C-48
Ellaine p.o.v
Hanggang ngayun hindi pa tumatawag si Rusty nag alala na ako sa kanya. Ilang araw na isang linggo na pero hindi parin siya tumawag. Tawagan ko ang phone niya hindi naman makuntak. Agad ako tumayo sa kinaupuan ko at pumunta sa kwarto ko para magbihis. Medyo kinabahan ako kunti pero hindi naman siguro sana mali iniisip ko. Mali lang talaga.
"Nak saan punta mo"? Si papa pala paglingun ko. "Pa puntahan ko lang si Rusty baka kasi anu na nangyayari sa kanya. Mag isang linggo na hindi ko siya makuntak. Sagut ko kay papa. "Sige mag ingat ka balitaan mo kami sa lakad mo" himalik na ako diretso kay papa at umalis. Pinuntahan ko nauna sa lungsod ang bahay niya. Dahil hindi naman ganun kalayo madali lang ako nakarating doon nagdoorbell kaagad ako. Maya maya may dumating na si yaya. Pinagbuksan niya ako ng gate. "Oh hija bakit naparito?may problema ba?" Nagmano muna ako kay yaya.
Pumasok na ako sa loob at sumunod si yaya. "Yaya pumunta ba dito si Rusty"? Tanung ko sa kanya. Umupo muna siya sa Terrace sa upuan. "Hindi naman hija matagal na magtatlong linggo na, bakit may nangyayari ba"? Tanung ni yaya. Umupo muna ako. "Hindi ko makuntak si Rusty eh mag isang linggo na" sagut ko.
Iniwan ko na si yaya doon at umakyat ako sa taas. Dumiretso ako sa kwarto niya, pero wala parin siya. Saan ko kaya siya hanapin. Bahala na. Hinanap ko si Caloy at andoon siya sa likod busy sa pagdilig ng mga bulaklak. "Caloy," tawag ko sa kanya at lumingun naman.
Ng naisip ko hindi ko pala siya pwede disturbuhin sa trabaho niya kaya hindi ko nalang tinuloy. "Wag nalang" at umalis na ako. No choice ako sa manila punta ko nito. Nagpahatid nalang ako sa bus ng terminal. Ng makasakay ako sa bus. Mas lalo kinabahan ako hindi ko alam. After an hour dumating din ako. Bumaba ako at pumara ng taxi. Nagpahatid sa subd ni Rusty. Huminto kami sa guard house at pinakita ang access sa subd at nakapasok na kami. Hindi naman malayo sa gate kaya madali kami nakarating. Pinahinto ko ang taxi sa color black na gate. "Heto manong salamat " saka bumaba na ako. Nagdoorbell ako ng ilang minuto bago bumukas ang gate. Kaya pagkabukas pumasok na ako. Pagpasok ko sa loob. "Ms Ellaine" tawag sa akin ni Anita. Andito na pala siya.
"Ah Anita andito ba boss mo"? Tanung ko sa kanya na kinagulat niya.
"Wala ho ms. Bakit? May problema ba?" Tanung niya kaya tumango ako. "Mag isang linggo na eh hindi ko siya makuntak" sabi ko kay Anita.
"Subukan mo sa office niya miss" sabi ni Anita kaya pinuntahan ko ang office niya. Bahala na kung makita ako ng ibang kasamahan ko dati. Pagkababa ko sa entrance pumasok na ako sa loob ng building. At dumiretso sa elevator. Ng bumukas na hindi ko na alam anung gagawin ko mas lalo tuloy lumakas ang kaba ko siguro sa kakaisip ko ito sa kanya dapat hindi ako mataranta. Ng tumunog ito at tumapat sa dept na pinagtrabahuan ko dati. Pinikit ko muna mata ko para makahinga at lumabas na ng elevator. Pinagtinginan nila ako. "Psssst" tawag pansin sa akin nila Vicky. Lumingun ako suminyas na sa pagbalik ko nalang pagkarating ko sa office gulat ang secreatary niya. "Si Sir mo andiyan ba"? Bubuksan ko na sana ang doorknob. "Ah ms wala siya dito sa office" sagut nf sec niya.
"May alam ka ba kung saan siya pumunta?" Tanung ko sa sec niya.
"Wala ho Ms. Pero sa pagkakaalam ko may puntahan daw sila at pagkatapos nun hindi na sila bumalik hanggang ngayun". Napaupo ako napahawak sa ulo ko. Hindi kaya nakipagtransac naman yun?
"Pero Ms. Try mo sa condo unit niya baka andon siya,? Or sa pad niya?" Dagdag ng secreatary niya nakakunot noo ako nakatingin sa kanya.
"Bakit may alam ka tungkol diyan?" Tanung ko sa kanya saka yumuko siya sa akin. "I'm sorry miss si sir din kasi nagsabi niyan sa akin kung meron hindi mapirmahan niya" sagut ng secreatary niya.
"Lakad ka lang diyan sa baba at sa unahan makikita mo ang building" utro niya. Tumayo ako at naglakad palabas. "Thanks" pasalamat ko sa kanya. Pagbalik ko hinila ako nila Karen at Vicky.
"Hoy bruha bakit ngayun ka lang ha? Tsaka bakit hindi ka na nagduty"? Tanung nila sa akin napakameywang. Tumayo ako at umalis na sa harapan. Saka nilingun ko sila. "Pinagbawalan na kasi ako" sagut ko sa kanila. Dali dali akong pumasok sa elevator at dahil wirking time hindi busy ang elevator after a minute nasa baba na ako. Naglakad palabas sa building at pupuntahan ko ang unit ni Rusty. Humanda ka talaga sa akin. Ng makarating ako sa condo niya. Dumiretso ako sa reception.
"Ah miss pwede magtanung anung unit si Mr.Rusty Fuentes? Nakalimutan ko kasi eh" ningitian ko sila.
"Ah ma'am kaano ano mo siya"? Tanung sa akin. "Hmmmn friend niya ako gusto ko lang siya isurprise" sagut ko sa babae kaharap ko.
Mabuti binigay sa akin ang susi sa kwarto niya nasa 8 pala siya. Pumasok na ako sa elevator. Maya maya may pumasok din na lalaki nag smile sa akin. Ningitian ko din siya. Habang paakyat ang elevator panay din lingun niya sa akin at dahil dalawa lang kami sa loob. "Ok ka lang miss? First time mo ba sumakay dito"? Tanung niya sa akin.
"Kinabahan ka kasi" sabi niya. Ganun ba kahalata hitsura ko ngayun? Umiling ako. "Nope" sagut ko sa kanya. Ng tumunog na para lumabas ako. "Wow pareho pala tayo ng pinuntahan " hindi ako nagsalita.
"Sige, thanks bye" paalam ko sa kanya. Hinanap ko kaagad ang kwarto ni Rusty no at nakita ko na. Magdoorbell sana ako ng napansin ko nakabukas ito ng kaunti kaya pumasok ako sa loob dahan dahan. Ang tahimik at ang laki parang malaki pa sa bahay namin. Kompleto ng gamit pa. Hinanap ko ang kwarto, napunta ako sa kusina walang tao. Kaya umikot naman ako. Napunta ako sa may living room banda at meron akong narinig. Hindi naman sa kapitbahay. Tawagin ko sana si Rusty pero wag nalang. Dahan dahan ako pumunta kung saan may maingay. Bigla bumilis ang kaba ko. Ng nakarating ako sa kwarto nakaangat ang pinto. Pinikit ko muna mata ko at dahan dahan ko binukas ang pinto nito at nanlaki ang mata ko sa nakita. Yan ba ang dahilan kung bakit niya ako hindi tinawagan. ?
Nararamdaman ko nalang may tubig lumabas sa mata ko.
Si Rusty nakapatong sa isang babae puro sila walang damit. I hate you Rusty ayoko na. Ayoko na. Umatras ako ng may nahulog isang vase kaya napatingin sila sa akin. "Babe? Let me explain please" please babe" hinawakan niya kamay ko tinanggal ko ito kaagad. "Wag mokong hawakan" reklamo ko sa kanya ng mapatingin ako sa kama. Si Racy na walang damit.?
Nilapitan ko siya kahit may luha na madami lumabas. "Subra mo ring kati mo no? Alam mo may asawa ang tao? Kinalandari mo pa? Sinampal ko siya.
"Wala ka ng magagawa Ellaine dahil akin na ulit si Rusty" sinampal ko siya ng kaliwa kanan.
"Sino ka ba para sampalin ako"? Tanung niya sa akin. Habang hawak hawak pisngi niya.
Napangisi ako. "Sino ako para sampalin ka?ako lang naman ang nag iisang asawa ni Rusty.
Sagut ko.
"Tandaan mo Racy hindi mo makukuha sa akin si Rusty, at hintayin mo ang kabaong mo " saka iniwan ko siya hawak hawak ang mukha niya sa sampal ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?