C-13

4.9K 124 0
                                    

C-13

Ellaine p.o.v

Mag impake ako? Teka lang naguguluhan ako sa sitwasyon namin hindi ko inasahan tsaka bakit masakit para sa akin mapalayo ako sa kanya ughhh!!. Agad ako tumayo sa pagkaupo ko sa sahig kanina at sinundan ko siya sa office niya sa baba.

Medyo kinabahan pa ako pero hindi pwede na wala man siyang paliwanag sa ginawa niya sa akin kanina. Dahan dahan ko pinihit ang doorknob, nakatalikod siya at uminom ng wine. "Sir Rusty pwede ba tayo mag usap? Sorry kung pumasok ako walang pahintulot"! Hingi ko ng paumahin sa kanya.

Tiningnan niya lang ako na nakangisi. Habang hawak hawak niya ang baso may laman na wine. "Anung ginawa mo dito"? Tanung niya.

Tinitigan ko muna siya bago ako magsalita hindi pwede n hindi ko malaman ang dahilan niya.

"Bigyan moko ng dahilan kung bakit -" agad niya hinila kamay ko palabas ng office niya.

"Aray Si-sir Rusty masakit yung kamay ko sa pagkawak mo" reklamo ko pero hindi niya ako pinakinggan. Nagpatianud lang ako sa kahila sa akin. Hanggang sa umakyat kami sa taas. Teka sa kwarto niya kami pupunta. Tiningnan ko siya. "Anung gagawin ko dito"? Hinila ko kamay ko sa pagkahawak niya pero ang higpit hindi ko matanggal ng mabuksan niya ang doorknob sinama niya ako sa loob.

Sabay sara at lock niya sa pinto. " di ba sabi ko sayo mag impake kana bakit ayaw mo mag impake "? Dahan dahan siya lumapit sa akin. Sabay tanggal sa necktie niya sa leeg. At ako paatras ng paatras.

Kinabahan ako sa posible niyang gawin sa akin. Saka pumunta sa kama niya at umupo sa gilid kinuha ang tsenilas niya pangbahay. "Gusto mo ba talaga malaman kung bakit gusto kita pauwiin sa inyo"? Tanung niya sa akin. Tumango ako kahit kinabahan na ako.

"Relax wala akong gawin sayo. Upo ka dito sa tabi ko" dahan dahan akong lumapit sa kanya bahala na kung anung gawin niya kung anung mapulot ko yun ipalo ko sa kanya.

"Hintayin moko dito maligo muna ako" sabi niya sabay pasok sa banyo. Habang nasa banyo siya inikot ko ang buong kwarto niya. Ang ganda ng motive manly masyado at ang kama niya malaki din. May nakita akong portrait family picture nakasabit sa dingding siguro sila ang mga magulang niya. Napunta ako sa unahan may mga picture na maliit sa frame. Kinuha ko ang nakita ko siya. Ang cute niya yung chicks niya sarap kurutin mataba pala siya. At ngayun nagbago na. Pumasok ako sa isang kwarto connect sa kwarto niya. Gulat ko ng makita ang daming monitor. Cctv? Makikita mo ang mga tao nasa labas. Busy. Lalo na sa kusina.

Bumalik na ako sa kwarto niya sakto pagbalik ko katatapos lang niya naligo at narinig ko bumukas ang pinto sa banyo.

"Okay ka lang"? Tanung niya sa akin dahilan para lumingun ako sa kanya kaya lang parang mali eh. Bakit ba kasi lumingun ako.. kainis.

Tumango ako bilang tugon. Ang ganda pala ng katawan niya may 6 pack abs siya pwede na pang ulam. Ay mali .. ang ganda tingnan ng ang buhok niya pinatuyo sa towel habang nakatopless siya. Tas yung tubig galing sa buhok niya mga butil bumabagsak teka bakit nagslow.. umiling ako anu ba pinag isip ko.


Pinikit ko mata ko ang bad mo talaga na mata. "Hey" minulat ko mata ko. Nasa harapan ko na siya naka short at nakangiti ang bango niya sarap amuyin or sadyang bagong ligo lang siya.

"Yung tungkol sa contrata totoo sinabi ko expire na siya" sagut niya sa akin. Takang tingin binigay ko sa kanya.

Tumayo siya at umupo sa table. " actually hindi pa expired ang contrata natin " nakadikwatro siya nakaupo.

"Pero ba-bakit moko pinauwi ng ganun"? Tanung ko sa kanya.

Tumayo siya at umupo ulit sa tabi ko na kaya bigla naman akong kinabahan " dahil ayoko madamay ka, may shipment darating at kung mabulilyaso yun madadamay ang panilya namin. Kumbaga patayin nila. Dilikado ang gagawin namin dahil malaki ito." Dagdag niya.

"Kung nasa labas ka kasi alam kung magiging masaya ka hindi masirable buhay mo" dagdag niya.

"Alam kong galit ka sa akin Ellaine dahil sa ginawa ko sayo, dahil ikaw kinuha ko pangbayad ng utang ng mga magulang mo sa akin" dagdag niya.

Napatingin ako sa kanya umiiwas kasi siya ng tingin sa akin.

"Anung ibig mong sabihin? Ipa annul mo kasal natin"? Tanung ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. "Bata ka pa madami pa darating sayo na opportunity " dagdag niya. So pakawalan na niya talaga ako.

"So hindi moko patayin"? Tanung ko sa kanya

Bahala na tanungin ko siya. " mahal mo ba ako? Bakit hindi ka makatingin sa akin"? Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Hahaha nag assume ka pala na mahalin kita. Hindi yan mangyayari" sagut niya sa akin.

"Sasama ako sa shipment sinabi mo" dagdag ko.

"Hindi pwede" sagut niya.

" kung hindi mo ko mahal pwede ba extend ng 2 weeks "? Tanung ko sa kanya. Bigla nalang may nararamdaman ako na pumatak galing sa mata ko habang nakatitig ako sa kanya.

"Sssh don't cry" pinahid ng kamay niya ang luha tumulo sa mata ko.

Tinanggal ko kamay niya. Tumayo ako dahan dahan naglakad papunta sa pinto parang lutang ako.

Hinawakan ko ang doorknob ng maramdaman ko may bigla yumakap sa likod ko. At ang hininga niya nasa likod ng tenga ko. "I'm sorry " yun lang nasabi niya.

"Dito ka nalang matulog sa kwarto ko" dagdag niya.

"Kung ok lang sayo promise wala akong gagawin" tinaas niya pa kamay niya. " 

MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon