C-19

4.6K 101 0
                                    

C-19

Ellaine p.o.v

"Ellaine sama tayo bukas pupunta ng manila may bilhin lang ako doon, hindi kasi ako payagan ng mama ko kung hindi daw ikaw kasama ko. Ok lang ba bess"?

Napatingin ako kay Karry naghintay sa sagut ko. "Sige bess samahan kita" sagut ko sa kanya.

"Don't worry bess hingi tayo kay mama ng extra para makapamasyal tayo doon" ningitian ko lang siya sa totoo lang wala akong gana ngayun magsalita. Tatlong araw na simula nahospital si papa at nakalabas na pero si Sir Rusty hindi padin tumawag or text man lang.

Musta na kaya siya ngayun gusto ko siya tawagan pero hindi ko talaga makuntak no niya.

"Bess ang tamlay mo, pinapapunta tayo ni Sir sa office niya" kaya pumunta kami ni Karry.

"Andito na pala kasamahan namin sa band. "Makinig kayo " sabi ni Sir

"Dapat sa final maaga kayo pumunta, kung meron balak na hindi sumali sabihin niyo na pero bagsak kayo sa P.E " sabi ni Sir kaya walang umatras.

Pagkatapos sa meeting umuwi na kami nauna na si Karry dahil sinundo siya ng papa niya. "Ellaine hatid na kita" napalingun ako sa tumakbo papunta sa akin. Si Jomar ang laki ng ngisi niya sa akin.

"Anung nangyari bakit ka masaya?" Tanung ko sa kanya.

Nagkamot pa sa ulo niya "ah eh wala " sabi niya pinabayaan ko nalang siya.

Sabay kami naglakad gusto niya kasi ihatid . "Laine may problema ka ba?" Tanung niya sa akin.

"Wala naman" sagut ko sa kanya.

"Talaga bakit parang malungkot ka"? Tanung niya kulit din kasi ito minsan.

"Pabayaan mo nalang ako" sagut ko sa kanya.

"Jomar paano yan dito na ako" tiningnan niya ang bahay parang namangha.

"Dito ka nakatira?" Tanung niya sa akin ulit.

"Hmmn hindi, weekdays lang ako dito, dito kasi nagtrabaho " sagut ko sa kanya.

'Ah sige alis na ako bye" umatras muna siya tas kumaway sa akin. Pagkaalis niya pumasok na din ako sa loob.

"Hija andito kana pala" si yaya pala may dalang walis.

Ningitian ko lang siya. "Akyat muna ako ya" paalam ko sa kanya.

"Sige hija pagkatapos mo bihis  bumaba ka gumawa ako ng pancake vanilla" tumango lang ako pagkapasok ko sa kwarto ko humiga ako sa kama ko.

Tiningnan ko ang phone binigay niya. Wala paring text o tawag galing sa kanya.

Nagbihis nalang ako iniwan ko ang phone sa table tas bumaba na ako.

Pinuntahan ko si yaya tinulungan sa pagdilig ng mga bulaklak.

"Ah yaya bukas aalis ako" paalam ko sa kanya ayaw ko din mag alala siya sa akin.

"Saan punta mo?sino kasama mo"? Tanung niya sa akin.

"Si Karry ho yung friend ko pupunta kami ng manila may bilhin lang siya ako kasi gusto ipasama sa mama niya sa kanya" sagut ko.

"Sige hija mag ingat kayo"  pagkatapos sa pagdilig pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Hija wag kana mag alala baka bc lang yun" hinawakan ni yaya likod ko. Nagkibit balikat lang ako.

Kinabukasan maaga ako nagising para maghanda. Wala ako sa mood para maghanda. Pumasok na ako sa banyo para maligo after a minute lumabas na ako.

"Hija andiyan na yung kaibigan mo" sabi ni yaya.

"Sige yaya pakisabi nalang pababa na ako" binilisan ko pagbihis dahil basa pa buhok ko. Hindi ko tinalian pinabayaan ko lang siya malugay sumabay sa hangin.

"Bess tara na" aya ko kay Karry pagkababa ko pinapasok pala siya ni yaya dito sa loob.

Pinahatid kami ni yaya sa kotse sa terminal. Pagkababa namin sakto malapit na mapuno ang bus kaya agad kami sumakay. Ng makasakay kami.

"Bess"? Nilingun ko siya.

"Hmmn?" Bakit?" Balik tanung ko.

"Wala" after an hour yes dumating na kami. Iwan pero parang kinabahan naman ako siguro dahil ito ang unang beses ko pumunta dito.

"Bess tara na magtaxi lang tayo"  hinila ni Karry kamay ko.

Dahil medyo tanghali na dumiretso kami sa mall nagpalamig medyo naninibago ako. Sa pag iikot namin teka si Rusty yun?

Nahagip ng mata ko. Pero siya ba talaga yun? Hinanap ko siya gamit ang mata ko likod pa lang alam ko na pero may kasama siyang ibang babae?sino yun nakahawak sa braso niya?

Nawala sila. Saan kaya yun. "Bess sino hinanap mo?" Napatingin ako kay Karry.

"Wala bess " sagut ko sa kalingun lingun ko may nakabangga ako. "Sorry" hingi ko ng paumahin sa kanya.

"No. It's okay, kasalanan ko rin" sagut niya.

Siniko ako ni Karry kaya napatingin ako sa kanya. Sabay bulong niya "bess gwapo niya" pinanlakihan ko ng mata si Karry.

"Oh by the way i'm Harold and you"? Sabay lahad sa kamay niya. " Ellaine at siya si Karry friend ko" sagut ko sa kanya.

Bigla siya ngumiti. Kinalabit naman ako ni Karry "bess ang gwapo niya ngumiti labas dimple niya" ..

Hindi ko sinagut si Karry. . Grabe itong kaybigan ko pag gwapo na pag usapan.

"I have to go nice meeting you " tumakbo siya. Nagmadali. Dahil tanghali na nagdecide kami ni Karry kumain muna kya pumasok kami sa isang fast food ng may nahagip mata ko.

Hindi pwede magkamali ako si Rusty yun. Gusto ko siya tawagin pero hindi pwede ang sweet nila sa isa't isa. Kaya hinila ko si Karry sa ibang fast food ayaw ko makita niya ako dito. Tiningnan ko ang phone ko pero walang pagbabago walang text galing sa kanya.

Ng makauwi kami sa bahay nila sa manila kaya nakapahinga kami medyo masakit din paa ko sa paglalakad.

"Bess bakit moko hinila kanina"? Tanung niya sa akin. Pasalampak ako umupo sa tabi niya.

"Wala lang mas like ko kasi sa kabila" sabi ko.






Rusty p.o.v

Hindi ako nagkamali kanina si Ellaine yung nakita ko may kausap na lalaki sino naman yun. Haisst nakalimutan ko nga pala siya.

Grabe siya makatitig sa asawa ko kala mo magustuhan siya.

"Hon kanina ka pa tahimik" tawag pansin sa akin ni Sabel. Ayaw ko talaga sumama dito para kasi siyang linta makadikit eh. Kainis.. ayoko magkatabi balat namin kairita boses niya.

MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon