C-33
Ellaine p.o.v
Simula umalis ako sa bahay niya wala na akong contact sa kanya. Gusto ko malaman anung nangyayari sa kanya. Kahit sabihin ko na ok lang ako nakalimutan ko na siya hindi ganun kadali mas lalo ko lang siya namimiss ng subra. Nagpasalamat din ako na hindi ako nabuntis. Kung nangyari man kawawa ang bata.
Mahal ko si Rusty pero kaylangan kalimutan ko na siya. New year na nga bukas at mag isang buwan na subra pero hindi man lang siya tumawag. Kahit sabihin ko hindi ako naghintay sa tawag niya pero puso at isip ko naghihintay ang sakit lang kasi.
"Nak"? Si mama pala lumapit sa akin. Pinahid ko dali ang luha ko.
"Musta kana? Gusto mo pacheck up tayo? Nag alala na ako sayo nak medyo pumayat kana, hindi ka naman buntis" napatawa ako kay mama.
"Gusto mo ba talaga ng bata ma"? Tanung ko sa kanya.
Kinuha niya ang suklay sa sahig at nagsimula nagsuklay sa buhok ko. "Aba syempre naman nak. Basta masaya ka masaya narin kami ni Papa mo" sagut niya.
"Namimiss mo na siya"? Bigla naman lumabas luha ko kainis.
"Sa tingin ko nga nak. Minsan kasi hindi pwede tayo aasa sa isang salita dahil diyan tayo nasasaktan" sagut ni mama.
Tiningnan ko siya. " magtiwala ka lang kay Rusty nak kahit nasasaktan ka. Sabihin man natin hindi totoo ang sinabi niya sayo pero ang mata at puso hindi marunong magdeny nak, sa kilos ni Rusty at tingin sayo alam ko mahal ka niya nun. Kahit malakas siya magpakita ng pagmamahal sayo. Iba parin ang verbal kaysa nararamdaman nak" luh anu ito naghugot si mama.
"Anu yan ma hugot" napatawa ako sa sinabi ni mama.
"Sinabi ko lang ang totoo para hindi ka masyado nasasaktan." Pinagpatuloy niya pagsuklay sa buhok ko.
"Tsaka wag mong sabihin na nakalimutan mo siya dahil mas lalo ka lang nasasaktan niyan tsaka wag ka na mag isip ng kahit anu magpakasaya ka" saka niyakap ako ni mama.
Sana ganun lang ma, "balang araw maiintindihan mo rin yan nak" saka tumayo siya at pumunta sa kusina.
Anu pa nga ba magagawa ko tapos na. Tsaka kahit wala siya kaya ko to ahh ng naalala ko naman waaa. Maawa kayo sa akin memories. Please. Sinundan ko si mama sa kusina. "Paano mo alam ganyan mga gesture ma? Tanung ko.
"Nung una ka palang niya nakita nakatitig siya sayo. " sabi ni mama.
"Kung ganun gusto niyo si Rusty para sa akin? Eh mamatay tao yun?" Sagut ko sa kanya.
"Bakit pag ganun hitsura mamatay tao? Ang gwapo ng asawa mo tas ganyanin mo lang" luh mama ko ba kausap ko ngayun.
"Ah ma ayaw ko na magpahospital" reklamo.
"Hindi pwede babae ka payat kana. Bihis kana doon".
Karry p.o.v
Pagkatapos sa new year sinugud namin sa hospital si Ellaine buntis kasi eh.. haha joke lang nahimatay kasi siya sabi ng doctor need lang niya ng pahinga. At dahil may pumasok sa isip ko. Nipicture ko ang dextrose niya. At pinasa ko sa fb fanpage niya.
Alam ko mababa niya yun noh nakalike kaya doon sa page duh. Hindi ako nagrereply sa comment niya.
"Caption: Get well soon Beshy " yun upload ko na.. hahahaha tama lang yan sayo.
Rusty P.o.v
Gulat ko ng nalaman ko may fan page na pala siya. Scroll ako ng scroll account niya ng bigla may picture niupload. Kinabahan ako sa nakita ko. Dextrose caption. "Get well soon beshy" anung nangyayari sa kanya. Shit kung anung mangyayari sa kanya kasalanan ko talaga yun.
Nabuntis ko kaya siya? Shit**** nag init ulo ko. Hindi ko din mamessage si Karry. Si Jomar din hindi ko mamessage... damn ugh!! Sinuntok ko ang pader.
Maya maya may lumabas naman na status. "Beshy wag mo kaming iwan please" anu ba talaga nangyayari sa kanya namimiss ko na siya ng subra. Alam ko nasasaktan ko siya ng husto wala akong karapatan para magpakita sa kanya.
Bigla bumukas ang office at pumasok ang si Sabel.
"Hi hon, lets eat nagugutom na kami ni baby" sabay himas sa tiyan niya.
"Sige mauna kana may tapusin pa ako" sagut ko sa kanya. Hinarap ko ang laptop ko.
"Later na hon" pumunta siya sa likod ko para yakapin ako.
"Sabel nakita mo may ginawa ako"! Reklamo ko sa kanya disturbo.
"Hon, may plan ako... what if kung ipapatay natin si Ellaine para wala ng sagabal sa buhay natin" bigla ko siya tinulak at hinawakan sa braso.
"Wag mong galawin ang asawa ko kung ayaw mo mapunta ka sa kabaong mong sarili, or ako mismo papatay sayo. " tinulak ko siya sa sofa at iniwan. Doon wala akong pakialam kung makunan siya. Pasalamat siya buntis kung hindi pader aabut sa kanya. Pinaharorot ko ang kotse ko. Papunta sa isang bar.
Nag order ako ng isang wine. Kasalanan niya kung bakit nalayo ako kay Ellaine tapos gslawin niya pinakamamahal ko. Subukan niya lang baka pati anak niya ilagay ko sa kabaong.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?