C-30
Ellaine p.o.v
"Nak may problema ba?" Si mama pala umupo sa tabi ko andito kami ngayun sa isang puno.
"Hmmn wala naman ma" sagut ko sa kanya.
"Sigurado ka ba anak? Kasi simula nung dumating ka dito kahapun parang ang lalim ng iniisip mo"? Hinawakan ni mama kamay ko.
"Namimiss mo ba siya"? Tanung ni mama sa akin.
"Hindi ko alam ma" sagut ko sa kanya.
"Mahal mo na ba siya?" Napatingin ako kay mama na natawa.
"Siguro ma hindi ko alam" hehe hinawakan ni mama buhok ko inayus niya.
"Nak wala naman problema kung gusto mo na si Rusty mabait naman siya, kung meron kayo hindi pagkaunawaan pag usapan niyo yan" taka akong nakatingin sa kanya.
Napatingin ako sa unahan si Kuya tumatakbo papunta dito sa amin? Anung meron?
"Ellaine, Mama kanina ko pa kayo hinanap si Ellaine pinag usapan naman sa kapitbahay natin. Umuwi daw na buntis tas wala daw ama" bigla nag init ulo ko sa pinagsabi ng pakialamera naming kapitbahay.
"Kahit kailan yan si Tasing kung sino makita pakialaman niya" sabi ni mama.
Tumayo ako para matugil na yan hinawakan ni mama ang kamay ko "hija pabayaan mo nalang sila, kahit magwala naman sila wala naman sila magagawa, sila lang ang mapahiya sa ginawa niya" ang bait talaga ng mama ko no ang taas ng pasensiya.
"Oo nga Ellaine isa pa anu kaya reaksiyon nila kung malalaman nila anf totoo" sabay ngisi ni Kuya. Binatukan naman siya ni mama. "Tumahimik ka nga hindi pa tayo pwede magsalita hangga't walang permiso mula sa amo natin" sabi ni mama.
Oo nga pala amo parin namin siya. Medyo awkward lang nga dahil laki ng agwat namin tas ngayun napailing iling nalang ako. Umalis na si mama at kuya.at ako naiwan dito sa punong kahoy.
Nilagay ko sa tuhod ko ang ulo ko. " namimiss ko na siya. " tumunog yung phone ko pagtingin ko sa inbox.
"Babe umuwi ka daw? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Para mahatid kita. " napangiti ako kunti sa message niya pero minsan naiisip ko din kung iiwan ba talaga ako ni Rusty.
Bigla nagring yung phone ko at tama pangalan niya nakalagay sa screen. "Hello" sagut ko sa kanya.
"Babe musta kana? Namimiss na kita i love you" grabe bata ba kausap ko sa phone.
"Miss you too Rusty" sagut ko sa kanya para tuloy ako nahihiya bakit ko ba yun sinabi.
" ok babalik ako tawag mamaya ha pagkatapos sa meeting" tumango lang ako.
"Babe are you there? Narinig mo ba ako?" Kulit.
"Dito pa naman ako Rusty buhay pa" sagut ko sa kanya.
"May problema ba tahimik ka babe? Hindi ka naman buntis di ba? Hahaha peace babe" napatawa ako sa kalokohan niya. Kahit anu nalang pinagsabi.
"Ok lang ako Rusty, sige na malate ka sa meeting mo" sabi ko para tumigil na.
"Si-sige pero tatawag ako mamaya i love you very much babe" saka binaba na niya ang phone niya. Minsan naisip ko matanda ba talaga siya?or ganyan siya kashowe sa feelings niya.
Dahil wala akong magawa naisipan ko nalang na gumawa ng account sa facebook sinunod ko lang ang instruction nito at yun nagawa ko na. Madali lang pala. Ng nagawa ko na hinanap ko kaagad si Rusty account niya malay ko kung meron pero bakit habang naghahanap ako sa account niya kinabahan ako. Ng may nakita ako isang picture kasama barkada niya.
Tiningnan ko ito galing sa isang babae ang picture at nakatag sa kanya. Ba't ganun nakaakbay si Rusty sa kanya? Di ba kung barkada hindi naman ganyan sa mga may relasyon lang. Nasa bar sila. Niclick ko ang babae na pangalan nakatag sa kanya pagtingin ko.
Sabel Porra
Status: in a relationship Rusty Fuentes.?
Andun ang pangalan ni Rusty sa picture nakatag kaya niclick ko. Pagtingin ko.
Profile name Rusty Fuentes.
Status: in a relationship Sabel Porra?
Tiningnan ko ang comment kahapun lang ito ah.
"Kaylan ba kasi kayo magpakasal"? Tanung ng isang comment.
"Reply Sabel: hintay lang malapit na" sagut niya.
"Invite niyo kami ha"? Comment 2
"Sabel reply: sure pag ok na ang lahat"
So totoo talaga may relasyon sila. Bakit ba ako nasasaktan alam ko mangyayari ito eh.
Umuwi na ako sa bahay pinahid ko mga luha ko. Anu pa ba asahan ko sa kanya wala. Hindi ako pwede umiyak sa harap niya baka akalain niya na mahal ko siya. Oo mahal ko siya pero hindi pwede eh.
"Nak anung handa gusto mo bukas?" Tanung ni mama pagpasok ko.
"Wag nalang ma" sagut ko. Dumiretso ako sa kusina.
"Pero nak mag 18 kana bukas ayaw mo ba maranasan ang ganun na party?" Tanung ni mama ulit.
"Di ba gusto mo dati na magparty ng ganun sa debut mo? Pagkatapos ayaw mo na ngayun"? Si papa sabay upo sa sala.
"Wag na ma naisip ko magastos din" basta ayaw ko.
"Ellaine hindi naman tayo ang gagastos ang asawa mo" dagdag ni kuya na mas ayaw ko.
"Basta wag na ipunin niyo nalang sa pagpanganak ni Sharry " sagut ko saka umayak ako sa taas para matulog.
Aalis siya sa lunes? Sabay ba sila umalis? Ihanda ko nalang ang sarili ko sa mangyayari. Simula ngayun ayoko na isipin totoo lahat sinabi niya sa akin.
Nagising ako kinabukasan madaling araw parang may mabigat na bagay nakapatong sa akin hindi ako makagalaw, hindi naman si kuya ito kasi ayaw naman tumabi nun sa akin.
Sino kaya ito hindi naman si mama, ng maamoy ko ang pabango niya teka familiar sa akin ah. Pagdilat ko ng mata ko. Si Rusty? Anung ginagawa niya dito? Tsaka bakit siyA dito natulog sa kwarto ko? Paano ba ako nito makagalaw higpit ng yakap niya sa akin. Ughhh!! Ang sakit na ng balikat ko. Hindi naman ako makatayo.
"Tulog na" sabay hila niya sa akin kaya magkadikit naman katawan namin. At ang hirap pa dahil pinatong niya sa akin isang paa niya.
"Hoy Rusty hindi ako magalaw ang bigat ng paa mo" reklamo ko sa kanya sabay tanggal sa paa niya.
Ng bigla siya bumangun, nakatitig sa akin. Gulat nalang ako bigla niya akong hinalikan. Tinulak ko siya pero hindi kaya eh. Hinawakan niya dalawang kamay ko kaya hindi na ako makagalaw.
"Alam mo"? Taas kilay niya sabi sa akin at nakangisi.
"Ang anu?" Takang tanung ko. "Anung pinakain mo sa akin Ellaine? You drive me crazy" gulat ko sa sinabi niya.
"Ha?" Hindi ko alam anu pinagsabi niya.
Hinawi niya ang buhok ko nagkagulo sa mulha ko. "Kahit lamp shade lang pero bakit lumulutang parin ang ganda mo" luh kinabahan ako bigla sa sinabi niya.
"Teka lang nakainom ka ba?" Tanung ko sa kanya. "Hindi ako lasing hindi ako nakainom pero lasing ako subra sa pagmamahal ko sayo," sabay wink niya .. " corny ba?" Sorry saka hinalikan niya ulit ako.
Tumigil siya sa paghalik sa akin. " alam mo ikaw bakit ang hilig mo manghalik"? Tanung ko sa kanya.
"Nakakaadik ka kasi eh, tsaka ginawa ko lang ito sayo wala ng iba" sabi niya hinalikan niya noo ko.at bumalik ulit sa higaan tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?