27

4.9K 117 0
                                    


C-27

Ellaine p.o.v

Nagising ako, pakiramdam ko kasi parang may nakatitig sa akin eh. Dahan dahan ko minulat mata ko. Mukha niya ang nakita ko nakangiti sa akin. "Where here na babe"  sabi niya. Inikot ko ang mata ko paligid nakalapag na pala ang airplane. Umayus ako , inayus ko ang damit ko.

"Wag mo na alalahanin sarili mo maganda ka parin" sabi niya. Nilahad niya kamay niya kaya lang tumayo ako agad palabas ng airplane. Andito kami sa isang airport pala lumapag. Nasa pintuan ako ng hinawakwan niya kamay ko. Dahan dahan kami bymaba galing sa airplane at nakita ko ang kotse niya nakaparada sa unahan.

Agad ko binuksan ang pinto hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako baka masanay ako. Baka dito niya ako patayin.

Nakalimutan ko mamatay tao pala itong kasama ko tsaka bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Di ba dahil lang naman ito sa kanya? Pagkatapos ng ilang minuto dumating na kami sa isang bahay. Hindi lang bahay kundi malaki siyang lupain at basi sa nakikita ko isa itong hacienda tama hacienda ito. May hacienda pala sila.

"Welcome To Fuentes Residence " ang daming mga puno nadadaanan namin, mangga , palmtree , iba't ibang puno tsaka ang ganda ng hangin malamig. Sa unahan nakikita ko ang ang daming baka, pagkadating namin sa unahan hinintay namin buksan ang gate na malaki. Ang paligid sa gate abg daming bulaklak ibat ibang mga bulaklak.. ang ganda tingnan. May naalala tuloy ako sa isang drama dati.

Yung lalaki din anak ng nagmay ari ng isang malaking bahay mamatay tao din at ang mga patay na katawan nito nasa ilalim ng mga bulaklak. Nagsitayo tuloy balahibo ko. Ganyannin din ba ako pagpatay ni Rusty? 

Yun nga lang lalaki puro babae kinukuha niya. Ginahasa at pinapatay may syndrome siya na minsan magkaganun hala... kung hindi ako papalarin dito sorry mama sorry papa, si Lord na bahala sa inyo.

Bumukas ang malaking gate at pumasok na kaming tuluyan sa malaking bahay.

"Señorita mabuti nakabalik kayo dito, musta na kayo"? Salubong sa amin ng isang matandang babae. "Señorita Magandang umaga " bati niya sa akin. Kinuha nila gamit namin sa loob ng kotse at pumasok na kami sa bahay.

Pagbukas sa pinto ang ganda at ang maaliwalas. Mataas ang kisame nila, masarap sa hangin. May kabayo ba sila dito? Napatanung tuloy ako.

Nagising ako sa pagmuni muni ko ng may yumakap muna sa likod ko. "Sana nagustuhan mo ang lugar na ito, mamaya darating na si Grandma namalengke. Sa kanya itong hacienda babe. At sana nagustuhan mo gift ko sayo" takang kunot noo ako nakatingin sa kanya gift? 

Anung meron pala? May kinuha siyang flowers na bouquet sa likod ng bulaklak? "Happy 3rd Anniversary babe, alam ko hindi yun formal para sayo kasi sapilitan lang yun. Pero kung ready ka na anytime magpakasal tayo " sabi niya.

Minsan napaisip tuloy ako, tama ba talaga ginawa ko? Magmahal sa nakakatanda pa sa akin. Subrang sampung taon agwat namin? Minsan naisip ko parin kung seryoso ba talaga siya sa akin? Or ganyan lang siya magmahal subrang mapagmahal? Kung tutuusin papa ko na siya or kuya eh. Tas ako bunso. Minsan naawkward ako sa aming dalawa.

Sinundan ko lang siya paakyat sa taas. Huminto siya sa isang pinto. At binuksan niya "ito yung magiging kwarto mo habang  dito tayo " sabi niya.

"Kung gusto mo magpahinga tawagin lang kita mamaya kung handa na ang pagkain. Nasa kabilang kwarto lang ako" sabi niya. Ng umalis na siya hinawakan ko bigla kamay niya.

"Happy 3rd Anniversary din. At salamat sa lahat" sabay halik ko sa kanyang pisngi.

Ginulo niya buhok ko. "Sige na magpahinga kana my princess " sabi niya saka iniwan ako.

Pumasok ako sa kwarto na binigay niya. Umupo ako sa kama. Tumayo ulit ako pumunta sa bintana.. at ang nakikita ko sa baba ang magandang tanawin. Yung mga kambing naghabulan sa mga kapatid nila. Ang mga baka kumakain., habang ang mga mataas na damuhan sumasabay sa hangin parang nafefeel ko ang isang bagay na parang lumalayo sa akin. Dahan dahan hindi ko alam kung bakit. Lumabas ako sa kwarto bumaba ako ng makarating ako sa baba hinanap ko kaagad si Rusty. Napahinto ako ng nakita ko siya may kausap na babae. Sa tingin ko matagal na sila magkakilala at parang close sila sa isa't isa. At sa tingin ko sa babae may gusto siya kay Rusty. Alam ko yun dahil babae din ako.

"Don't worry sweety hindi ka iiwan ni Rusty" Napalingun ako sa boses mula sa likod ko. Isang matandang babae nasa 70 na pero lumutang parin pagkaganda niya. "Ho"? Nilingun ko siya.

"Si Erma at Rusty magkaibigan lang sila, kaya ganyan sila nag usap dahil matagal na sila hindi nag uusap. Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Ng dumating ka sa buhay ng apo ko nagpasalamat ako sayo dahil binago mo siya binalik mo siya sa dati. Simula kasi ng namatay ang kapatid at magulang niya dahil sa isang accidenty hindi na yan siya lumalabas ng bahay. Nagmumuk sa kwarto niya. Umabut ng isang buwan subra ginawa niya hanggang nagdesisyon siya pumunta sa iba bansa. Mahal na mahal ka niya apo" sabi ng matanda.

"Grandma nalang itawag mo sa akin apo ok" saka ngumiti at iniwan ako. Luh gusto ba ako ng lola niya. ?

Pagkatapos namin kumain nagdecide si Rusty mamasyal kami. Pumayag na din ako. Nabobored na ako. Tumungo kami sa isang kwadra ng kabayo. Kumuha siya ng isa color brown. Pinalabas niya ito nirendahan.

Lagyan pa sana niya ng (sakang) hindi ako pumayag. "Sure ka babe"? Tanung niya sa akin.

Tumango lang ako. Umurong siya unahan at sa harap niya ako pinaupo. Meaning nasa likod ko siya. Napangiti ako ng lihim mabuti hindi ako nakaharap sa kanya ang lakas ng tibok ng puso niya. Kinabahan bakit kaya. ? Pinalakad niya ang kabayo dahan dahan lang. "Saan gusto mo pumunta"? Tanung niya. Hindi parin yin ang hinintay ko iba.

Hindi ko siya kinibo. Ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit mula sa likod ko. "Sorry babe alam ko nasasaktan kita sa nakita mo? Pero isa lang masabi ko wala kaming relasyon ni Racy babe promise hope to die." Sabi niya.

"Hindi ko naman alam na dumating siya sa office na mag ganun siya. Hindi ko siya gusto ikaw gusto ko babe"  shit wag mo ilagay sa balikat ko ang ulo mo.

"Sorry, lalaki din naman ako" oo nga pala pag ang lalaki ang ulam lumapit sa kanila. Wala na silang magawa kung hindi kainin.

"Aminin ko sayo may relasyon kami ni Racy pero hindi seryoso fling lang, pero babe mag ingat ka lang sa kanya ha. Subrang inggitera kasi yun. Dahil sa inggit magawa niya sirain ang pagmumukha mo kaya mag ingat ka" bigla tumayo balahibo ko doon ah. "Desperada yun. Hindi lang naman ako nabiktima nun madami pa" dagdag niya.

May pumasok sa isip ko na kalokohan haha. "What if Rusty kung mag ganun din ako kay Racy sa ginawa niya sayo anung gagawin mo sakin"? Tanung ko sa kanya syempre hindi ko yun gawin no.

"Hmmmn" nag isip pa ang mokong. "Okay lang basta ikaw gagawin sa akin nun" shimay sabay kindat niya sa akin. Agad ko siya binatukan.

"Bakit mo naman ako binatukan "? Reklamo niya.

"Loko ka kasi eh" sagut ko sa kanya.

"So ibig sabihin hindi ka galit sa akin na? Bati na tayo"? Tanung niya sa akin.

Tumango ako sa sagut ko.

"YES!! Narinig mo yun butss bati na kami ni Asawa ko yesssssss. " natawa ako sa ginawa niya kinausap pa naman ang kabayo.

Pinahinto niya ang kabayo. At pinaharap ako sa kanya. "Seryoso babe pinatawad mo na ako"? Tanung niya ulit sa akin. Para siyang bata nanalo sa laro nila. Tumango ako.

Dahan dahan niya nilapit mukha niya sa akin. Huminto naman ang kabayo pero kunting galaw nito mahuhulog talaga ako nito.  Lumapit na yung mukha niya sa akin ang lakas ng kaba ko as in subrang lakas. Nag abut ang tuki sa ilong naming dalawa ngayun naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Wag moko patayin Rusty kainis. Hindi ako gumalaw ng bumaba tingin niya sa labi ko ilang sigundo lang gulat ko ng naglapat ang labi namin. Hinalikan naman niya ako. Hindi ako nagresponse sa umpisa ng kusang gumalaw ang katawan ko pagresponse sa halik niya. Halos kainin niya ang labi ko sa baba .. pinikit ko mata ko. Bigla ako tumigil. Kaya tumigil din siya.

MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon