C-8Ellaine p.o.v
Maaga ako nagising dahil hindi naman ako nakatulog ng maayus. Iwan ko ba madalas na ito sa akin parang lutang palagi isip ko. Bumangun na ako para pumunta sa banyo. Sandali lang naman ako naligo kaya pagkatapos lumabas na ako sa banyo. Nagbihis na ako diretso at magpaalam kay yaya namimiss ko na sila mama.
Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako sa kwarto ko. Dahil maaga pa at hindi ko pa naikot ang buong bahay naglakad lakad muna ako. Bumaba ako sa kabilang hagdanan gamit ko diretso siya sa swimming pool. Ngayun ko lang alam may swimming pool pala dito. Ang ganda ng tubig. Tinaboy taboy ko lang sa kamay ko ang tubig pagkatapos naglakad ako sa unahan. Teka lang bahay ba talaga ito o palasyo? Inikot ko ang pangin ko sa paligid.
Ang daming bulaklak ibat ibang klase ng mga bulaklak ang ganda.. ang ganda pala sa harden nila. May nakita ako sa unahan parang maliit na tulay ng makarating ako dun. Gulat ko sa nakita fishpond? Meron palang mini fishpond dito? Dami isda o yung mga color orange , red naghabulan sila.
Nakatream lahat ng bulaklak so may nag alaga talaga dito. "Good morning ma'am" napalingun ako sa bumati sa akin.
"Magandang umaga din' balik bati ko sa kanya.
Naka damit siya pangbahay at may dala na guna? "Kayo ho ba nag alaga sa mga bulaklak manong?" Tanung ko sa kanya.
"Oho ma'am mahilig kasi ng bulaklak ang mommy ni sir Rusty dati" sagut niya. Tumango ako at dahil medyo kulang ako sa oras.
"Manong sa susunod nalang tayo magkwento late na ako eh" saka tumakbo na ako palabas ng gate.
Ng maalala ko wala pala akong kain kaya bumalik ako sa loob para kumain. "Hija saan ka galing"? Tanung ni yaya.
"Sa hardin lang yaya" sagut ko pagkatapos kumain na ako.
"Ipahatid nalang kita"? Offer ni yaya.
"Nako wag na yaya baka magtaka cla hindi pa nila alam" sagut ko ng medyo busog na ako tumayo na ako para makaalis.
Huminto ako at humarap kay yaya " yaya hindi muna ako mamaya uuwi dito, doon muna sa ako bahay namin" paalam ko sa kanya para hindi mag alala.
"Sige" sagut niya.
"Ah yaya pwede mag tanung ilang taon na si sir Rusty "? Ngumiti si yaya sa akin bakit kaya at lumapit. "Gusto mo ba malaman"? Tanung niya sa akin. Tumango ako.
"27 na siya mag28 sunod na buwan" sagut ni yaya.
"Bakit mo natanung hija"? Naglinis muna siya sandali.
"Ah masungit kasi parang 50 na. Sige na yaya bye" umalis na ako doon late na talaga nito. Mabuti may tricycle agad ko ito pinara, huminto naman ng makarating ako sa gate mabuti hindi pa nagsara kaya makapasok pa ako.
Dumiretso na ako sa classroom ko. "Good morning ma'am bati ko sa ma'am namin pagaliran talaga ako nito.
"Your late, maupo kana " agad ako umupo sa pagkasabi ni ma'am.
"Tagal mo Laine " reklamo ni Karry sa akin.
"Saan ka ba galing "? Tanung niya.
Kinuha ko na rin ang gamit ko.
"Matagal lang ako nagising" sagut ko sa kanya at humarap na ako sa harapan. Himala wala si Jomar.
"Pumupunta ako sa inyo kahapun sabi ni mama mo nasa lungsod ka daw" mabuti hindi sinabi ni mama.
"Ah" sagut ko. Nagquiz lang kami pagkatapos recess na.
Umalis na pala siya kahapun hindi man lang nagpaalam sa akin. Sa bagay anu nga ba ako sa kanya, pambayad sa utang .
Andito kami ngayun sa canteen hinintay ko si Karry bumili ng pagkain namin. Ako hindi ko alam pero wala akong gana kumain. Bigla nawala gana ko. "Bess for you happy birthday " gulat ko madaming pagkain kinuha si Karry.
"Salamat pero dapat hindi kana nag abala pa. " sagut ko sa kanya.
( bakit Ellaine hinintay mo ba si Rusty )?
Pinikit ko mata ko.
"Laine anung handa mo mamaya? Oi invite moko ha"? Sabay kuha ng pagkain niya sa tray.
"Alam mo naman na hindi ako maghahanda ng pagkain." Kasi wala naman kaming pera. Handa pa kaya.
"Beshy nabalitaan mo na ba si Ma'am Ruby at Si sir Rusty hiwalay na" nagulat ako sa sinabi niya Karry sa akin.
"Kaylan lang? " tanung ko.
Oo nga pala engaged na siya kaya nakipaghiwalay siya.
"Walang nakakaalam basta balita naman yan dito sa school natin" sagut niya.
"Hindi ako sigurado sabi lang engaged na daw eh" tumango lang ako.
Ng matapos kami sa canteen bumalik na kami sa classroom namin. Wala pa yung teacher namin kaya subrang ingay ng classroom namin.
Si Jomar hindi pa pumasok baka absent yun at saan namn Pumupunta yun..
Wala man din ginawa sa paaralan kaya umuwi ako ng maaga. Mag meeting kasi ang mga teachers namin. Pagdating ko sa bahay.tahimik masyado kaya dumiretso ako sa taas para kumuha ng gamit ko para sa pagpunta ko doon kina mama.
Ring,ring, ring hala sino naman kaya tumawag ngayun. Kinuha ko ito para sagutin.
"Hello"? Tahimik parin ang kabilang linya. Teka baka si Rusty ito impossible eh. Nasa ibang bansa na siya. Pero sino kaya tatawag naman? Walang nakaalam sa no na ito.
Naputol na din ang tumawag kaya binalik ko sa drawer ang phone. Pagkatapos ko mag impake kaunti lang damit ko dala. Lumabas na ako sa kwarto ko pagkababa ko nakita ko si Greg?anung ginawa niya dito di ba kasama niya si sir Rusty?
Nakatalikod siya may kausap sa cellphone hinintay ko matapos at hindi naman nagtagal ng paharap siya nakita niya ako nakatayo sa unang palapag ng hagdanan. "Greg musta"? Tanung ko sa kanya.
"Bakit ka andito di ba kasama mo si Rusty"? Dagdag ko tanung. Nagkamot siya sa ulo niya.
"Hmmn pinabalik niya ako magsingil sa mga hindi la nakabayad" sagut niya. Nakauniporme siya.
"Ah ganun ba. Eh kami may utang pa ba kami sa kanya"? Tanung ko.
Kasi hindi ko naman alam .
"Hindi ko alam eh Miss Ellaine eh. Pero ito oh may pinadala siya" sabay bigay sa paper bag.
"Ha anu naman ito"? Tanung ko at hinalungkay ko ang binigay niya.
"Teka lang miss Ellaine saan ka pupunta bakit may dala kang bag?" Takang tanung niya.
"Ah ito uuwi muna kasi ako sa amin namimiss ko na sila papa. Sabihin mo sa kanya hindi ko naman siya takasan" sagut ko. Bumalik ako sa taas sa kwarto ko nilagay ko doon ang paper bag at sinara ko ulit ang pinto.
Pero sabi ni yaya umuwi daw siya kasi may inayus siya hindi ko alam kung anu yun simula kasi umalis siya hindi kami nag uusap ng maayus.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
Romanzi rosa / ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?