Prologue

21.6K 431 32
                                        


Pagkatapos makunan ang eksena ko, agad akong pumasok sa tent. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas na puno ng buhangin.

"Ang init." sabi ko bago ako naupo sa gilid ng folding bed.

Nasa location pa rin kame ngayon, last few taping days para sa finale ng teleserye na ginagawa ko sa kasalukuyan. This is the by far the role that I had the longest exposure. I was grateful dahil kahit papaano ay may magandang role na naibigay sa akin.

"Li, what you do want, water or juice?" I heard Ate Julie asked me. Nakasunod din siya sa akin at kahit siya ay pawis na pawis na rin.

"Water na lang Ate Juls." agad kong sinagot. Pinilit kong mangiti pero sobrang init talaga at hulas na ako.

"Here." inabutan niya ako ng malamig na bottled water. Kumuha rin siya ng tissue para punasan ang pawis kong noo at kilili tyaka portable na fan para sa akin.

"Nako, pawis na pawis ka na. Kailangan natin i retouch ang make up mo later." sabi ni Ate Julie. Ang init nga naman kasi talaga sa location. Nasa tabi kasi kame ng dagat. Doon kasi gagawin ang ending ng serye. A beach wedding with the sunset as the perfect backdrop.

Maswerte ako na hindi namatay ang role ng character ko bago mag ending. At least kasama pa ako sa finale. At least I get to enjoy the beach too after work kahit medyo hapon na yon, okay lang.

"Ate Juls, pahingi din akong chips. Gutom na ako." sabi ko sa kanya.

"Nako chips. Mabubusog ka ba sa chips?" tanong niya pero inabutan niya pa rin ako ng malaking supot na Lays.

"Thank you." I smiled at her.

"Ay Li, papunta dito si Ate Pure." tawag ni Ate Julie sa RM ko na Purita talaga ang pangalan. Matagal ko ng manager si Ate Pure. Nagsisimula pa lang sa showbiz, sa mga pipichuging mga commercial pa lang ako nakukuha eh siya ng tumitingin sa career ko.

"Oo nga eh, sabi niya may good news daw siya for me." sabay nilantakan ang chips. "Asan na pala siya? She should be here."

"Hmm...kanina sabi niya malapit na. Baka maya maya andito na rin yun." sagot ni Ate Julie sa akin. She was patting my forehead lightly to remove the beads of sweat that was there.

"Last scene mo na di ba?" tanong niya uli.

"Yup. Then I'm free! Pwede na akong mag beach." I said with excitement.

"Nako, mag ingat ka sa susuotin mo ha? Mamaya may magpa picture sayo tapos pangit yung suot mong two piece." paalala niya sa akin.

"Ate Juls, wala akong two piece na pangit." I said with a face. "Tyaka di naman two piece dala ko, one piece lang." I tried to sound funny pero hindi naman natawa si Ate Julie.

"Sinasabi ko lang eh sumisikat ka na. Dumadami na rin ang bashers mo. Mamaya mainis na naman ang Daddy mo sa mga mababasa niya sa mga newspaper."

"Wala naman akong ginawa na ikinatuwa ni Daddy eh, so whatever." I replied nonchalantly.

"Ikaw talaga--"

"Tama si Julie. Dapat mag ingat ka sa pag labas labas mo. You're already becoming famous Lila." sakto namang pumasok si Ate Pure. With her usual get up. White cotton blouse, jeans, sneakers and dark shades.

I stood up and went to kiss her cheeks "Hi Ate."

"Nako, ano yan? Chichirya? Stop eating that." agad na inagaw sa akin ni Ate ang kinakain kong potato chips at binalik kay Ate Julie.

Nalungkot ako. I even made a sad face but Ate Pure did not buy it.

"Ate naman, konti lang. Nag ccrave ako ng something salty eh." lambing ko sana sa kanya. My hand was reaching for the chips but she was quick to dispose it.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon