkatapos lumabas na. Nakita ko siya sa upuan yun parin nakadi kwatro ang isang paa niya.
"Anu na Gregor? Kukunin ko na ang mga papeles sa lupain at bahay niyo pero kulang pa ang bayad niyo. " ganun pala kalaki talaga utang namin sa kanila.
"Ah sir Rusty pumapayag na ho kami sa pangalawang suhestiyon niyo". Rinig ko kay Papa.
Pumasok si mama dito sa kwarto ko para palabasin ako. "Halika na nak , magiging ok din ang lahat " kung hindi dahil kay papa hindi ako papayag na mangyayari ito.
Ng dumating kami ni mama sa sala binigyan ko ng masamang tingin ang lalaki. Kung marunong lang siya maghintay makabayad kami eh. Pero ang laki talaga.
Tumingin siya sa akin. "At dahil pumayag kayo ang anak niyo ipambayad sa utang niyo sa akin. Dalhin ko na siya ngayun sa bahay ko" gulat ko na tiningnan sila mama sa sinabi ng lalaki.
"Ho pero sir hindi pwede! Ito yung bahay ko" reklamo ko sabay tingin sa kanilang tatlo.
"Well mamili ka sasama ka sa akin titira sa isang bahay o wala na kayong tirahan"? Kampante siya sa sinabi niya.
Hinawakan ni mama kamay ko at humarap si papa sa akin. "Sige na Ellaine pumayag kana " nanginginig sabi ni mama.
Anu pa ba magagawa ko "sige sAsama ako" sagut ko sa kanya.
"Good girl. Mag impake kana sa gamit mo at kayo Gregor sumunod kayo sa amin " utos niya sabay tayo. "Teka lang bakit isama mo pa sila mama di ba ako na ang binayad sayo"? Tanung ko sa kanya.
Hinarap niya ako ngumisi muna siya bago ako sinagot. "Bakit ayaw mo ba masaksihan nila ang kasal natin. ? Bilisan niyo naghintay na sila sa bahay " sabay alis at pasok niya sa kotse niya.
Teka lang ako? Ikakasal sa kanya? Seryoso ba siya sa pinagsabi niya? Agad ko kinuha sa loob ng bahay ang mga gamit ko at pumasok na sa kotse niya. Nakita ko sila mama papasok na din sa isang kotse.
Pagkapasok ko pinaandar na ng driver niya ang kotse. Habang nasa byahe nasa labas lang ako nakatingin. Batang bata ko pa. Ni boyfriend wAla ngayun Ikakasal na ako? Ito na yung pinakamasamang bangungut sa gising.
Nararamdaman ko nlang may lumabas na luha galing sa mata ko kaya agad ko ito pinahid sa kamay ko.
"Stop crying " napalingun ako sa kanya.
Subrang seryoso ng mukha niya. Yun bang isang pagkakamali mo iiyak ka o patayin niya.
"Kahit anung gawin mo. Kahit ilang beses ka pa umiyak, kahit dugo pa iiyak mo walang magbabago sa decision ko naintindihan mo" hindi ko siya sinagut sa sinabi niya.
"Kung gusto mo makatulong sa pamilya mo wag kang iiyak unless kung papatayin ko sila sa harap mo" dagdag niya. Kaya mas lalong kinabahan ako sa kanya mamatay tao nga siya.
After ng ilang minuto huminto ang kotse sinasakyan namin sa harap ng malaking bahay siguro ito na yung bahay niya. Bumukas ang malaking gate at pumasok ang kotse.
Pagkapasok sa kotse sa loob ng bahay bumaba ang driver sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Nilahad niya kamay niya. Naunang bumaba ang lalaki sumunod ako narin ako.
"Ma'am sumunod kayo sa akin" sabi ng driver, inikot ko mata ko sa paligid ang laki ng bahay niya.
Sumunod ako sa driver. "Ma'am dito " tinuro niya sa akin ang hardin na napakaganda. Subrang madaming bulaklak kaya lang natatakot parin ako sa kanya, nakita ko may nakalinya at nakauniporme na mga babae siguro sila ang tagapaglinis ng bahay niya.
Pagdating ko sa garden sa gitna nakita ko sila mama nakaupo na sa upuan at may lalaki kausap? Hindi naman yun yung mamatay tao sino kaya siya.? Agad ko nilapitan si mama at papa.
"Ma,Pa" nilingun naman nila ako.
"Musta kana nak"? Tanung ni mama sa akin
"Ok lang ako wag na kayong alala pa" sagut ko sa kanila.
"Shall we begin"? Lumapit sa amin ang lalaki. Pinatayo kaming dalawa sa gitna?
"Bakit ma para saan ito"? Takang tanung ko kay mama.
"Malalaman mo mamaya "sagut ng lalaki.
Bigla akong kinabahan dahil tumayo din siya sa gilid ko. At nakatayo sa gitna namin ang isang judge daw?
"Ikaw Rusty tatanggapin mo ba si Ellaine bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?" Tanung ng judge sa kanya.
"I do " anu?
"Ikaw Ellaine tanggapin mo ba si Rusty Fuentes bilang asawa mo sa hirap at ginhawa? " tiningnan ko sila mama naghintay ako sa sagut nila.
Tumango si mama at ngumiti..
"I do" sagut ko.
Natapos ang ceremonyas ganun kadali? Oo nga pala anung asahan ko. Hindi naman ako pwede makasal sa simbahan. 2nd year palang ako at ito ngayun kasal na sa taong mamatay tao.
Pagkatapos niyakap ako ni Mama,at Papa. Si kuya hindi daw siya pumunta kasi busy daw. Pupunta nalang daw siya pagtotoong kasal na.
May kunting handa. Pagkatapos sa kainan umalis na sila at ako ito tunganga parin.
"Ma'am sumunod ho kayo sa akin"
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?