Mag aalas otso ng gabi ng sabay na dumating si Camilla at Real sa restaurant kung saan gaganapin ang kaarawan ni Enrico.
Malaki ang venue at talagang magarbo. Ito ang pinaka bagong bukas na restaurant ng mga magulang ni Keira. May bar ito sa pangalawang palapag at sa pangatlo ay ang kanilang VIP lounge. They booked the entire place for the night.
Nagsisidatingan na rin ang ibang mga bisita. Mostly relatives ng mga Sequia.
Bago pa man makababa ng sasakyan ay agad napansin ni Real ang dami ng mga tao na nakaabang sa labas ng venue. Bigla siyang tinubuan ng kaba.
"Ang dami palang mga taga media. Nakakalimutan ko pa rin na sobrang sikat mo palang artista." he kids. Naka suot lang siya ng simpleng itim na T-shirt at leather jacket. Ang mahaba niyang buhok at nakatago sa suot niyang beanie.
Saglit siyang nilingon ni Camilla na nagtatanggal pa lamang ng suot na seatbelt.
"Tara sa loob, dumiretso na muna tayo sa taas." aya ni Camilla sa kanya. Napansin naman niya agad ang pag aalinlangan ni Real. "Don't worry, walang media sa loob. The party is strictly invitation only." she says to him.
"Sigurado ka bang okay lang na kasama mo akong papasok?" muling pagaalangan ni Real.
"Real, you're my guest and wala naman tayong ginagawang masama. Tara na." sabay hila niya kay Real palabas ng sasakyan.
As expected, inulan ng mga flash ng mga camera si Camilla habang papasok sa loob. Agad naman siyang pinalibutan ng mga body guards para hindi malapitan ng husto ng mga reporter.
Kung ano ano ang itinanong kay Camilla. Hindi naman lahat at nasagot niya dahil nagmamadali na siyang pumasok sa loob.
Naiwan sa likod si Real at tahimik na sumabay sa pag pasok ng mga body guards ni Camilla.
Hindi maiiwasan na mahagip siya ng mga camera at may iilan na nakapansin sa kanya. Maliban sa body guards ay siya lang ang kasama ni Camilla na pumasok.
"Sino kaya yung kasamang lalake ni Lila?" usisa ng isang reporter.
"Nakita niyo ba yung lalake na kasama niya? Yung nakasunod sa likuran niya?" bulong naman ng isa pa.
"Bagong pag ibig kaya niya iyon?" duda ng iba pa.
"May boyfriend na agad si Camilla? Napalitan agad si Jan?" may pagtaas ng kilay na sinambit ng mga nakakita.
Patuloy silang nagbulung bulungan habang ang iba ay pilit makakuha ng mga larawan mula sa kanilang kinaroroonan.
"Boyfriend nga yata. Sa iisang sasakyan bumaba eh." ani ng isa sa kanila. Nagkanya kanya na silang buo ng kwento kahit wala pang kumpirmasyon na naganap.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionCamilla Sequia met the love of her life in Jandrei Yuan Antonio. They're both celebrities in their prime. As handful as it is to find love in showbusiness, they were both ready to face challenges head on. Jan promised Camilla a love like no other...