C-25
Ellaine p.o.v
Gusto ko umiiyak, parang ang luha na pinipigilan ko kanina gusto na lumabas. Pero ayaw ko umiyak sa harap ng mga tao. Kasama ko parin si Greg. Sa elevator hanggang sa nagbukas ito ng pinto. Patuloy lang ako sa paglakad ng nahagip ng mata ko kanina ang babae nasa office ni Rusty.
Bigla nag init ulo ko sa ginawa niya kanina. Nakaharap siya sa receptionist kaya nilapitan ko siya. Tumayo ako sa gilid niya ng after a minute napansin niya pagtayo ko. "There you are, what do you want? Gusto mo ba sabihin ko sayo na maghiwalay na kami ni Rusty no. Rusty is mine got it" sabay taas kilay niya.
" masakit ba dear? Well ako dapat sanayin ko na-" bigla ko siya sinampal kaya nagkatinginan ang mga empleyado.
"Miss Tara na baka-" tinaas ko isang kamay ko para tumigil magsalita si Greg at ang mata ko nasa babaeng malandi.
"How dare you para sampalin moko? Wala kang karapatan gawin yan sa akin"? Habang hawak hawak niya ang pisngi niya sinampal ko.
"Sino ka ba talaga na babae ka? Di ba girlfriend ka lang ni Rusty? "? Nakataas isang kilay niya.
Hindi ako nagsalita kahit isa ng akmang sampalin niya sana ako may humawak sa braso niya. Ng matingnan ko sino? Ang matanda kung husband.
"Subukan mo Racy saktan si Ellaine sa akin mananagot" habang galit ang mata niya nakatitig sa babae.
"Sino ba siya Rusty para ipagtanggol mo siya ng ganyan? Ako ang girlfriend mo hindi siya"? Nilapitan ko siya ng maayus.
"Gusto mo malaman sino ako? " tiningnan ko muna sa mata si sir Rusty saka ko sinagut ang babae.
"Gusto mo talaga malaman sino ako?" Ngumisi muna ako bago ko siya sinagot sa tanung niya. Tinigil na niya paghawak sa pisngi niya sinampal ko.
"I'm his wife?" Gulat niya sa sagut ko kasi lumaki mata niya.
"Wow grabe ang pangarap mo girl" sabi niya bigla siya namula.
"Hindi, ako ang magiging asawa ni Rusty tandan mo yan" sabi niya.
Iniwan ko na sila at patuloy lang ako sa paglakad na hindi ko alam saan ako pupunta. Ng bigla may humablot sa kamay ko. Pagtingin ko siya naman.
Tumigil ako sa kasunod sa kanya. "Bitiwan mo kamay ko" kasabay nun ang paglavas ng mga luha na hindi ko mapigilan.
"Hindi pwede babe" sabi niya at hila hila naman ko ng makarating kami sa kotse niya pinapasok niya ako.
"Ayoko " sabay alis ko. Ayaw ko siya makita o makausap ngayun lang.
Ng hinila naman niya kamay ko at diretso pinapasok sa loob ng kotse niya. Ng makapasok na siya pinaandar niya ang makina nito at pinaharorot. Palingun lingun lang siya sa ng mapansin niya siguro na may mga luha lumabas sa mata ko.bigla niya hininto ang kotse sa tabi ng daan at pinahid sa kamay niya ang luha ko.
At dahil wala itong tigil sa kalalabas "i'm sorry" sabi niya hindi ko siya pinakinggan.
Sa labas ako tumingin ayoko makita ang pagmumukha niya ngayun. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ko siya sinagot? Ang sakit lang kasi eh.
Pagkatapos sa ilang minuto dumating na kami sa bahay niya na walang imikan. Tinanggal ko ang seatbealt sa akin. "Wait ako na magbukas ng pinto" sabi niya. Imbis hintayin ko siya binuksan ko ito at lumabas ako dali dali. Pumasok sa loob diretso sa taas sa kwarto ko. Alam ko nakatingin siya sa akin.. at nilick ko ang pinto.
Humiga ako sa kama diretso gusto ko umiyak ng umiyak. Pinabayaan ko lang ang mga luha ko nagkarera sa paglAbas. Masakit eh.. ganito ba talaga magmahal dapat kang masasaktan? At sino si Sabel at Racy sa buhay niya? Ako pang ilan ako?
May kumatok sa pinto at dahil malayo ang kama ko sa pinto kaylangan ko buksan ang cam kung sino kumatok. Ng makita ko isang maid. "Bakit anung kailangan mo"? Tanung ko sa kanya.
"Kain kana daw ms, may pinahatid si sir sayo na pagkain" sabi niya nakita ko naman nagdala siya ng tray.
"Itapon mo yan ipakain mo yan sa mga aso diyan tabi, sabihin mo busog ako" saka bumalik ako sa kama.
Nagring yung phone ko pagtingin ko sa screen si Karry agad ko siya sinagut.
"Beshy helllooo musta kana"!
"O-okay lang ikaw musta na"? Balik tanung ko.
"Okay lang naman ako beshy kaya lang"- pinutol niya sasabihin niya.
"Anu"?
"Kyaaaaaaaaaa beshy si Harold kasi panay hingi sa akin ng no mo" sagut niya.
"Sinong Harold "? Tanung ko.
"Yung nameet natin sa manila alala mo pa"? Tumango ako. Kala mo makita niya.
"Sige bigyan mo" sagut ko sa kanya.
"Wait umiiyak ka ba?" Hala patay.
"Wala Kar anulang ito sipon. " sabi ko.
Binaba ko na ang phone ko pagkatapos sa usapan namin ni Karry.
Gusto ko matulog na hindi na magising.
Rusty p.o.v
Shit nakita ni Ellaine si Racy nasa kandungan ko. Hindi ko alam anung fawin ko. Putcha naman kasi yung babae eh. Bigla nalang pumasok at hinalikan ako. Kaya naabutan kami ni Ellaine ng ganun. Nakikita ko sa mata niya nasasaktan siya kaya agad ko siya sinundan sa elevator. Pagkababa ko thanks God nakita ko siya kasunod si Greg ngunit kay Racy siya pumunta.
Agad ako sumunod sa kanila. Habang si Racy nagsasalita si Ellaine walang salita kahit ni isa. Pero nung sinabi niya asawa ko siya. Napangiti ako hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto ko umiyak sa tuwa inamin niya na asawa ko siya. Subrang saya nararamdaman ko at the same time nasasaktan ako para sa kanya. Agad ko hinila kamay niya papunta sa kotse ko kung saan nakapark. Ngunit ayaw niya pumasok kya sinundan ko siya ulit pilit pinasok sa kotse ko. Nasasaktan ako kung nakikita ko siya umiiyak ayaw ko siya makita umiyak dko kaya. Pagkarating namin sa bahay iniwan niya ako dito. Pagbuksan ko sana siya ng pinto. Kaya lang binuksan na niya.
Bumaba na ang inutusan ko. "Sir ayaw niya kumain ipakain nalang daw sa aso" sabi ng katulong ko.
"Sige kayo na bahala anu gawin niyo diyan at pwede kana matulog. " utos ko.
Malalim na ang gabi pero hanggang ngayun hindi parin siya bumaba wala pa siyang kain nag alala na ako sa kanya. Kinuha ko ang susi sa kwarto ko at binuksan ko ang kwarto niya. Madilim nakadim light. Madami nagkalat sa sahig. Nakita ko sa sahig ang picture naming dalawa nabasag ang salamin nito. Tinapun niya.
Nakikita ko siya mahimbing natutulog at ang mata niya namumugto. Tumabi ako sa paghiga sa tabi niya." I'm sorry babe kung nasaktan kita. Pero maniwala ka ikaw lang mahal ko" hinawakan ko ang kamay niya at ntinitigan siya, pinasadahan ko ng kamay ko ang makinis niyang mukha...
"I love you Ellaine, kahit buhay ko ipapalit ko para sayo" ganun kita kamahal. "Sorry kanina sa nangyari wala kaming relasyon ni Racy matagal na" ikaw na ang mahal ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?