C-40
Ellaine p.o.v
Nagising ako dahil medyo masakit ulo ko. Ughh resulta na ito sa ginawa ko kagabi. Halos ang mga mata ko hindi bumuka sarap pa matulog dito sa higaan ko.
Dahan dahan ko binuka mata ko para pumunta sa banyo. Napabangun ako ng deritso ng pagtingin ko sa paligid. Teka lang hindi ito kwarto ko? Saan ako? Kanino itong bahay? At sino nagdala sa akin dito? Inikot ko ang paligid hindi eh. Hindi talaga. Tiningnan ko damit ko ng mapansin ko. Laking gulat ko.
Hindi ito damit ko? Teka bakit ako nakasuot ng tshirt na malaki. Tiningnan ko sa loob ko baka meron. Ng makita ko nanlaki mata mo? Anu tshirt lang? At andy teka? Tumayo ako hinanap ko ang damit ko sa sahig pero wala? Hala saan na ba ako nito napunta. Huuuu ang sakit pa ng ulo ko.
Kwarto ng lalaki ako nakatulog pero kanino?
Bumukas ang pinto sa banyo kaya napalingun ako ng makita ko sino lumabas doon. "Ikaw"? Gulat ko sa kanya. Nakatowel lang.
"Teka bakit ako nandito? Tsaka yung mga damit ko saan na"? Tanung ko sa kanya.
Napakaseryoso niya. "Pinatuyo ko pa, maya maya andito na yun" sagut niya.
"Teka lang sino nagbihis sa akin? Ikaw"? Lumingun siya sa akin sabay ngisi. "Oo naman sino pa ba? Don't worry wala akong nakita tinakpan ko naman " saka umalis na.
Maya maya kumatok at pinagbuksan niya ng pinto. May kinuha siya. At sabay sara sa pinto. "Ito yung hinanap mo? Magbihis kana ayusin mo sarili mo may pag uusapan tayo" nakatitig lang ako sa kanyang mga sinasabi. Iba na ang rusty ko nakilala. Bakit siya nagbago? Dahil ba doon kaya nagbago siya? Pero friend lang kami ni Harold dati pa.
Pumasok ako sa banyo para magbihis. Pagkatapos ko magbihis tiningnan ko ang mata ko namamaga.. gusto ko pa sanang matulog kaya lang. Nakakahiya sa kanya parang iba na turing niya sa akin. Awkward sitwasyon ko.
Paglabas ko ng banyo nakabihis na din siya. "Bakit anung pag usapan nati"? Tanung ko sa kanya na may kinuha siyang envelope sa drawer.
"Gusto ko pirmahan mo ito" utos niya sabay bigay sa brown envelope. Binuksan ko ito ang laman isang papel at naglalaman ng annulment?
"Makikipaghiwalay ka sa akin para saan? Kay Sheena? Yan ba dahilan mo kung bakit umuwi ka"? Tanung ko sa kanya.
"Yes, kaya pirmahan mo na yan" sabi niya. Pinunit ko ang papel. "Bakit siya na ba ang mahal mo ngayun?" Tumayo ako at pinaulan sa kanya ang papel pinunit ko. "Hindi Rusty, magdusa kayo. Hindi ako papayag at kung kakasuhan mo ako sa pagpunit ko sa papel go. Harapin kita.. oo nga pala kung yan gusto mo hindi mo na ako mahal, nilapit ko mukha ko sa kanya. KALIMUTAN MONG MAY NAKILALA KANG ELLAINE FUENTES ANG PANGALAN SIMULA NGAYUN" saka iniwan ko siya nakatulala.
Dali dali akong bumaba galing sa taas. Pakiramdam ko ang layu ng pinto. Patuloy lang ako sa pagbaba ng makalabas ako sa gate nila. Umupo muna ako sa gilid ng daan. Ang sakit lang eh. Pagkatapos niya akong saktan? Ganito gawin niya sa akin. Ang sakit subra. Please lord ayoko ng ganitong sakit. Kung bigyan moko ng sakit pwede ba yung mamatay nalang deritso. Pumara ako ng taxi. Umuwi ako sa boarding house namin.
Wala ng studyante dahil nasa university na lahat. Naligo ako, inayus ko buhok ko. Nilagyan ko ng conceiler ang namamaga kung mata. Pagkatapos pumunta ako sa school para sa practice.. pinikit ko mata ko.simula ngayun kalimutan na kita.. kahit ang pangalan niya at apilyedo.
Pagkarating ko sa loob ng university. Nakita ko si Karry dali dali pumunta sa akin. " Oh My God sayo Ellaine saan ka nagpunta kagabi hanap kami ng hanap sayo pero hindi ka namin makita. Ok ka lang"? Tumango ako at nagsmile sa kanila.
"Oo naman okay lang ako tara practice na tayo" aya ko sa kanila.
"Sheena kaylan kayo magpakasal ng boyfriend mo?ang gwapo niya ha" hinawakan ni Karry kamay ko. Sign kung okay lang ako.
"Wala pa nagplano pa lang" sagut ni Sheena. "What if bess sabihin natin sa kanya i'm sure hindi pa niya alam" bulong ni Karry sa akin.
"Wag na bess tsaka kung magpakasal sila magpakasal sila besides hindi ko naman kilala boyfriend niya" nakatingin silang lahat sa akin.
"Seryoso ka Jane hindi mo kilala? Di ba pinakilala ni Sheena yun kagabi sa atin ang gwapo nga niya" sagut ng isang classmate ko. Kunot noo nakatingin si Sheena sa akin.
"Talaga lang ha, sa pagkaalam ko kagabi wala naman sinabi si Sheena na boyfriend niya yun. " saka umalis ako. May pagkabitter ginawa ko pero bahala na. Ayoko marinig ang ganun pag uusap. Letshe nakasira ng araw ko sira pa nga.
Karry p.o.v
Nawala si Ellaine kagabi, kaya hinanap ko siya kasama si Dave. Nasasaktan kasi siya ng nalaman niya may ibang mahal si Rusty. Kawawa na siya masyado. Nasasaktan na nga ang tao.. doble ang sakit naranasan niya. Lahat hinarap niya yun mag isa. Yung malapit na siya nagahasa ni Harold ang gago na yun. Tagal din niya nakarecover ha.
Kahit anung gawin namin sa kanya. At ng bumalik asawa niya akala namin magiging okay na ang lahat hindi pala. Nadagdag naman ang sakit nasa puso niya. Gustuhin ko ako nalang ang iiyak. Kaso hindi eh. Pagkami lang dalawa tutulo naman mga luha niya bigla pinabayaan niya. Ang nangyari ngayun alam ko may kinalaman dito si Rusty. Hindi ko alam asan ang office niya kaya si Jomar itext ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?