Chapter 20 - The Inspiration

6.1K 309 19
                                        

[Jan]

Five years ago.

Pumasok ako ng dressing room at agad ko nakita ang mukha ni Kuya Hero na nakasimangot na sa akin mula sa pintuan.

I know why, dahil late ako. I never really wanted to come anyway. Pero wala na akong magagawa.

"Jan!" tawag niya sa akin "Buti naman andito ka na.  Kanina pa ako tinatalakan ni Pure. Ano? Asaan ka ba kasi galing ha?" halata sa boses niya ang inis pero pilit niyang pinipigilan na mapasigaw.

"Wala Kuya, alam mo naman na ayaw ko nito eh." sabi ko sabay tingin sa mga tao sa loob. Busy ang lahat.

Mula sa kalayuan inaayusan ang isang artista. Nakikita ko siya mula sa salamin. Seryoso ang mukha at parang may iniisip. I turned to Kuya Hero again and sighed.

"Hay nako. Huwag ka ng mareklamo. Akala ko ba napapayag ka na ng Mama mo?"  binigay niya sa akin ang damit na susuotin ko.

Laging dalawa lang kame ni Kuya Hero. Wala akong PA kasi parang dyahe naman na mag PA pa ako eh hindi naman ganun ka busy ang schedule ko gaya ng ibang artista.

"Siya lang yung pumayag. Mas gusto kong bumalik sa min." sagot ko kay Kuya.

Tinignan lang niya ako. Alam ko na ang sasabihin niya.
"Sayang naman yang itsura mo tyaka marunong ka naman umarte. Bakit ayaw mong seryosohin to?"

Nagpakawala ako ng mabigat na hininga.

"This was fun back when there's no pressure. Bakit naman kailangan pang mag loveteam? Alam mo naman na ayaw na ayaw ko yung ganito Kuya. Madali ako mailang." hininaan ko lang ang boses ko. Aware ako na maraming nakikinig sa loob. Karamihan doon ay kasama nung babaeng artista na ka loveteam ko raw.

"Sus. Sanayan lang yan. Tyaka, ganito ang uso ngayon. Mas madali kang sumikat kapag may ka loveteam." paliwanag ni Kuya Hero.

"Pero Kuya." gusto ko pa sana mag back out.

"Huwag ka ng umapela Jan. Pinagusapan na natin to. Tyaka sa show lang naman to eh. Di naman sinabing ligawan mo." sabi pa niya.

"As if liligawan ko. Ayaw kong mag syota ng artista. Madaming hassle. I should know." medyo natawa ako nung sinabi ko yun. May lumingon sa amin, hindi ko alam kung sino. Kaya tumigil na ako sa pagsasalita saka tumungo ng banyo.

"Well, kung gusto mo makasama ang Mama mo tyaka mga kapatid mo magtrabaho ka na lang ng maayos. Wala ka din naman pupuntahan kapag pinili mo umuwi ng probinsya." nakasunod pa din si Kuya Hero sa akin.

Hindi ko na siya sinagot. Pumasok na ako sa cubicle saka nag bihis. Hindi naman ako pwede sa loob at andoon sila. Alangan namang papaalisin ko sila dahil nagbibihis ako. Sino ba naman ako?

Habang nagbibihis ako at nakikita ko sarili ko sa salamin di ko maalis sa isip ko ang mga bagay na gusto ko.

Makapag ipon lang ako, titigil din ako sa pag aartista. Babalik ako sa probinsya, isasama ko si Mama at dun na lang kame ng mga kapatid ko. Ayaw lang naman niya umuwi ng Mindoro dahil dito siya nakahanap ng trabaho.

Binisita ko siya two years ago at napilit niya akong sumali sa isang model search sa isang mall. Doon sila nagkakilala ni Kuya Hero na manager ko na ngayon.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon