Chapter 58 - The Truth

3K 173 8
                                    

"Anong ginagawa niyo dito?" Camilla said upon greeting Real and Carlo backstage.

Sinenyasan na niya ang dalawang bantay doon na papasukin sila sa dressing room after ng photo op.

"Eto kasing si Real sis! Mababaliw na sa kakaisip kung kelan ka uuwi—" agad na tinakpan ni Real ang bibig ni Carlo at ngumiti na lang kay Camilla.

Nagpigil naman si Camilla na matawa ng tuluyan. Sinama niya ang dalawa sa loob ng holding area. Marami pa kasing tao sa labas kaya hindi pa makaalis agad si Camilla.

"We thought of surprising you since we're in town." sabi ni Real kay Camilla ng makapasok sila.

Hindi na uli nagsalita si Carlo ngunit patuloy pa rin niyang binibigyan si Real ng makahulugang mga ngisi at titig.

"Upo muna kayo. Aantayin lang natin yung security tapos pwede na tayong umalis." sabi ni Camilla.

Carlo took his seat, as well as Camilla. Nanatiling nakatayo si Real sa gilid. Saka lang nila napansin na dadalawa lang pala ang upuan sa loob. Isang monobloc lang at isang loveseat kung saan nakaupo si Camilla.

"Ahm, Real upo ka."ani Carlo. Pointing the little space on the seat Camilla is half occupying.

Real slowly walked to where Camilla was seating and sat down beside her.

May kaliitan ang upuan na iyon na dapat ay para sa dalawang tao kaya't malapit na malapit sila sa isa't isa.

"So ilang days ang stay niyo dito?" natanong ni Camilla sa dalawa.

"Ahm hanggang bukas na lang siguro. Uuwi na rin kame. Walang kasama si Mama sa Nueva Ecija eh." si Real ang sumagot.

"Really? Pauwi rin ako sa amin tomorrow." nakapagpaalam na si Camilla na uuwi muna sa Nueva Ecija bago sila mag shoshoot ng movie abroad.

"Wala ka ng uhm, work?" Real seemed happy that Camilla will be going back to their hometown.

"Meron. Actually I was offered to do a movie kaya lang nag request ako ng kahit ilang araw before we start filming. Mag bibirthday kasi si Daddy."

"Ahh...You'll have a party for him?"

"Oo. Di palang napa plano ng mabuti. Maybe pag uwi ko bukas aasekasuhin ko." she said.

"I'm glad na makakauwi ka muna sa parents mo before you become busy again." bukod doon ay masaya rin si Real na uuwi si Camilla ng Nueva Ecija. Ibig sabihin non ay mas madalas niya rin itong makikita. He's planning to ask her out while she's there.

"Baka ibig mong sabihin mabuti at makakauwi pa muna siya sa Nueva Ecija para makasama mo pa si Lila sis." biro ni Carlo.

Lumaki ang mata ni Camilla sa sinabi ni Carlo. Habang si Real naman ay bahagyang nahiya.

"Kayo talaga. Sabay na kayo sa akin ha? Hindi na rin kayo makakadaan sa harap eh. Madami pa rin kasing tao." umiwas agad si Camilla.

"Oo nga eh. Ang dami mong fans Lila. Yung iba masama makatingin kanina eh." sabi ni Carlo sa kanya.

Nang pinapasok sila sa VIP kanina ay hindi maiwasang mainis ang ibang loyal supporters ni Lila. Hindi na sila nakapasok pa dahil naubos na ni Real ang mga cellphone na binebenta para makapasok.

"Paano ba naman kasi inubos niyo yung pang meet and greet na pass. Kaya nga nagpapasok na lang ako ng sampung fans kanina eh para makapag picture. Buti rin pumayag yung organizer." tumawa na lang si Camilla.

Tinatanggal ni Camilla ang suot niyang mga accessories at isa isang nilalagay sa kanyang bag. Hindi siya sanay na maraming suot na palamuti. Yung wedding ring lang nila ni Jan ang kanyang hindi kailanman hinuhubad.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon