"Hi Miss beautiful." bati ni Real sa babaeng nag aarrange ng mga bulaklak.
Agad na lumiwanag ang mukha ng dalwang babae. Ilang buwan na rin kasing bumibili ng mga bulaklak si Real sa flower shop nila. "Hi Sir. Flowers ulit Sir?"
"Yes, isang bouquet ng sunflowers and red roses." he leans on the counter.
"Araw araw kayo nagpapadala ng bulaklak Sir ah. Di pa rin ba kayo sinasagot?" biro sa kanya ng isang florist.
"Kahit sagutin naman na niya ako bibili pa din ako ng bulaklak dito kasi araw araw ko pa rin siyang liligawan." sabi ni Real sabay kindat. Kilig na kilig naman sa kanya ang dalawang dalaga.
"Ayan tayo Sir eh. Mas tumataas tuloy ang standards naming mga single dahil sa mga tulad po ninyo. Haaay, kelan kaya darating yung forever namin?"
Tumawa lang si Real habang nagsusulat sa card.
"Darating din yun. Dasal dasal lang." sabi pa niya sa mga ito.
"Siya na ba talaga forever niyo Sir? Baka naman may chance pa kame." hirit ng isa.
"Wala eh. Siya talaga. Itong puso ko, matagal ng kanya." Real said with a wide smile. Halatang halata na inspired.
"Nako sayang naman. Eto na po Sir." sabay abot kay Real ang bagong arrange na mga bulaklak.
"Thank you." at agad na ring umalis. May hahabulin pa siyang taping.
.
.
.
Masaya si Camilla na maaga natapos ang taping niya sa araw na iyon. Dadaan pa kasi siya ng flower shop at bibili ng cake para kay Jan. She's celebrating his birthday ahead of time. Sigurado kasing dagsa ang fans sa mismong araw. Kahit naman walang okasyon ay halos linggo linggo kung bumisita si Camilla sa puntod ng yumaong asawa.
Lagi niya itong kinukwentuhan na para bang nakikinig ito sa kanya. Camilla is in a better place now. Bumalik na rin ang sigla niya magmula nung mawala si Jan at umalis si Real. Hindi man niya ito nakakausap ay alam niyang nasa maayos itong kalagayan. She just waited patiently for his return even though it's really been so long since she saw him.
"Ma'am, may flowers na naman po kayo sa loob." balita ni Aileen sa kanya.
"Sunflowers and roses?" may kinang sa mata ni Camilla ng tanungin niya ito sa PA
"Opo."
Pagpasok na pagpasok ni Camilla sa loob ay iyon agad ang dinampot niya. As usual walang sulat ang card. Bahagya siyang nalungkot pero agad din napawi ng makita ang pumpon ng mga bulaklak.
"Ma'am bakit po sa dami ng nagpapadala sa inyo ng flowers dito sa dressing room yung sunflowers and roses lang po pinapansin niyo?" natanong bigla ni Aileen.
Napatingin si Camilla sa salamin "Eh kasi it reminds me of my favorite place." the vacant lot in Nueva Ecija. The lot owned by the Laurentes
"Ahh... Kilala niyo na po ba sino nagpapadala niyan?" usisa nito.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanficCamilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbusiness, they were both ready to face challenges head on. Jan promised Camilla a love like no other...