Chapter 31 - The Question

6.2K 326 46
                                    

SPG

[Jan]

Ramdam ko yung kalabog sa dibdib ko. The anticipation is killing me for real. Feeling ko sasabihin na niya pero hindi ako umaasa, I did not want to go home totally turned on yet disappointed.

Hindi magandang combination yun. Baka kailangan ko na namang mag cold shower pag nagkataon. Pigil na pigil na ako kay Camilla pero I want to respect her decision.

I admit it, I've always fantasized about her. Hindi naman yun katakataka dahil simula't sapul ay alam kong sobrang attracted ako sa kanya and now that we have this love that's very special between us mas lumala iyon.

She's exceptionally gorgeous and she has this appeal na hinding hindi mo maipagkakaila. Innocently sexy and I am such a lucky, lucky man to have her as my girlfriend. At times, hindi pa rin ako makapaniwala na akin siya.

There were no nights that I did imagine my self expressing my love for her in that form. I wanted to own her, claim her as she would do the same to me. I wanted Camilla to feel how much I am craving for her and her love for a very long time now.

I literally stopped breathing as I waited for Camilla to say it. "Please Baby, say it." my mind pleads.

"Claim me." she said and my mind skyrocketed to the moon.

Hindi na ako nag sayang ng oras. Tumalikod ako sa sasakyan ko at agad na bumalik sa elevator.

I was running, literally.

Mabuti na lang at naabutan ko yung isang elevator bago mag sara.

"Makikisabay po." habol ko. Nailagay ko ang kamay ko sa pagitan ng mga pintuan bago pa man ito magsara.

Nginitian ako ng guard na nakasakay.

"Hi po Sir. Good evening po." magalang na bati niya sa akin. Siguro ay nightshift siya kaya paakyat din siya ng building.

"Good evening." I catch on my breath.

"Anong floor ho?" tanong ng guard sa akin.

"25th" sagot ko habang hinihingal.

Pinindot na ng guard yung floor. May nakapindot ding 28th floor. Siguro ay doon ang punta niya. Hindi na ako nagsalita dahil pinapahupa ko muna ang hingal ko.

Nagtanong uli siya sa akin "Dito ba kayo nakatira Sir Jan?"

"Ah no. Si Camilla. I mean si Lila, yung girlfriend ko." I told him.

"Ay oo nga pala. Dito pala si Miss Lila nakatira. Bibisita kayo Sir?" tanong niya uli sa akin.

"Ahh hinde, hinatid ko siya kanina." sabi ko tapos tumingin ulit siya sa akin.

"Ganun ba? Pabalik po kayo don?"

"Oo eh...may nakalimutan ako sa taas." I reasoned out.

"Naku mukhang importante po yan. Tumatakbo pa kayo pasakay ng elevator eh." sabi pa niya sa akin at natawa ako ng bahagya.

Halata kayang sobrang excited ko sa itsura ko?

"Oo, importante eh. Di pwedeng ipagpabukas." sabi ko sa security guard ng may malaking ngiti sa labi ko.

Tinignan lang ako ng guwardiya saka ngumiti rin at tumango.

Pagdating namin ng 25th floor ay bumukas ang pintuan ng elevator. Lumabas agad ako.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon