Andito ako ngayon sa van ko. Maaga kameng natapos sa endorsement shoot. I don't know kung maganda ba ang kinalabasan kasi wala ako sa sarili kanina habang nag shoshoot kame.
Probably because I am bothered by what Ate Pure said to me. Ano na nga ba mangyayari sa akin? To my career na matagal kong inalagaan? I could only pray na sana ay matapos din to. Malalagpasan ko rin.
Sabi naman nung director, okay daw mga kuha namin. So I guess hindi naman ako ganun ka lala at nag kalat.
Naka white shirt na lang ako saka ripped jeans and sneakers. I'm ready to head home. Pero naka ayos pa din yung buhok ko at di pa rin ako nagtatanggal ng make up. Ayaw ko lang kasi mag stay sa tent kanina dahil may narinig akong crew na naguusap.
They were talking about me, great.
"Narinig mo ba? Sabi hindi naman daw pala si Calvin yung may third party, si girl pala." one girl started. As if hindi ko sila naririnig. Some people have the audacity to talk about someone knowing he/she can hear you.
"Yun nga, lakas ng loob ipalabas na niloko siya ni Calvin eh siya naman may kasama sa Boracay. Hindi man lang tinago. Kapal din." dagdag nung kausap niya. Kapal niyo din, sa loob loob ko.
Sobrang irita ko na sa kanila pero hindi ako makaimik dahil pinipigilan ako ni Ate Julie. Siya na rin nag aya sa akin na sa van na lang mag ayos. Obviously, iniiwas niya ako sa gulo. Sa panibagong gulo.
I was at the verge of crying dahil sa mga gossips na kumakalat. How was the table turned around like that. This is so unfair!
Ayaw naman ni Ate Pure na mag pa interview ako to clear my side. Ang sabi niya sa akin lalala lang pag mag salita pa ako. She told me that siya na raw ang bahala. She just wanted me to stay quiet. No comment na lang daw. It's really hard. Especially hindi ako sanay na nadedehado.
"Dapat di mo na ako pinigilan kanina Ate Julie. Ang kakapal ng mga yan pagusapan ako! The nerve, doon pa sa tent ko mag chismisan. Palibhasa alam nilang pag umalma ako gagawan nila ako ng issue. Sasabihin na naman nilang war freak, walang breeding. Yung tingin nila sa mga artista walang pakiramdam?! Those insensitive jerks should rot in hell talaga!" irita irita ako habang nagtatanggal ako ng make up.
Tinutulungan naman ako ni Ate Julie. Nanginginig na kasi ako sa inis at may nangingilid na luha sa maya ko. She sensed that I'm far from being okay.
"By the way, tumawag Mommy mo." she tried to change the subject para di ako tuluyan na umiyak. "She's asking kung ano na ba daw ang nangyayari. Mukhang di pa siya ina update ni Ate Pure. Gusto mo bang tawagan ngayon?" inaabot sa akin ni Ate ang phone ko.
Wala naman akong magandang maibabalita kay Mommy that's why I hesitated to call her. Pero pag hindi ko siya tatawagan, I'm sure pupunta na naman siya dito. I don't want her to worry too much kaya kinuha ko na rin ang phone to give her a call.
After two rings, sinagot agad ni Mommy ang call ko.
"Hello Camilla? Anak bakit ngayon ka lang naman tumawag. I'm so worried..." pakiramdam ko ay katabi niya si Daddy at tumayo siya para lumayo ng kaunti sa kanya "Ano na naman itong issue sayo anak?" I can hear concern in her voice.
"Mommy, I'm fine. Alam mo na. This is the issue with Jan, nag back fire sa akin ngayon. Binabaliktad niya ako. He's such an ass. I hate him!" pagmamaktol ko.
"Your language, young lady." si Mommy kahit kailan pupunahin talaga ako. She's always concerned with how I move, how I behave pati mga salita na sasabihin ko. Dapayt lang maayos.
Ang layo layo ko sa kanya. Mahinhin siya at parang de susi. Yung bang kalkulado yung bawat galaw. Maybe because iba yung upbringing sa kanya nila Lolo.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionCamilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbusiness, they were both ready to face challenges head on. Jan promised Camilla a love like no other...