C-11Greg P.o.v
Kinilig ako sa nakita ko kanina ah.. sa buong buhay ko kasi ngayun ko lang nakita si boss mag ganun sa isang babae. Alam ko madaming nakapaligid sa kanya na babae kung tutuusin ang iba pa nga humahabol sa kanya. Kahit masungit at madali magalit minsan mabait naman yan. Meron nga yang sariling Foundation. Pero kung hindi mo siya makilala pag isang sigaw sayo matatakot ka talaga. Kung Ellaine mamatay tao.
Malaki ang agwat sa dalawa pero di ba nga may kasabihan na pag ang puso siya ang kusa mismo gumalaw at parang ito na yun. Nasa malaking puno si Boss kaya lapitan ko siya.
Hindi niya namalayan nasa tabi niya ako nakatayo ang lalim ng iniisip niya pero ang ngiti niya na pinipigil hindi mawala sa mukha niya.
Pag ibig nga nga naman. "Ehem " napatingin siya sa akin.
Bumalik sa dati hitsura niya. "Bakit Greg"? Tanung niya sa akin.
"Hmmn i'm happy for you" sagut ko sa kanya.
Rusty p.o.v
Napaisip ako sa ginawa ko kanina mabuti hindi siya nagalit sa ginawa ko. Mukhang nagulat pa siya kanina kaunti.
"Ehem " rinig kong may tumikhim kaya umayus ako ayaw ko may nakaalam.
Tiningnan ko si Greg isa sa mga tauhan ko. Umupo siya " hmmmn i'm happy for you " sabi niya tiningnan ko siya ng masama.
"Dapat walang makakaalam nito" utos ko sa kanya. Saka tumayo ako at umalis na doon sa puno.
Pagkarating ko sa bahay nila. Napahinto ako sa paglakad siya nagligpit sa mga pinag kainan. Ng maalala ko bawal pala siya gumalaw hindi pa siya ok.
Dali dali akong pumasok sa loob ng kusina at lumapit sa kanya. Mukhang nagulat pa siya sa paglapit ko. Bigla ko kinuha ang mga pinggan dala niya.
"Sige na ako na dito magpahinga ka na doon. Inumin mo na yung gamot mo" utos ko sa kanya tiningnan niya ako sa mata. Umiwas ako sa tingin.
"Wag na ho sir Rusty ako na bahala dito" angal niya.
Dinampi ko likod ng kamay ko sa noo niya. Medyo mainit pa siya.
Maya maya bitiwan niya ang pinggan "si-sige ho" sagut niya at umalis na. Ang cute niya kung mamumula siya.
Ellaine p.o.v
Nakapagtaka lang pinakita na kilos ni Sir Rusty. Agad ako uminom ng gamot. "Nak" tawag pansin sa akin ni mama.
Lumapit siya sa akin "bakit ma"? Tanung ko. Ngumiti si mama sa akin teka anung meron.?
"Wala naman nak masaya lang ako para sayo" anu daw? Bakit naman?
Saka umalis si mama. Maya maya nakita ko si Greg naghugas ng pinggan. Akala ko ba siya maghugas pagkatapos si Greg inutusan niya. Siya na ang boss.
"Ang lalim ng inisip mo ah " lumapit siya sa akin at umupo.
"Musta na pakiramdam mo? Uwi na tayo maya maya para makapaghinga ka. " dagdag niya. Bigla naman akong kinabahan pag tumitig siya sa akin. Wala ka kasing makita kung may inisip siya o wala.
"Ellaine " napalingun kami kay papa papunta siya sa pwesto namin. "Bakit pa"? Tanung ko.
"Pumunta dito kahapun si Karry at Jomar hinanap ka" sagut ni papa.
Tiningnan ko siya.nakakunot noo siya.
"Hindi ka daw pumasok kahapun " sagut ni papa.
"Ah Anu kasi may lagnat kahapun si Ellaine pa kaya hindi siya nakapasok" sagut niya kay papa.
Bakit ganun kung magkalapit balat namin parang may kuryente.? Bakit kaya ganun.
Ng hapun na umuwi na kami nasa kotse kami puro tahimik lang subrang seryoso niya kasi eh. Ng tanungin niya ako.
"Anung plano mo sa birthday mo? Di ba mag debut ka na? Saan gusto mo"? Napalingun ako sa kanya.
"Wala akong plano sa birthday ko importante lang sa akin kasama ko pamilta ko yun lang" sagut ko sa kanya.
Anu kaya balak niyang gawin sa akin. "How about your next year sa pag college mo"? Tanung niya.
"Hindi ko pa alam siguro mag stop muna ako ng 1 year or mag Working student. " sagut ko sa kanya.
"Working Student "? Tumango ako sa kanya.
"Sabihin mo lang kung anung gusto mo kunin course, tulungan kita " sagut niya.
"Wa-wag na sir nakakahiya na sayo malaki na utang namin sayo dagdagan ko pa. Wag ka kaya ko naman" bigla sumeryoso mulha niya.
Bigla niya pinahinto ang kotse natatakot naman ako sa ginawa bakit ba palit palit siya ng hitsura niya patayin niya ba ako. Waa wag muna please lord. !
Lihim kong dasal pikit mata ko. At bigla niya pinaharorot ang kotse. Walang salita man lang.
Dapat maghingi nalang ako ng sorry sa kanya "so-sorry" hingi ko ng paumahin sa kanya.
Bakit siya nagalit wala naman akong ibang sinabi ah. Waa kinabahan na ako. " pa-patayin mo ba ako"? Tanung ko sa kanya. Bahala na gusto ko malaman.
Hindi parin siya nagsalita. Hindi niya ko sinagut hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Bakit ganun bumalik naman siya sa dati.. lumabas siya sa kotse dali dali pagkatapos niya tanggal sa seat belt ko.
Agad ko siya sinundan. "Galit ka ba sa akin"? Tanung ko sa kanya dali dali siya umakyat sa kaliwang hagdanan.
"Si-sir" tawag ko sa kanya. "Hindi ko muna sila patayin dahil ikaw ang unahin ko pagpatay" sabay sara sa pinto ng kwarto niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Papatayin niya na ba talaga ako?
Pumasok ako sa kwarto ko. Bakit ganito nararamdaman ko parang nasaktan ako sa ginawa niya sa akin may kunting kirot sa puso ko. Anu pala siya sa akin.
Maaga ako nagising kinabukasan dali dali akong naligo para maabutan ko siya. Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako sa kwarto ko pagkababa ko nasa hagdanan palang ako nakita ko siya nakabihis ng pang business suit. Pupunta na ata siya sa manila.
Napahinto ako sa kalawang palapag sa hagdanan dahil may kausap siya phone niya. Bumalik ulit siya sa office niya tumakbo pagbalik niya tumingin lang siya sa akin saka umalis na nagmadali. Bakit ganun siya?
Gusto ko siya itext ng maalala ko wala pala akong cellphone kaya dumiretso nalang ako sa kumidor. "Hija maaga la masyado bakit ganyan hitsura mo"? Si yaya pala ningitian ko lang siya.
Rusty p.o.v
"Di ba sabi ko sa inyo patayin niyo sila? Bakit hanggang ngayun buhay pa ang mga yan!!" Sigaw ko kay Greg.
Napaalis ako ng napaaga dahil sa kapalpakan ng mga tauhan ko.
Papunta kami ngayun sa manila. Hindi ko gusto nakita ko kanina sa kanyang mukha. Ako ang nasasaktan sa reaksiyon niya ng makita ko siya.
"Sorry"
"Boss ayun sa spy natin may gagawin daw sila. " sabi ni Greg.
"What"? Tanung ko sa kanya.
"Yes boss hindi ko pa alam kung anu. Basta ang narinig niya may ipakidnap daw sila." Sagut ni Greg. Damn wag lang nila galawin kung hindi kahit saan pa sila pumunta papatayin ko sila.
Ellaine p.o.v
"Beshy pumunta kami kahapun sa inyo. Este nung isang araw wala ka" si Karry namimiss ko siya
"Sorry busy lang kasi" sagut ko.
"Laine namiss kita" napalingun ako si Jomar dumating na pala.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
Chick-Lit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?