C-35
Ellaine p.o.v
"Sige na nak oh bagay sayo tong' damit ba" sukat sukat pa ni mama ang damit binili ni Harold sa akin.
"Maya maya andito na yun nak" at yun nga may nag beep beep sa labas.
Ng lumabas siya sa kotse ang gwapo niya. Andiyan naman yung ngiti niya. Sabay labas ng dimple.
"Hindi ka pa nakabihis"? Pansin niya sa akin.
"Ayoko Harold iba nalang isama mo doon nahihiya ako" hindi ako sanay sa ganun na sitwasyon.
"Relax dito naman ako" haist pag siya talaga wala akong magawa.
"Sige hintay lang bihis lang ako" sagut ko sa kanya pumasok na rin ako sa kwarto ko at sumunod naman si mama. Inayus niya buhok ko pagkatapos ko magbihis. Napatitig ako bigla sa salamin nasa harap ko.
Tiningnan ako ni mama sa salamin. "Namimiss mo siya"? Tanung ni mama sa akin. Ngumiti lang ako.
"Nako inlove na talaga ang baby girl ko, sige lang nak magkita rin kayo balang araw at sana kung anung nangyayari sa inyo. Wag kayong bibitaw sa isa't isa ok, ang paniwalaan niyo ang puso niyo" napatawa ako sa sinabi mama minsan naisip ko hugot ba yan o may pinadaanan lang.
Lumabas na ako sa kwarto pagkatapos ko magbihis. "Tara na" ayaw ko sa kanya. Nakatingala lang.
"Hoy Harold aalis tayo? Or magtulala ka diyan buong araw"? Tanung ko sa kanya saka binigay niya braso niya.
Humawak din ako. "Mianhe " sabi niya.
Nagpaalam na din kami kina mama at papa pero bago pa kami umalis may narinig ako.
"Sana mahal, kung si Rusty pa kasama ng baby girl natin subrang saya niya" napangiti nalang ako sa lihim. Iba rin pala parents ko.
Pagkadating namin sa hotel ang laki ah. "Dito tayo"? Tanung ko kay Harold.
"Yup" sagut niya. Nauna siya bumaba tas binuksan ako ng pinto at nilahad kamay niya. Binigay ko din. Kaya lang ang hindi ko inasahan paglabas ko ng pinto sa kotse ang daming nagflash. Humawak ako sa braso ni Harold at sabay kami pumasok sa loob.
"Perfect couple" komento ng isang reporter nakatingin sa amin. Ng makapasok kami sa loob wala ng masyadong media.
"Halika doon tayo sa table namin" kinabahan ako pagmameet pamilya ni Harold. Narinig ko kasi subra nilang yaman.
Ng makalapit kami sa mesa nila. Hindi ko alam anung nangyayari ang bilis ng kaba ko. Subra akong kinabahan as in. May tatlong nag uusap dalawang lalaki at isang babae ito ata mommy ni Harold.
"Mom, dad" tawag pansin sa kanila ni Harold ng humarap sa amin ang tatlo. "Oh Hijo andito ka na pala, sino siya"? Tanung ng dad ni Harold sa kanya.
"Ah mom, dad meet Ellaine my friend" pinakilala niya sa magulang niya ng napansin ko nakatingin parin ang lalaki sa amin. Ng makita ko na ang hitsura sino siya. Si Sir- Rusty? Invited din ba siya dito? Nilagay ni Harold kamay niya sa beywang ko. Ng matingnan ko siya patay hindi na madrawing mukha niya. Namumula mukha niya. At ang kaba ko hindi ko matanggal tanggal.
"Hello po" niyakap ako sa mommy ni Harold. Pagkatapos sa pakilala namin sa isa't isa gusto ko ng hangin. Yes. Hangin. " ah harold labas lang muna ako ha" tumango naman siya. Ayoko sila disturbuhin madami silang bisita. Naghanap ako ng isang garden kahit tahimik lang at may hangin gusto ko lang makahinga.
Sa kakaikot ko napunta ako dito sa isang garden nga at madaming bulaklak ang ganda. Kaunti lang tao dito kaya tahimik ang paligid. Tsaka yung sinag ng buwan ang ganda at ang bituin makikita mo talaga.
Naglakad ako kaunti ng bigla ako naout balance dahil sa heels ko. Ng may nararamdan akong iba. Hindi naman ako nakaupo sa lupa teka lang bakit parang may nakahawak sa akin pagtingin ko. Nanlaki mata ko sa nakita at bigla akong tumayo.
"Sa susunod kasi mag ingat ka" sabi niya. Nakatitig parin siya sa akin kaya iniwas ko paningin ko sa kanya.
"Th-thanks" pasalamat ko sa kanya.
"Teka anung ginagawa mo dito"? Tanung ko sa kanya.
"Ikaw anung ginagawa mo dito"? Balik tanung niya.
"A-anu nagpahangin lang" sagut ko sa kanya.
Ng hindi ko na kaya ang sitwasyon namin. "Sige maiwan na kita dito" paalam ko sa kanya ng bigla niya akong hinila palapit sa kanya malapit na nga akong nadapa sa ginawa niya.
"Dito ka lang, 10 minutes" sabi niya sabay yakap sa akin.
Dahan dahan ko tinanggal kamay niya. " baka hinanap na ako ni Harold" reklamo ko.
Binitiwan din niya ako at umalis na ako sa harap niya " kayo na ba ni Harold? Magkahawak kamay kayo kanina"? Tanung niya na diretso ako umiling. Hindi ko alam basta pakiramdam ko ayaw ko siyang masaktan o madagdagan ang sakit niya.
Bigla siya lumapit sa akin. " seryoso ako sa tanung babe? Kayo na ba ni Harold? Ok lang kung aminin mo sa akin" luh may luha lumabas sa mata niya. Hinawakan niya kamay ko. Nagulat nalang ako kusa gumalaw kamay ko para ipahid ang mga luha niya.
"Hindi kami ni Harold, friends lang kami wala kaming relasyon" sabi ko sa kanya.
"Siguro tayo, simula ngayun mas magiging okay kung friends nalang muna tayo sir" sabi ko sa kanya. Nagulat ata siya.
"Si-sige" sagut niya.
Ng paalis na ako hinawakan niya kamay ko. "Babe i miss you so much" ningitian ko lang siya.
Hinarap ko siya. "Balang araw makalimutan mo rin ako Rusty. Focus ka nalang sa mga bagay kung anu nasa sayo ngayun. Kung tayo man sa huli. Tayo talaga" sagut ko sa kaniya.
"Paalam" at umalis na ako sa harap niya. At ang luha ksnina pa gusto bumaha ito na.
Masakit at mahirap magmahal pero kung anung nakapagligaya sayo tama na siguro yun. Mahal ko si Rusty kaya lang sa ngayun limitahan ko na sarili ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO BAD BOY? ✔ ( COMPLETED )
ChickLit[ #56 CHICKLIT] September 18, 2017 Ellaine kasal sa isang tao na BAD BOY. Ngunit paano kung mainlove sila sa isa't isa? Mahulog ? Sino ang mawawala?